Usapang puso para sa buwan ng mga puso. wapak!

Matagal tagal na din akong di nakakapagkwento about sa love life ko. (lablayp talaga?) As if namang may lablayp ka keso! ambishosa! Hindi, seriously, may lovelife naman ako kaso lang di ko sila pinapansin. haneeeeeeeeeeeeep. angas! hahaha. Hindi! joke lang po yon, wala talaga. Wala talagang lovelife. As in zero. enkkkkkk. Pero, (may pero talaga?!) may nagugustuhan ako, ewan ko lang kung gusto din ako, hindi ko nga din alam kung love na ba to o ano, ang alam ko lang lagi ko siyang naiisip. Lagi kong pinapakinggan lahat ng songs na sinasabi niya sakin, gusto ko lagi ko siyang kasama, bwahahaha. shyeeeeeet. teka ha. teka lang. natatawa ko. bwahahahahahahahaha! Parang ang cheesy na masyado. hahahah! Idagdag mo pa tong background music ko. how deep is your love. potek. hahahahah! okay! game na ulit!


Naalala niyo ba yung dati kong post na sabi ko lahat ng lalaki paasa? bwahaha. sorry ha? dinamay ko pa lahat, dinelete ko na naman yon, okay na ko. promiseeeeeeee. bitter bitteran lang ang drama ko nung time na yon, yung tinutukoy kong paasa dun tsaka yung taong gusto ko sa ngayon e parehong tao lang. Wala e, pakiramdam ko pinapaasa lang ako kasi assuming ako pero di naman masyado noh, wahaha. kung wala akong nakitang kaasa asa, siguro naman hindi ako aasa ng ganito.

So anong chika keso? Kamusta na siya? Anong nagyari?


Ayun, nagkasama naman kami ng ilang beses bago ako umalis ng pinas, Inilaan ko na din halos lahat ng natitira kong panahon sa kanya, gusto ko na din bale umamin kaso iniintay ko siya. tae. feelingera talaga e noh? hahahaha. E kaso wala talaga. Walang aminang naganap. So wag na, tsaka aalis na naman ako, kung pinigilan nya lang ako.... wala pa din, aalis pa din ako. takot ko lang sa nanay ko. PERO babalikan ko siya. :) Kaya kung nababasa man niya tong blog ko, kung umamin ka lang, pero wala e, mas pinili mong habang buhay tayong magpakiramdaman. Pero maghihintay ako. Maghihintay akong magkaroon ka na ng lakas ng loob. Baka naman iniisip mo kaibigan lang turing ko sayo, hindi noh! akala mo lang yon, Isipin mo na lang ang pagpupuyat ko makachat lang kita, ang pagpapaload ko sa may kanto makatext lang kita na kung tutuusin hindi naman talaga ko mahilig magtext pero para sayo, unti unti ko ng nakakahiligan, at ang pagtakas takas ko sa tatay ko,makasama lang kita. (lagot na! wag sanang mabasa to ng ate ko!) Sayo ko lang nagagawa yon. isipin mo naman yon noh! Wala e, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan mo,bakit hindi ka umamin. Alam kong merong something. Alam ko. Nararamdaman ko. Nararamdaman ng kaibigan ko, nararamdaman ng kaibigan mo. Nararamdaman nila. So ako pa ba ang mali? Akala nga nila tayo na, pero ang hina mo talaga, :(( Medyo nagsasawa na din ako kung minsan magintay sa pag amin mo, pilit na din kitang iniiwasan kung minsan pero di ko magawa e, sige, kung ganito lang ang gusto mo. okay lang. Let's just be nothing. Nothing lasts forever naman e. .

Kaya naman to all singles, this coming valentine's day.... Happy Independence Day na lang po sa atin!

Baka patusin ko na lang tong stalker ko, kahit saan ako magpunta sumusunod siya,





Kaya naman baka pumayag na din ako sa hinihiling nyang 2nd date, nakakaawa naman kasi dba?







PS: pagpasensyahan nyo na kung parang natapyas yung balakang ko sa pangalawang litrato, baka isipin nyo inedit ko lang yan. HINDING HINDI KO PO TALAGA INEDIT YAN! PROMISEEEEEEEEEEEEEEEEE!




14 sabi nila.:

{ ♥superjaid♥ } at: February 7, 2011 at 3:38 AM said...

si papa jake!yummy!hehehe anyway..kilala mo ba si sis kox ng kornchops?=) anyway ulit..hihihi ang torpe naman nya kung sino man siya tsk dapat kaw na yung nanligaw eh or umamin bago ka umalis baka natauhan pa siya di ba?=) kaso dalagang pilipina nga pala tayo kaya wag na lang pala hehehe

{ bHeniPotpOt } at: February 7, 2011 at 4:34 AM said...

HAHAHAHAHAHA. natawa po ako ate keso sa bandang dulo. haha. advance happy independence day saten ate keso! napadaan po :)

{ Jag } at: February 7, 2011 at 7:24 AM said...

