ang hirap bigyang katarungan ang mga salitang "just be yourself", at ilang beses ko na din itong naririnig sa mga taong nakapaligid sa akin, una kong narinig ang mga katagang iyan sa nanay ko, narinig ko na din sa ilang mga kaibigan marahil e pinagpasa-pasahan na din siguro ng bawat henerasyon, parang laro lang, pass the message at kung di mo ipapasa ay mahuli taya. Pero ano ba? ano ang sense ng pagiging totoo sa sarili kung ang bawat kilos mo naman ay nalilimitahan ng mga mapanuring mga mata...
oo nga't may iba iba tayong karanasan sa buhay,iba't iba ng kinalakhan kaya naman iba't iba din ang paniniwala at pananaw sa bagay bagay, habang tumatagal,habang lumilipas ang panahon at nadadagdagan ang taon sa mga edad natin ay unti unting naging mahirap ang dating tinurang salita na "just be yourself Ang labo, just be yourself?! kung noon kay dali daling magpakatotoo sa sarili, sabagay, mga paslit, tinuruan magpakatotoo sa sarili at pagkatapos.. tapos ok na daw! yun na yun! just be yourself anak...JUST BE YOURSELF!
Pero ngayon, unti unti mong malalaman na ang pagiging totoo ay hindi din pala ganoon kadali, animo'y hawak mo ang sarili mong mga paa sa paglalakad, sa takot mong sikmatin dahil sa ingay na maidudulot ng suot suot mong bakya...(kahit wala namang maidudulot na masama sa kanila ang lagutok ng bakya mo) o naman kaya sa pagpili mong wag na lamang suotin at hawakan na lang muna ay mapagsabihan ka pa ng BOBO! SA PAA GINAGAMIT ANG BAKYA AT HINDI SA KAMAY!
sadyang may mga taong maiinis at maiinis sayo kahit wala ka namang ginagawang mali o naidudulot na masama sa kanila.
Sa araw araw na pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng tao, patuloy ang pagaadjust. wala naman kasing default o universal attitude na pwedeng gamitin para sa lahat ng uri ng tao...kailangan at kailangan mo pa ding matutong makiayon sa lahat ng oras.......
makatarungan pa rin ba ang pagiging totoo sa sarili?





