elementary days

1.isang beses ko lang naranasan ang maging muse, grade one ako that time. ewan ko lang kung bakit di na nasundan, anyway, dahil nga perst taym kong magmumuse, super excited tuloy ang mama ko, at pinaghandaan niya masyado, pinagsuot niya ko ng bestida ko na palagi ko na ding sinusuot pag nagsisimba kami plus inayusan niya ko, ginamit niya ang kanyang lipstick na red na ginawa niya na ding blush on ko at eyeshadow. ang daming purpose ng lipstick niya at hindi ko alam kung seryoso ba talaga ang mama ko sa pinagagawa niya saken.ganon pa man,naging memorable yung araw na yun dahil nirepresent ko ang bansang....Djibouti!

okay. kung hindi mo alam kung saang lupalop siya ng mundo matatagpuan, isa siyang bansa sa africa. at ngayon ko lang din nalaman!


2.mula grade two hanggang grade six, lagi akong tinutukso ng mga klasmeyt ko.


grade two- dwende,payatot. medyo mahaba kasi ang tenga ko na medyo patusok kaya daw dwende tapos payatot kasi ang payat payat ko naman talaga.


grade three- lampayatot. ang daming pauso ng mga klasmeyt ko kaya ang payatot ay naging lampayatot. alaga naman ako sa vitamins ng mama ko pero di pa din ako tumataba.

grade four- palito. tatay ko daw si palito at kung anu ano pa! mga bwisit talaga!


grade five-palito pito blah blah blah! ginawan na nila ko ng jingle pag tinutukso nila ko at pinauso nila sa room! mga demonyita talaga!

hanggang grade six ganyan ang buska saken, one time nga nasabunutan ko na yung isa kong kaklase dahil nabwibwisit na ko at buti naman after non tinigilan niya na ko, pero makalipas ang tatlong araw, tinukso na naman ako. arghh. hell talaga.


3. noong grade one din pala ako, nagkaroon ako ng manliligaw. tanda ko pa yung name niya si omer! kaso binasted ko din dahil strict ang parents ko! lol


tapos nung grade two naman, may ngkkacrush saken, si ricardo naman, super papansin! naalala ko pa yung binalot niya yung kulangot niya sa papel tapos pinagbabato niya samin! crush nya pa ko sa lagay na yon ha.





natatawa na lang talaga ako pag naaalala ko yang mga pangyayaring yan,madami pa yan kung tutuusin kaso mapapahaba lang tong post ko lol, anyway, super thankful na din ako kahit sa isang pampublikong paaralan lang ako nagaral nung elementary, feeling ko mas malaki yung advantage ko kumpara sa mga taong private school na since elem, parang di nila naranasan ang saya ng buhay, hindi nila naranasan ang makihalubilo sa iba't ibang klase ng tao, basta iba e! kaya nung highschool, madalas naming pagtawanan yung mga classmate kong nagprivate school na since elementary, parang mga excited masyado kumain ng streetfoods, parang mabababaw lol and medyo ilag sa tao dahil sila sila lang ang magkakakilala. advantage lang talaga nila is tutok masyado ang aral nila,yun lang. pero mapapansin na kung minsan, hirap sila na ihandle yung sarili nila, i mean puro palaasa, kasi naman since elem. masyado ng binababy ng mga teachers nila unlike sa public school db. so ayun. epektib na pampaantok talaga ang blogging! inantok ako bigla!goodnight!

birthday party.

mabilisang kwento lang haha! ang dami kong kwento kasi ang daming nangyari! pero tinatamad pa ko sa lagay na to kaya paiikliin ko na lang!



okayy! galing akong birthday party last saturday. super happy kasi first time akong pinayagan magovernight! pero alam ko naman kasi kung bakit ako pinayagan, walking distance lang kasi samen yung resort na pinagdausan ng parteeeeeeeyyyy !! okay. mautak talaga.