Hahaha ang Keso nmn ng pic bagay na bagay LOL...Ang galing mo nmn magf2shop...anong version gamit mo?

Gusto ko din ang bagong hitsura ng bahay mo....

{ KESO } at: February 7, 2011 at 8:57 AM said...

sis jaid, muntik ko na ngang ligawan! naalala ko lang na ako nga pala ang babae, haha. si kornchops? oo kilala ko, bakit po? uyy, nareceive mo na?


bheni, hahahaha. natapyas kasi, badtrip. haha! magsuot ng white ha, kapayapaan! haha.



jag, bagay ba? :"> kinilig naman ako. hahahahah! koyaaaa, sinasabi mo bang inedit ko yan? nakakasakit ka ng damdamin, hindi ko yan inedit! hahahahhahaha.


napapaghalataan di bumibista sa bahay ko, matagal na po yang layout ko.hihi

{ LordCM } at: February 7, 2011 at 3:11 PM said...

tanong:ano ba kasi masama o mahirap kung babae ang maunang umamin?

di ba? kung lahat tayo maghihintayan, wala talagang mangyayari, habambuhay na lang tayong maghihintay...

ayan! nag sermon na tuloy lolzz

{ ISTAMBAY } at: February 7, 2011 at 9:04 PM said...

ang keso, grated ahehehe...

nagpapakiramdaman lang pala kaya, pero ingats ha.. minsan kasi namimisinterpret natin ang kilos ng isang tao, mas mabuting wag maexpect muna diba? kapag sinabi na mismo eh yun na.. sa ngayon, kilig kilig ka muna sa mga daydreams mo ahehehe..

ingats po jan.. :)

{ KESO } at: February 7, 2011 at 10:41 PM said...

kuya cm, MAHIRAP kasi pag babae ang umaamin,nagigingMASAMA sa mata ng ibang tao, sa mga taong nakapaligid,nagiging iba ang tingin, oh well, sabihin na nating mas inuuna ko pa yung sasabihin ng ibang tao, mali ako dun. pero umiiwas lang ako sa mga mapanghusga. ang hirap talaga kuya, :|


istambay, thanks po, yun din naiisip kung minsan baka false alarm, pero hindi e, ewan, wahahahaha. ingat din po. ;)

{ Xprosaic } at: February 8, 2011 at 2:37 PM said...

Ahahahhahahahha adik lang... naku di mo nga talaga ineedit ang pic... natural na natural nga eh... hehehehehhe... Saka wag ka magalala iba na panahon ngayon pwede na babae manligaw kaya ikaw na lang umamin kung ayaw niya talaga! hehehehehehehe

{ Captain Youni } at: February 9, 2011 at 1:29 AM said...

hello po bagong bloggera po ako... nais ko po sanang ipahayag ang aking saloobin (teka buwan ba ng wika ngayon at bang-lalim ng mga chikaness ko?) hehehe galing po ng pagkagagawa.. kala ko inedit nyo lang mali pala ako :)) BTW hindi ako nalulungkot na mag-isa this valentines' hindi talaga... hindi nga ehh... ayoko na!!! WHAAAA!!!
Happy puso po!!!

{ goyo } at: February 9, 2011 at 11:56 PM said...

May kasamang artista? IBA! Haha.

Tangenang torpe naman nung unggoy na yun. Hehe. Baka kasi kaya di sya umamin, alam nya na aalis ka din. Mahirap nga naman ang LDR. Balikan mo na lang sa tamang panahon. Ü

{ KESO } at: February 12, 2011 at 12:07 PM said...

xproisac, naku. konting pilit na lang talaga sakin ako na aamin haha! salamat po sa pagbisita sir at sa pananalig na hindi ko talaga inedit yan. hahahah!ingat po.



captain youni, hej! bagong blogera ba? naks. welcome sa blogosperyo. nako. hindi ko talaga inedit yan, mukha lang talagang edited. hahah! shyet. wag ka ng malungkot sa balentayms. hindi ka nagiisa! haha. salamat sa pagbisita capt.! ingat.


goyo, ako na ang may kasamang artista! ako na! haha. tss. baka nga kaya di sya umamin kasi ganon o naman kaya wala naman talaga syang aaminin kasi isa lang akong feelingera. haha! teka, ikaw ba? kamusta ba ang lablayp ni goyo? ayieeee.

{ goyo } at: February 23, 2011 at 5:33 PM said...

bumalik ako. :)
kala ko may bagong post na pero wala pa pala.. lovelife ko? okay sa alright. haha. :)

{ jedpogi } at: March 7, 2011 at 6:05 AM said...

ang pogi ng stalker mo hehehe.... congrats!

{ RICO DE BUCO } at: March 25, 2011 at 1:10 PM said...

hehehe ang cute ninyo..bagay na bagay