Nitong mga nakaraang buwan ng pagkawala ko, hirap na kong isingit ang pagbblog sa dami kong ginagawa este iniisip, ooppps ginagawa pala. Okay. iniisip at ginagawa. Facebook at twitter nga lang ang di ko mabitawan dahil di ko kayang iwasan. *uyy,rhyming! Medyo naging busy lamang ako sa pagaayos ng mga papel sa aking pag alis, may mga inasikaso din naman sa bahay at may ilang mga problema na dumating. E syempre naman nalampasan lahat yun ni keso, si keso pa?! :DDD
Sa ngayon e nasa malayong lugar na ko, halos magiisang buwan na din ako dito, nagiisnow at ngayon naiintindihan ko na sila kung bakit ayaw nila maligo araw araw., eh kasi ayoko din. ^%$#$E#$ ang lamig kaya! Unang dating ko dito, negative 5 ang temperature. ( buti ngayon hindi na) kamusta naman yon? Hindi kinaya ng patpating katawan ni keso at nag pitong patong ng damit. Akala ko din ay magagawa ko din ang pinapangarap kong snow man ngunit hirap pala hawakan ng snow, parang puputok ang daliri ko sa lamig..
Sa unang linggo ng paglalagi ko dito ay parang gusto ko ng umuwi. SERYOSO! Nasa eroplano pa nga lang ako e gusto ko ng bumalik kaagad,habang nasa byahe kasi iniisip ko pa din kasi yung naiwan kong adobong manok sa may lamesa, baka napanis na yon! Baka hindi pinasok sa ref ng tatay ko baka baka... hayy. Masyado akong nagiisip sa lahat ng iniwan ko sa pinas, hindi ko alam kung makakayanan ng tatay ko mag isa, baka hindi kumain yon, tamad pa man din magluto yon, yung bills baka makalimutan bayaran, naku yung computer ko dapat buksan nya minsan baka masira, waaaaaaaaah. O.a na ba ko masyado? Matagal din kasi kaming nagkasama ng tatay ko ng kami lang,parehong naiwan sa pinas habang ang nanay ko at mga kapatid ay nasa abroad lahat, halos ako din naman ang umaasikaso sa lahat, dahil makakalimutin ang tatay ko sa mga ganyan at lalaki naman sya so ako talaga sa lahat ng gawaing bahay. E sa ngayon sya na lang muna ang bahala sa lahat, E ganon talaga ang buhay dba? Kailangan umusad kahit papano,kung minsan e kailangan umalis sa comfort zone at mag try ng ibang bagay, para sa ikabubuti at ikagiginhawa at ikasasaya nyo din sa susunod na mga araw, Kailangan matuto ang bawat isa, mag grow ika nga,wag umasa sa ibang tao at matutong maging independent dahil di naman lahat ng oras ay may maaasahan ka... labo labo na naman ako magkwento. intindihin nyo na lang. o sya hanggang dito na lang, pahapyaw lang naman ito. K BYE!
PS: basta namiss ko kayo ng bonggang bongga, nahihiya na nga lang ako sa iba dahil di ko man lang nabibisita yung mga blog nyo, :((
kilala nyo pa ba ako? :D (wala na nagdrama na ko!) bwahaha.






22 sabi nila.:
Weebee keso!!
Tagal mo ngang nawala,andyan ka na pala sa kabilang ibayo. Pasalubon pag-uwi...haha juk
Katulad nga ng sinasabi ko sa mga ibang pansamantalang naghiatus, sulat lang ng sulat kasi in time babalik din yung magic nila sa pagsusulat.Mas lalo na ikaw di ba??
Ingat ka jan!Antayin ko ang kasunod mong p0st :)
penge naman ng snow. hehe.
oy iniwan mo ko hindi k mn lng nagsabi. hehhe. nwei wag k maxado magalala sa amin dito. hehe. ok kmi. at ikaw jan ingat ka atienjoy enjoy mo ang yong buhay. bata k p nmn ^_^
-kikilabotz
keso namiss ka namin dalasan mo po paguupdate hehehe ako na ang demanding
ay lil sis asan kana now?
gnun tlg. habang tumatanda ay lalong nadadagdagan ang responsibilidad at kelangan mag sacrifice! tama na ang pasarap ehehee.. naku gnyan dn ako!!! wana go home na :(
Oo kilala kita. Ewan ko lang kung ako kilala mo? Hehe. Ingat na lang sa bagong destinasyon mo. Ü blog lang ng blog.