dahil resort siya at dadaan ka muna sa hanging bridge, straight lang ang tingin dahil baka di makatawid kung titingnan mo ang bangin na babagsakan mo kung sakaling mahulog ka at may swimming pool ay nagdala kami ng extra clothes kung sakaling maisipan namin magswim swim pero parang ayaw ko talagang alisin yung dress ko kasi pare pareho kami ng suot ng bffs ko, pero dahil mas matino ang pag uutak ng isa kong bff(jaz), hindi siya nakisali sa pakulong naisip namin,nag back out ang lola mo! isa pang maduga!! mukha daw kaming engot.okayy. so dadalawa lang kaming kumarir sa dress namin. ako at si dudin.



at tama nga siya, nakakahiya pala. nagtitinginan yung mga tao samin, bakit daw pareho kami ng suot. lol. tsk.kapalan na lang talaga ng peys.



pero ayos din naman pala, tuwang tuwa yung mga tao samin parang ginawa lang kaming clown lol! basag trip talaga si jaz, hindi banaman sinuot yung kanya. tsk.wala kaming karamay!haha! may isa pa kasi kaming pakulo, naisipan din kasi namin regaluhan si sandy ng.....................


para na kaming triplets!


bwahahahaha!

tita keso :))))

kahapon lang ako nakauwi galing sa batangas, ilang araw lang naman ako dun at feeling ko super nangitim ako kahit di naman ako lumalabas ng bahay. naisipan ko kasing bisitahin ang aking cute na cute na mga pamangkin, e kanino pa ba magmamana yang mga yan?!.

this time hinatid na ko ng papa ko papunta don, medyo scary kasi yung nangyari sakin nung huling punta ko, nakalampas ako sa kadahilanang yung palatandaan kong waiting shed na blue na malapit lang sa bahay ng hipag ko ay pinaltan na ng color white, super abangers sa blue na shed nakalagpas tuloy! nakipagtalo pa ko sa mamang kundoktor. napilitang magpababa sa walang katao taong lugar at nagapahatid pa sa stranger na kinuhanan pa ko ng no. ang ending.. sinermonan ako ng tatay ng hipag ko, wag daw ako sasama kung kani-kanino.



pakiramdam ko tumitindi na yung pagka engot ko, kahapon naman ng pauwi na ko sa cavite, di ko namalayan na singkwenta pesos na lang pala yung pera, di ko na naramdaman na naubos na pera ko kagagastos. so hanggang olivarez na lang pala ang aabutin ng singkwenta ko, no choice bumaba ako ng olivarez, salamat na lang at dala ko ang atm ko, at naghanap na lang ako ng mawiwithdrawhan. siguro kung minalas talaga ako baka naglakad na lang ako tagaytay hanggang silang or mapilitan mag 123 sa jeep. kung minsan talaga inaatake ako ng katangahan ko e,lol.




ganon pa man naging masaya nman ang batangas trip ko,heto naman yung pics ng mga pamangkin ko na manang mana talaga sa tita! haha!



ps:kamukha ko daw ung lalaki. :))))))


gian and iana










ang cute ng models ko. :))

bakasyon muna.

babalik din ako kaagad. :))

ako'y isang sawi.



noong isang araw, nakatanggap ako ng text message galing sa college friend ko, kay dyen. iniinvite niya ko birthday niya daw kase, so pumunta naman kami, medyo nalayuan ako kase taga-molino pa siya tapos ako silang pa?! niyakag na din daw niya ang ibang tropa tapos sabay sabay na lang daw kami pumunta. so pumunta na nga kami db, lima kami. bale kasama pa kasi ng dalawa kong friends yung mga bf nila! ok. ako lang ang walang partner. hind ako naiinggit. hinde!!



pagkatapos namin sumakay sa jeep tapos red cab tapos jeep ulit tapos tricycle pa ulit, nakarating din kami sa wakas sa bahay nila.. butas na bulsa ko pamasahe pa lang. tsk.

kami lang pala ang bisita niya, haha. ang dami! pinakilala niya ang kanyang nanay tatay at ang kanyang mga kapatid na kambal. first time kasi namin makarating sa kanila. so ayun.


habang nagkakainan, ako ang napagdiskitahan ng mga bruha. bakit daw wala akong partner bakit wala akong boyfriend bakit bakit bakit. sabi ko naman..


