keso shirt.

hep! Akala ko pa mandin makakapagupdate na ko araw araw ng blog ko hindi pala, yung araw araw na sinabi ko naging once a month. potek. Pasensya na kayo ha, *kayong tatlong nagbabasa ko, medyo busy busyhan kuno si keso. Tapos, pag naman may time na ko magblog, nakikisilip yung ate ko, o naman kaya ang hina nung wifi ng kapitbahay namin. leche. ako pa galit e noh? Tama na ang paliwanag keso! kwento na! game!


Last saturday, niyakag ako nung apo nung friend ng mama ko bale anak siya ng pinsan ng pinsan ko sa side ng asawa ng kapatid ng nanay ko na tito ko. Ano daw? Basta ganon, ang makagets may keso shirt na tulad nito:


JOKE!


sumegwey pa. papansin. gusto lang ipagmalaki na may tshirt siya.



Niyakag ako sa birthday party,after daw nun disco. OO. disco talaga! Disco yung tawag nila dun sa mga club/bars na katulad sa Pinas. E di pumayag naman ako, petiks lang naman ako. E kaso lang, mukhang di payag ang nanay ko, pati yung ate ko. Mas mahirap pala dito, dalawa ang bantay ko,hindi tulad sa pinas na tatay ko lang. Pero bandang huli e pinayagan na din kasi naka-oo na ko, dahilan lang naman nila kung bakit ayaw ako payagan e kasi matututo lang daw ako maginom, eh alam mo bang hindi nagiinom si keso? ang bait ko lang. amen.


Pagdating sa parteeeh, pinagdress ako tapos stockings lang sa -3 na temperatura. Pinaka TIIS-GANDA moment ko so far.Buti na lang may sasakyan yung anak ng pinsan ng pinsan ko sa.. uulitin ko pa? Kaya naman nakasurvive kahit papano, kasumpa sumpa lang yung nilakad namin mula parking lot papunta dun sa dadausan ng parteeeh. Hindi na ko naniniwala sa sa salitang "malapit lang" yung malapit lang parang kalahating kilometro para sa kanila. chos.


Na-enjoy ko naman ang birthday party, nahilo si keso, ito na ba ang sinasabi nilang may amats na. Hindi ko na din mabilang kung nakailang tequila ako, pero tinamaan lang talaga ko ng konti pero hindi naman lasing. ikaw banaman ang uminom ng kapiranggot na tequila sabay inom ng dalawang basong tubig. malalasing ka ba non?potek. Umihi lang ako ng umihi sa party. jusko.


Gusto ko ng umuwi sa totoo lang, narealize ko kasi habang nasa party na hindi ganito yung trip ko, mas gugstuhin ko pa pala manood ng sine at kumain ng popcorn kesa sa ganito. :3 Pero dahil nga may usapan na after nga nung party ay didiretso na sa discohan (disco talaga?!!) so tumuloy na din kami, first time ko din naman kasi papasok sa ganito, so okay na din, di din naman sigurong masamang magtry, tsaka di din talaga ko nagpupupunta sa ganito kahit nung nasa pinas pa ko, ang bait bait ko kasi, sa bahay lang ako palagi. bwahahaha.


Pero pagdating sa disco, naparami din yung inom ko, feeling ko kasi juice lang yung iniinom ko akala ko di ako tatamaan masyado, e wala na, nakalimang baso yata ako, nahilo si keso. Yung tipong di na ko makabalance pag nakatayo, shyeeeeeeet. lagot ako sa nanay ko! Pero hindi naman ako lasing, alam ko pa ginagawa ko, normal lang ba yon? hindi lasing pero feeling ko matutumba na ko? Pero walang tigil din yung sinok ko. hanggang makarating sa bahay sinisinok ako. jusme. Hindi na ko iinom. Una't huli na yan. promise.


Pinapangako ko pag uminom ulit ako mamimigay ako ng keso shirt! *segwey!

ako na ang may keso shirt! ako na!

bwahahaha.





Pinilit ko lang talaga yung sarili ko magblog ngayon pero gusto ko lang talaga ipakita yung tshirt ko. bwiset. :)))

11 sabi nila.:

{ BatangGala } at: February 5, 2011 at 4:15 PM said...

ang ganda...nung shirt! pero mas maganda yung may suot ng shirt! ^_^

{ hArTLeSsChiq } at: February 5, 2011 at 5:39 PM said...

danda 'bae :P

arbor yung shirt..^_^

{ bulakbolero.sg } at: February 5, 2011 at 8:08 PM said...

nice. ganda naman ni keso.

{ Super Balentong } at: February 5, 2011 at 8:11 PM said...

gusto ko ang shirt! astig, cool..

{ kayedee } at: February 6, 2011 at 12:52 AM said...

ako dn mas gus2 ko mag cityville kesa mag disco putek!!! ahahaha

inggit aq sa tshirt ehhehe!!
ingat k pla! mwah!

{ KESO } at: February 6, 2011 at 12:31 PM said...

batanggala, hanep! yun yun e! hahahaha. kahit hndi na ako, masaya na kong napansin nyo yung tshirt ko. nyahahaha.



hartlesschiq, bigay lang yan nung friend ko haha. tenkyu naman sa pambobola teh, parang gusto ko na tuloy ibigay tong shirt, hahahaha. chos.


bulakbolero, Bolero! wahahaha. hindi ka nagbasa! :DD


superB, naks. tenkyu sir! hihi


sis kayedee, hahaha. jusko. tama ka don teh, mas gugustuhin ko pa din pala matulog maghapon magfacebook at magfoodtrip sa loob ng bahay kesa magdisco. :/ ingat din po teh, :*

{ ISTAMBAY } at: February 6, 2011 at 5:56 PM said...

pansin ko nga.. tshirt lang naman ang gusto mo ipakita ahehehe. joke lang po.. pero ganda ng tishirt ha..

alam mo ba, walang lasin na hindi alam ang ginagawa.. lahat ng lasing alam ang ginagawa nila, ginagawa lang dahilang ang lasing nga..

oh ano uulit ka pa ba mag parteyyyyy at magdiscooowww... sige ulit pa ng magkaronkami ng keso shirt.. :)

{ LordCM } at: February 6, 2011 at 6:05 PM said...

parang nasa CR ka enoh lolzz ganda ng shirt :)

{ ♥superjaid♥ } at: February 7, 2011 at 12:50 AM said...

hanganda naman ng tshirt!penge!hehe joke!ngapala sis wala pa akong nareceived eh..pwedeng paulit?hehehe

ngapala kapag naglalasing ako laging ganyan yung pakiramdam ko normal ako pero di na makatayo gn diretso hehehe

{ KESO } at: February 7, 2011 at 2:21 AM said...

istambay, ganon ba yon?, nakss. may natutunan ako, haha! hindi na po ko uulit, wala din kasi kong perang pampagawa ng keso shirt hahah! salamat sa pagkomento kabayan. :))


kuya cm, hahaha. ayy hindi po, nagkakamali kayo. chos! aww, kita pala yung tuwalya sa likod haha.



sis jaid, nagpasa na ko sisulit. pakicheck! hehe. sis, sinisinok ka din ba pag nalalasing? haha. laughtrip yung sinok ko, ayaw tumigil. haha

{ caustic } at: February 20, 2011 at 11:04 PM said...

ganda ng shirt keso. dapat may pares din na totoong keso para model ng Eden ang dating :)