magINDIANan tayo.

Naranasan niyo na bang mangutang? magipit? at lumapit sa bumbay?

Bumbay? yung kadalasan may motorsiklo? nagtitinda ng payong,kumot, timbangan,kama,t.v, at kung anu-ano pa basta, yung nagpauso ng 5-6?

Di nyo kasi natatanong may lahi kaming bumbay, i mean tatay ko bumbay. Napakita ko na naman siguro yung litrato ng kuya ko dito, medyo di naman maipagkakaila dba? :D



Gayon pa man, chichika lang ako ng konti.

Alam nyo ba kung bakit 5-6 ang tawag sa klase ng pahulugan nila?

In every 500 kasi na uutangin mo may tubong 100. Kaya naman pag binalik mo 600 na. Depende sayo kung gusto mo ibalik ng cash or huhulugan mo. Depende din sa laki ng hiniram mo kung ilang araw mo huhulugan.


Sa totoo lang hindi naman dapat bumbay ang tawag sa kanila kundi Indian. Natanong ko na din to dati sa tatay ko, at may istorya pala yan.


Noong unang panahon daw, may mga indyanong napadpad sa pilipinas, bale sila yung kauna unahang nakatapak dito, mga naglalakbay daw ang mga ito at medyo nawawala na, so kailangan nilang magtanong tanong at nakakita nga sila ng grupo ng mga pilipino. At dahil magkaibang lengwahe ang sinasabi nila hindi sila nagkaintindihan, tinatanong ng pilipino kung anong pangalan ng kausap pero ang sinabi ng huli ay, "bombay,bombay" na ang inakala namang tinatanong ay ang pinanggalingan nila. bombay isang lugar sa india.

So yun daw ang istorya, imbento lang ng tatay ko!




Balik tayo sa kwento..


Lumaki kaming takot sa tatay o, medyo istrikto kasi palibhasa magkaibang magkaiba ang kultura nila sa ating mga pilipino, iba din ang pagkain nila, hindi ako kumakain non,di ko trip. sobrang anghang, pero okay yung tinatawag nilang chapathi. Bale heto yung pamalit nila sa rice.



kahit dalawang ganyan lang kainin mo masyado ng mabigat sa tyan, kung di pa kayo nakakatikim nyan, kapareho lang yan ng kanin, parehong walang lasa, pero pwede mo naman lagyan ng asin,kaso hindi mo na siyang pwedeng tawaging chapathi kundi PRONTHI.


Suko ako sa amoy ng mga pagkain ng tatay ko lalo na't pag yung habang niluluto pa, sobrang tatapang ng spices, yung ulam nila di mawawalan ng black pepper powder,red pepper powder at yung curry powder, madami talagang spices.Usually puro gulay lang talaga yung kinakain niya, okra talong patatas carrots na ginigisa muna at hindi nawawalan ng kamatis at pati ng SIBUYAS. Kaya naman wag na kayong magtaka kung yung ibang bumbay ay merong di kaaya ayang amoy, dulot na din kasi ng mga kinakain nila. Dun na lumalabas sa kili-kili nila yung tapang ng pagkain YAY! Syempre di maiiwasan na nagkakaron kami ng mga bisita sa bahay, nakakabadtrip lang kahit umalis na sila dumidikit lang talaga yung amoy sa sofa namin. BADTRIP. Pero wag po natin lalahatin ang mga bumbay, hindi naman lahat may bomba. Meron din naman marunong magalaga sa sarili.


Usapang relihiyon, magkaiba kami ng religion ni papa. Hindu siya samantalang katoliko naman kami lahat. Hindi ko alam kung bakit hinayaan na lang niya kami na tumulad sa mama ko. Napakadami nilang diyos, may tao tulad na lang ni KRISHNA, isang batang diyos, may elepante, may taong napakaraming kamay at kung anu-ano pa. Hindi kami kumakain ng baka kasi tinuturing nilang holy animal yun, masyadong sagrado. Pero kung minsan di din namin mapigilan hindi kumain ng corned beef ng patago! :|





At kung may hollywood ang america may bollywood naman ang india, may nabasa akong trivia before na 800 films daw ang kaya nilang iproduce every year. Katulad na lamang ng Slumdog Millionaire kung napanood ninyo, hindi talaga pwedeng mawalan ng sayawan at kantahan yung mga pelikula nila, mapadrama o comedy hindi kumpleto kung walang kakanta. Sabi nga ng tatay ko lahat daw ng artista sa kanila marunong kumanta at sumayaw, at imbento nya lang pala ulit yan.


Pero heto bibigyan ko kayo ng sample. Medyo patok kasi tong kantang to, BENNY LAVA yata yung title! Sisiguraduhin ko sa inyong walang wala si Justin Bieber sa moves ng mga to.

LSS: My loony bun is fine Benny Lava!
Have you been high today?
I see the nuns are gay..

7 sabi nila.:

{ Dhianz } at: October 30, 2010 at 1:47 PM said...

nakapa-informative naman nang post moh iha... abah mix ka palah... then ur really pretty... oh yeah i remember ur sexy and pretty.. naks.. oh yeah saken feeling koh minsan parang parepareho ung video nilah.. yeah pansin koh nga kadalasan sumasayaw.. nd yeah yan i think natikman koh na minsan... i think kc nde sigurado.. haha... so 'unz... interesting naman magkaiba kayo nang paniniwala sa dad nyoh.. pero at least ok lang naman... so yeah... ingatz... Godbless! -di

{ KESO } at: October 30, 2010 at 9:03 PM said...

hihi. hndi naman po kong mukhang indian. :D te, msyado mo naman akong bnobola nyan. hahahaha. salamat po sa laging pgbisitaaaaaa. mwah!

{ mots } at: October 31, 2010 at 6:12 AM said...

muka daw akong bumbay. mkaepal lang sa post mo anu?

heniwey, compliment naman yun.
dibidi dibidi

{ DRAKE } at: October 31, 2010 at 11:11 AM said...

ahhh may lahing indian ka pala kaya ka pala maganda!(yun yon eh)

Hindi lang naman uso sa india yang tinapay na yan dahil sa saudi meron ding ganyan!hehehe

Ingat keso, namiss kita ah!

{ KESO } at: November 1, 2010 at 9:10 PM said...

MOTS, thanks sa pagfollow. haha. oo nga pareho tayong makapal ang kilay. hehe


kuya drake, naks. gumaganon oh hahahaha. opo nga po meron din daw dyan, chapati din b ang tawag? namiss ko din kayooooooo! hehe

{ Renz } at: November 1, 2010 at 9:12 PM said...

I miss you keso :)
HAHA

Anyways, yeah truly napaka informative naman talaga ng post na ito!
At sobrang tawa ko kung bakit bumbay ang tawag sa bumbay! LOL
I hope to see a pic of your dad :] HOLY COW!

{ KESO } at: November 2, 2010 at 9:25 AM said...

namiss di ktaaaaaa renz, hahaha yaan mo ipopost ko pic nya dto next time. haha. daming alam ng tatay ko hahaha.

salamat sa komento. ingat