hala! hindi ko kailangan. :)

at sadyang makukulit ang mga bruhilda, may irereto daw sila saken tapos sabi naman nung isa mamili na lang daw ako sa kapatid ni dyen, yung kambal..tapos ewan ko sa kanila! pinagttripan nila ko. iniba ko na lang ang usapan dahil pakiramdam ko ay nasa hot seat ako.


nanahimik na lang ako at nagsimulang magbalik tanaw sa nakaraan.......(nagdrama!)



yung last relationship ko ay august 2008 pa. matagal tagal na din, naka two boyfriends na ko, yung una third year hs pa ko 2006 pa. ang tagal tagal na. bwahahaha. mantakin mo yun, tapos hanggang ngayon inlababo pa ko doon. shit. pero sa ngayon, feeling ko hind na. hindi na ko inlab dun, may babe na siya dapat ng kalimutan at sana lang wag niya na kong tawag tawagan dahil nahihirapan ako. tsk. haha, anyway, sa ngayon, hindi ko pa naman kailangan talaga ng boyprengg.




unang una. kuntento na ko sa kasiyahang naidudulot ng aking mga kaibigan.
pangalawa. nasa bahay lng ako palagi, dahil strikto nga ang aking tatay, mahihirapan lang ako maghanap ng excuse pag makikipagdate ako db? mahirap yung sitwasyon. pahirapan pa sa pagtakas.
pangatlo. bawal pa talaga. lagot ako pag nahuli ako!
pang-apat. ewan ko lang kung makakatagal ang lalaki sa patagong relasyon.
pang lima. hindi ko ineentertain pag hindi naman ako gaano kilala nung nanliligaw. i mean, pag nakita lang ako o pinakilala lang kami sa isa't isa. mas gusto ko, magugustuhan ako dahil sa ugali ko at hindi sa itsura ko. basta gusto ko yung matagal ko ng kakilala. kase ayoko masaktan bandang huli, ayokong bigla silang maturn off kung kelan nsa kalagitnaan na kami ng relasyon! childish kase ako e, di lang halata. tsaka mukha lang akong mahinhin pero hindi e!basta hindi ako ideal girlfriend. aminado ako. so ayun.


hindi naman hinahanap yan, may tamang panahon like sunny, rainy or windy day? may tamang oras like umaga ba, tanghali, meryenda time o dinner time, may tamang lugar like sa school sa palengke or sa mall.. in short, may nakatakda naman sa bawat isa sa atin,may nakatakda na ding panahon kung kelan, dadating at dadating yan, wag hanapin at wag ipilit magkaboypreng o gerlpreng lalo na't katorse ka pa lang! sige ka, hala ka.



so ayun lang ho ang aking pananaw sa peg ebeg. bow.

first year college.

okayy go.


tandang tanda ko pa ang aking first day, imbes na maexcite ako at matuwa! wala! parang kamalas malas ng araw na iyon.




sa bahay pa lang parang ayoko munang pumasok, sabi ko nga sa ate ko,

ate!! ayokong pumasok, mukha pa kong unggoy!


sira! mas mukha kang unggoy nung isang araw! buti nga at nabunutan ka kahit sobrang maga yang ngipin mo, kahit papano medyo nabawasan ang pamamaga. tska, mas okay pumasok pag first day para alam mo na kaagad yung room at magiging prof mo.


sa totoo lang gusto ko na din naman talaga pumasok kaso nga mukha talaga akong unggoy dahil ewan ko ba bakit yung gums ko sa unahan ang namaga samantalang bagang ko naman yung sumasakit. ang weird!! pero promise, mukha talaga akong unggoy non. pero sabi ng ate ko takpan ko na lang ng panyo.



sinunod ko naman siya dahil naniwala ako sa kanyang hindi na ko masyadong mukhang unggoy. slight na lang?! okay payn. bahala na, tatakpan ko na lang ito ng panyo.