Dear Keso,
Isa ka sa mga unang nakakulitan ko sa blog pero hanggang ngayon hindi ka parin nakipag EB! Dahil dyan mag kita tayo sa Paris!
Tama ka, minsan talaga kelangan nating umalis sa comfort zone para mag grow tayo. Ganun kasi talaga, may mga bagay na dapat i-sacrifice para may ma gain din tayo. And for that, mas lalago tayo parang puno lang.
Ingats ka dyan!
namiss ka namin sis..nung mapadpad ako sablog mo medyo madalang ka ng magpost pero inabangan pa rin kita kaya welcome back!
hartlesschiq, naaaaaaaaks, natats naman ako, may sumusubaybay pa din pala kahit papano saken. tenkyu ate! pasalubong ba? pwede bang hugs and kisses na lang? haha. ingat din po kayo dyan. thanks po.
bulakbolero, haha, sige po ilalagay ko sa bote, padala ko sa sg.nyay. haha.
kikilabots, hahaha. iba yung nafeel ko nung sinabi mong bata pa naman ako, ilan taon ka na nga ba? haha. ayaw mo kasi sagutin e. haha. salamat ha, ingat din kayo, kita kita tayo pagbalik ko. :))
ricoooooooooo! dumadaan ako sa bahay mo di lang makapagkomento, haha. hiya lang ako, alam mo bang ikaw ang una kong nakilala sa blogosperyo. haha. hayaan mo dadalasan ko na. ingats.
ate kaye, kamusta na po? andito po sa denmark, akala ko alam mo na. haha. tskkk. iba pa din sa pinas noh? :((
hi goyo, nakoooo. ako pa tinanong mo kung kilala kita? syempre naman. si goyo pa? *sikaaaaaat* hihi. salamat po, ingat din! :))
kuya jepoy, haha. grabe lang, sa ibang lugar pa tayo makakapag eb. haha. sige po pagiipunan ko na po ang pamasahe ko papuntang paris! pakainin nyo na lang ako, hahaha.
basta kuya, ingat din sa lugar na pupuntahan mo ngayon, kapag nasa paris ka na, pakimessage na lang po ako. goodluck po and god bless! :))
sis jaid, thanks sa pagsubaybay, namiss din kita, pasilip silip din ako sa blog mo. hihi. ingat din. :))
naman naman.. buahy ka pa pala..buti naman at nagparamdam ka. hehe.. nasaang lupalop ka na ng mundo??
Sayang naman kung napanis ang adobong manok... at sana wag alikabukin ang iyo computer... turuan mo kasi magblog si itay... Nainggit ako sa SNOW... ako na inggetero...hehehe... parang wala naman po nagbago magaling ka pa din magsalaysay ng iyong kwento at nararamdaman... :D
weebee po...
waw ang tutyal! :)
sino ksama mo jan?
kht mahirap, isipn mo nalang na swerte ka na nanjan ka kaya wag na masad ehehhe..
ingat keso :) pictures!!!
ate chickletz, oo buhay pa. haha. heto nasa ibayo na, sa europa. hihi.
nafacamot, hahaha. tagalog na tagalog ba? nakooooo, si itay? tuturuan ko magblog? baka hindi nyo na ko bisitahin at si itay na lang ang abangan nyo. at sa totoo lang di nakakatuwa ang snow, nakakairita. ang lamiggg! haha. salamat sa pagbisita. ingat.
ate kaye, nakoo yun na nga lang iniisip ko para sa akin na lang din siguro to, kasama ko na po family ko, si itay na lang ang natira sa pinas. :(
ate ro, sige pooooooo, okay lang ba kahit malabo? nasira ko kasi yung camera ng ate ko. bwahaha. sa fone na lang. :))
Aww Keso! Di ka man lang namin nakita bago ka umalis hehehe... Di bale there's always a chance sa future!
babalik naman ako kuya, pagbalik ko makipagkita kayo saken ha? hehe.
atekoy, kabayan pala kita.. san ka sa cavite? pero wala ka na dito sa atin, sayang tsk tsk :)... salamat atekoy.. ingats jan
oi sulat na ng bago hehehe
Wah.di ako sikat. Wala nga pumapansin saken sa blogosphere, mabuti pa mga ka-fb ko. Hehe. Sulat ka na ng bago oy! Ü
heto na po, magsusulat na ko! hahahaha.
napaka-interesante, thanks
Post a Comment