Nitong mga nakaraang buwan ng pagkawala ko, hirap na kong isingit ang pagbblog sa dami kong ginagawa este iniisip, ooppps ginagawa pala. Okay. iniisip at ginagawa. Facebook at twitter nga lang ang di ko mabitawan dahil di ko kayang iwasan. *uyy,rhyming! Medyo naging busy lamang ako sa pagaayos ng mga papel sa aking pag alis, may mga inasikaso din naman sa bahay at may ilang mga problema na dumating. E syempre naman nalampasan lahat yun ni keso, si keso pa?! :DDD
Sa ngayon e nasa malayong lugar na ko, halos magiisang buwan na din ako dito, nagiisnow at ngayon naiintindihan ko na sila kung bakit ayaw nila maligo araw araw., eh kasi ayoko din. ^%$#$E#$ ang lamig kaya! Unang dating ko dito, negative 5 ang temperature. ( buti ngayon hindi na) kamusta naman yon? Hindi kinaya ng patpating katawan ni keso at nag pitong patong ng damit. Akala ko din ay magagawa ko din ang pinapangarap kong snow man ngunit hirap pala hawakan ng snow, parang puputok ang daliri ko sa lamig..
Sa unang linggo ng paglalagi ko dito ay parang gusto ko ng umuwi. SERYOSO! Nasa eroplano pa nga lang ako e gusto ko ng bumalik kaagad,habang nasa byahe kasi iniisip ko pa din kasi yung naiwan kong adobong manok sa may lamesa, baka napanis na yon! Baka hindi pinasok sa ref ng tatay ko baka baka... hayy. Masyado akong nagiisip sa lahat ng iniwan ko sa pinas, hindi ko alam kung makakayanan ng tatay ko mag isa, baka hindi kumain yon, tamad pa man din magluto yon, yung bills baka makalimutan bayaran, naku yung computer ko dapat buksan nya minsan baka masira, waaaaaaaaah. O.a na ba ko masyado? Matagal din kasi kaming nagkasama ng tatay ko ng kami lang,parehong naiwan sa pinas habang ang nanay ko at mga kapatid ay nasa abroad lahat, halos ako din naman ang umaasikaso sa lahat, dahil makakalimutin ang tatay ko sa mga ganyan at lalaki naman sya so ako talaga sa lahat ng gawaing bahay. E sa ngayon sya na lang muna ang bahala sa lahat, E ganon talaga ang buhay dba? Kailangan umusad kahit papano,kung minsan e kailangan umalis sa comfort zone at mag try ng ibang bagay, para sa ikabubuti at ikagiginhawa at ikasasaya nyo din sa susunod na mga araw, Kailangan matuto ang bawat isa, mag grow ika nga,wag umasa sa ibang tao at matutong maging independent dahil di naman lahat ng oras ay may maaasahan ka... labo labo na naman ako magkwento. intindihin nyo na lang. o sya hanggang dito na lang, pahapyaw lang naman ito. K BYE!
PS: basta namiss ko kayo ng bonggang bongga, nahihiya na nga lang ako sa iba dahil di ko man lang nabibisita yung mga blog nyo, :((
kilala nyo pa ba ako? :D (wala na nagdrama na ko!) bwahaha.