pagdating sa school, naging kalbaryo ang aking pers day. hirap na hirap akong magpakilala kase nga nakatakip ang bibig ko. pucha. pinatatanggal nila yung panyo pero ayoko ngaaaaaaaaaaaaaaa kase! ok. di nila nalaman at naintindihan ang name ko, nagmukha akong supladita at kapansin pansin ang pagtitinginan nila saken. okayy payn!! kayo na close, ako na ang walang friends! ako na ang kumain ng lunch mag isa! ako naaaaaaaaa! at ako na din ang walang ballpen nung first day. at mukha akong kaawa awa dahil nanghihiram ako sa mga katabi ko pero wala daw silang extra pen. ouch! ang dadamot nila, hindi naman ako monster, mukha lang talaga akong monster ng araw na yon!


lumipas ang mga araw, nakilala na din nila ako ng mabuti, akala daw kase nila ay suplada ako kase di daw ako namamansin at medyo tahimik nga daw ako, sabi ko naman....






hala!





book two.


ilang gabi na din sumakit ang ulo ko kakaisip, ilang araw na din akong patagong umiiyak sa cr namin. emo noh? haha. naisipan ko na din mag eyeliner at takpan ang mata ko ng bangs. kinarir talaga ang pagiging emo?! kaso di bagay saken so di ko na tinuloy..



march 27 nagsimula ang lahat ng ito,biglang lumitaw itong babaeng ito at nagbanta ng kung anu-ano. natakot sila, lalo na ang tatay ko dahil akala niya di ko pa alam ang tungkol dito. ang daming nangyari, hindi ko na iisa isahin. masyado lang kayong maguguluhan.

noong una tatawa tawa pa ko, di ko lang kase akalain na bago pa to nangyari...hmmm, a week before kase bago magparamdam itong babaeng ito, iniisip isip ko pa yung about dito. weird lang, matagal tagal ko na kaseng di to naiisip pero bakit biglang lagi na lang pumapasok sa isip ko then boom! may mangyayari pala na ganito. weird ni god. parang hinanda niya muna ko bago isabak sa gera. :))



pero muntik muntikan na kong sumuko, muntikan lang!! ikaw banaman ang makatanggap ng letter from dswd.pinapapunta ako sa tanggapan nila sa may munisipyo at kasama daw ang tatay ko. hindi ko lang akalain na ang o.a na nila!! at hindi ko na magets ang ang nangyayari. april 7 ng gabi ko natanggap ang letter, binigay ng aming baranggay tanod, imbitasyon daw. kinabahan ako syempre, shit db. shit!
! sabi ko,

bakit dswd!? menor de edad ba ko?


so ayun, hindi din alam nung baranggay kung bakit. pati siya ay naguguluhan. ang alam lang naman daw niyang pakay ng babaeng iyon ay makilala lamang siya bilang ina. tapos ang usapan!


sabi ko,


db nagusap na kami sa may baranggay hall!?


ngunit nagkagulo naman daw kaya daw hindi daw sapat ang usapang naganap.


pakiramdam ko, di ko na kakayanin. pabigat na ng pabigat ang script na binigay saken ni god. shit! buti sana kung kumpleto ang pamilya ko siguro hindi nagiging ganito, pero wala e. kami lang ng tatay ko ngayon. ayokong ipakita na di ko na kaya, mas mahina loob non , ayokong pakitaan na pati ako nanlulumo na...


dinial ko ang telephone no. ng tita ko,


tita, samahan mo ko, puntahan na natin. may letter na kong natanggap o, ayoko namang pumunta pa sa munisipyo. ang dyahe!!

e di pumayag naman ang tita ko, pumunta kami sa bahay ng tito ko. doon kasi ngsstay yung babaeng iyon, bale kapatid kase siya ng asawa ng tito ko. yung tito ko kapatid ng mama ko ngayon. parang pitumput-pitong puting pating?nagets mo?


di ko na sinama ang tatay ko sa pagpunta dun, alam kong mainitin ang ulo kaya di na dapat sinasama. pero ang kulit kulit, gustong sumama. pinandilatan ko nga ng mata. natakot naman. hahahahaha! lalo siguro kung tinirikan ko pa ng mata, di na lalo yun makakapalag. haha ang korni!

so ayun, pagdating sa bahay ng tito ko, oh my.. yung tita kong kasama ko naman ang nakipagdakdakan sa babaeng yon! shit! kala ko behave lang din siya. di pala. inawat tuloy siya ng tito ko. grabe na itech! so paikliin ko na lang ang kwento, pinataas kami ng babaeng yun at pinagusap sa kwarto. hayy, naniniwala naman ako na ang babaeng yun ang nanay ko e, so ayun, usap usap. di daw nya ko iniwan blah blah blah.. hayy. naniwala ako. lahat ng tanong ko, tinanong ko na. yun na siguro ang tinakdang panahon para mawala na ang agam agam sa puso ko. masaya na siya sa buhay niya ngayon, di na naman daw niya ko kukunin nagpakilala lamang daw siya, dahil darating naman daw ang panahon na hahanapin ko din siya, at para malaman ko din daw na may tunay na nanay ako, kung sakali man gusto kong magbakasyon sa kanya ay very welcome ako... pinakita niya ang picture ng aking mga kapatid. dalawa na ang naging anak niya sa asawa niya ngayon. si jah yung isa. babae din. kamukha ko! ampp. ayoko man aminin pero kamukha ko din pala ang nanay ko. ang puti niya lang. .


ang ending, hinug nya ko. niyaya niya ko mgbakasyon this may sa palawan. gustuhin ko man pero hindi pa pwede.. hindi pa sa ngayon. ayokong masaktan ang mga tinuring kong tunay na pamilya....


flight niya na din pala pabalik ng palawan kinabukasan. hindi na daw siya babalik dito... hindi ko din alam kung kelan ang susunod naming pagkikita..


bumaba kami, nagpaalaam na ko na uuwi na, alas onse na kase ng gabi , hinatid niya kami ng tita ko hanggang sa gate... end.


pakiramdam ko natapos na din sa wakas ang book one ng buhay ko,at sa ngayon di ko alam kung paano ko sisimulan ang

huwag niyo ng basahin. :)



naglalakad kami papuntang baranggay hall, shit kase, pinabaranggay pa kami. buti na lang malapit lapit ang baranggay hall sa bahay namin, walking distance lang. nakatanggal din ng init ng ulo ang paglalakad namin, ang lamig sa labas. ang init init kase sa loob ng bahay.tsk.


tinawagan ko na din ang tita ko para samahan kami, suporta lang. kinakabahan kase ako. hindi ko alam ang mangyayari...kami lang kase ng tatay ko ang magkasama. tsaka para may taga awat ang tatay ko. alam kong nag iinit na ang ulo niya, baka magwala kahit pa sinabihan ko na siyang behave lang dapat siya dahil yakang yaka ko to. ang cool ko noh? :))



sa baranggay hall.


may dalawang palapag ang baranggay hall namin, medyo cute nga ang structure kase di pantay, basta one time papakita ko yung picture. o baka siguro kinulang sila ng semento at hallow blocks kaya di pantay.

tumaas kami sa ikalawang palapag, nasa baba pa lang kami rinig ko na ang boses niya. gosh. ang ingay niya ha. pareho kami. tsk. chillax pa din ako, kahit alam kong ang lakas lakas na ng dagundong ng puso ko. kinakabahan o excited? tsk..



.. nakita ko din siya..


ang puti niya, di ko din naman pala siya kamukha, pero di ko din naman siya tinitingnan masyado so di ko din sure kung may pagkakahawig kami. ang alam ko lang ang sosyal ng dating niya. at gusto ko ung buhok niya, golden brown ba yon? pero bagay sa kanya kase maputi nga siya. di naman siya ganoon kaliit pero mas matangkad ako sa kanya.



habang tinitingnan ko siya, di pa din ako bumibitiw sa papa ko. natatakot ako. ewan ko ba. parang natatakot ako mahiwalay sa papa ko. baka kuhanin ako ng babaeng yon,.estrangherong babae na noon ko lang nakita pero sinasabi niya na ako daw ay anak niya at siya ang tunay kong nanay...


'halika anak...


binigkas niya ang ang mga katagang iyon pero wala akong naramdamang kakaiba, madalas kong marinig sa ibang tao ang salitang 'lukso ng dugo'. ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ko iyon maramdaman..



napatingin ako sa tatay ko, hinayaan na lang niya ako na umupo sa katabing upuan ng babaeng iyon. nakamasid sa amin ang mga baranggay tanod at ilang taong nakikiusyoso. ang tinding kahihiyan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.



nagsimula siyang magsalita, nagsimula siyang ilahad ang kanyang side.

kesyo galing daw siyang malaysia, pinaalagaan daw ako sa kapatid niya which is my tita, and then pagbalik daw niya pinamigay daw ako sa kapatid ng asawa nito na ayun nga, ang mama ko. di na daw niya ako nakuha ulit dahil ayaw na daw ako ibalik.. ang dami niyang kwento. hindi ko na pinakinggan yung iba, wala akong makapang emosyon sa mga sinasabi niya, hindi ako naiiyak. akala ko baka umatungal ako pero hindi pala. akala ko nga unang kita niya saken yayakapin niya ko mula sa malayo tapos hahagulgol ako. pero hindi pala, pang tv lang yon. at ang sinasabi nilang lukso ng dugo? ano ba yon? di ko kase nafeel e.



ang daming niyang sinabi. habang nagsasalita siya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagmasid masid sa paligid ko, pero natandaan ko naman ang huli niyang sinabi,

'wag ka mag alala di na naman din kita kukuhanin, ibibigay na lang kita sa mga nagpalaki sayo, nagpakilala lang ako bilang ina mo dahil alam kong darating ang panahon na hahanapin mo din ako, kung gusto mo magbakasyon sa akin, ok lang sa akin, ipapakilala ko din sa iyo ang mga kapatid mo, kasing tangkad mo na si jah jah, tapos college na din yung iba mong kapatid.'



...

bandang huli, nagkagulo sila, sumabat ang papa ko pati ang tita ko hahahaha. rumble! naungkat ang nakaraan! nanakot pa ang nanay ko retired general pala ang kanyang bagong asawa. at bukas daw sa imbestigador na lang daw ito pagusapan.


putangina lang. di na nila ko inisip. ang laking kahihiyan nito.

say......!



hulaan niyo na lang kung sino ako dyan


at kahapon, birthday ng aking kaklase nung hyskul, si hanel(janel). 18 na siya! yey! di ko din naman siya ganon kaclose pero close naman din kami kahit papano. (haaaaaaaa?! ano daw?!) ah basta. close yata kami? ahh basta ganon, kchoirmate ko din naman kase siya nung highschool tapos alto 1 din siya. tapos pag may competition kami outside the school siya yung lagi kong katabi sa sasakyan. naalala ko pa nga nung medyo wala akong pera nangutang ako sa kanya ng bente pesos, tapos.. di ko na binayaran! kinalimutan ko kase! haha! atsaka nakalimutan na din naman niya.hahahahha. o db, baka kase pag binayaran ko siya baka tingnan niya lang ako kase di na nga niya maalala db? ako lang mapapahiya. so wag na lang bayaran.


simple lang naman ang kanyang naging birthday party, walang eighteen candles,roses,gifts. etc. in short walang kotilyon. buti na lang di na ko namroblema sa kung anong susuotin and ang kapal kapal ng mukha ko, wala man lang akong gift! kaya ayoko pumunta kase wala naman akong regalo kase wala pa kong pera. tag hirap ako ngayon! kaso, pumunta na din ako kase sinundo ako sa bahay ng bestfriend ko. wala din pala siyang regalo! hahahha. nahiya tuloy lalo akong pumunta kasi dalawa na kaming makapal ang mukha hihi. pero sabi naman niya dadaanan din daw namin yung isa naming friend baka daw yun may regalo ng dala. o e di sabi ko okay payn. ang kakapal talaga ng mukha noh? haha.


nagpaalam ako kay papa at pinayagan na naman ako, nag iba talaga ihip ng hangin ngayon kaya kahit gabihin ako ok lang daw! yehey talaga! e di ayun, umalis na kami..


heto na naman kami, naglalakad patungong kanto, db dun lang merong paradahan ng tricycle remember? so ayun, umaasa akong magtatricycle kami pero hindi e! kung patatagan ng binti at patigasan ng bulsa, panalo na tong bespren ko! maglakad na lang daw kami. ok paynn. kase kung pagpipilitan kong sumakay na kami, ako lang pagbabayarin niyan, so wag na lang db.


una naming dinaanan yung friend nga namin na yon, si dunekk! wala din pa lang regalo?!pucha! tapos naisipan kong daanan na din yung isa naming bff,(nagbabaka sakaling may regalo hahahahha). bale 500 meters na siguro nalalakad namin. partida naka heels pa ko (nagmamaganda?!). wala e, patatagan talaga ng binti ang labanan, pagdating namin sa bahay ni hasmin, di naman pala siya pupunta,hanep. suko na ko. gusto ko ng mgtricycle talaga. pero ayaw ni dunek at bespren, katwiran nila,nasimulan na naman daw namin maglakad e di hanggang kina janel lakarin na namin, wooooh. ang tatag! o di sbi ko, o sige go. e di lakarin na nga lang. another one hundred meters to. pucha. walkathon?!


awa ni papa jesus, nakarating kami ng matiwasay at di halatang nagwalkathon kami. shyet. di na ko sasabay sa bespren ko!! pero medyo nawala naman ang pagod ko ng makita namin ang iba naming hs friends yehey. instant reunion!



suklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. hahabulin na ko ng suklay!







naging masaya ang birthday party ni hanel kahit pa kokonti lang kaming nakapunta. tsaka kahit wala kaming regalo, oks lang daw ang importante ay nakapunta kami. wala naman yan sa laki at liit ng regalo, hindi pa din matutumbasan ng kahit anong regalo ang ligayang hatid ng muli naming pagsasama sama.

iba pa din ang dating ng knock knock jokes nilang kahit ilang beses na naming naririnig.. wala pa ding humpay ang tawanan.


mga banat na jokes na kahit di naman kabenta benta at kung minsan nga di na nga namin magets pero.. ewan ko ba, magkatinginan lang para na kaming mga baliw kakatawa.

idagdag mo pa ang walang katapusang kwentuhan ng kung anu ano, mga walang kabuluhang bagay na pilit ginagawang makabuluhan.

...
bago natapos ang gabi may isang bagay kaming natutunan,

imbes na say cheese! sabihin niyo....whisky!


ipikit daw muna ang mga mata then say whisky! try niyo dali! mas iba daw kase ang dating ng smile, mas may glow. ulitin po natin.. say whisky! (baliw baliwan lang hahhahaha)

o diba? nafeel niyo ba ang ibang glow ng inyong mga mata pag binibigkas ang whisky.


heto po yung kinalabasan ng aming whisky smile!




naloka ako kakatawa! hahahahah
yung isa nabaliw na.




bwahahahahha.

kase naman e! ambisyosa! feelingera ka masyado keso! bwahahahaha. kaya pala di na nagtetext sayo kase may babe na siya! bwahahahaha. ang saya saya! ang saya saya talaga. tagay pa nga dyan!





akala ko kase ok na tayo, akala ko maiibabalik natin ang nakaraan. ikaw pa ang nagbigay ng no. mo saken, pilit na nga kitang kinakalimutan ngunit ayan nga kase, nagmessage ka saken sa fb at binigay mo ang no. mo! epal kang baluga ka! kung kelan unti unti na kong nakakamove on bigla kang magpaparamdam! tapos akala ko nga unti unti na tayong nagkakaayos tapos... tapos kanina tiningnan ko fb mo! anak ng... tipaklong! sinong babe yan ha, kapal ng mukha mo! wahahahahaha. pinaasa mo ko shyet! ayoko na nga. sino ba kaseng nagsabing bigyan ko ng kahulugan lahat ng ginagawa mo saken. o siya. sige na! wish you all the best! sana magtagal kayo ng bonggang bongga!



tagay pa nga dyan!




ps. nga pala palabas na yung babe, i love you sa sabado. yung kay sam at kay anne. gusto ko pa baleng panoorin kaso ayoko na. bwahahahah. sumegwey pa?!!