08-03-10

As in punong puno na ko, di ko na kayang sarilinin lahat. shit. heto na naman ako nagdadrama, ok lang kahit di nyo na basahin. ok lang talaga.




Naglayas ako kahapon, hapon nun, umuulan. wala akong payong, ewan ko ba sa dinami dami ng payong namin sa bahay unti unting nagsiwalaan. may nandedekwat ata ng payong dito. shit. nagtatakbo na lang ako hanggang sa paradahan ng tricycle, baka maabutan pa ko ng tatay ko, mapurnada pa tong matagal tagal ko ng pinaplanong paglalayas..

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, di ko alam kung pupunta akong tagaytay at literal na magpapalamig ng ulo o lalarga na lang ako papuntang MOA para masabing ang layo ng narating ng pagtakas ko..

Sa totoo lang, wala akong pera. Kaya naman sa pinakamalapit na mall na lang ako pumunta, tinext ko lahat. Hindi pala lahat. Apat lang. Nagdadalawang isip pa ko kung itetext ko sila, masyado silang busy, nakakahiya naman. mga nasa school pa siguro, pero HINDI. tinext ko pa din sila. hindi ko na kaya. hindi ko na kayang sarilinin lahat. di naman ako ganun katapang. hindi pala..... (emo!)


sa bus pa lang,daig ko pa ang gumagawa ng music video,nahalata siguro nung lalaki na humihikbi hikbi na ko. salamat sa pagtapik ng balikat ko kuya... naweirduhan lang ako. close tayo?! pero thank you ha, napalakas tuloy lalo yung paghikbi ko. :|



..wala pa ding nagrereply. nadagdagan lalo yung pagdadrama ko, feeling ko, ako na lang talaga mag isa..napagpasyahan kong magikot ikot na lang muna, ikot lang.. sige ikot...

sa wakas nagreply na sila.


pasensya daw at late na sila magreply, kararating lang sa daw sa bahay. bakit daw?

"miss ko lang kayo.. geh tc."


masyado na silang pagod, ayoko ng mag isip pa sila. kaya ko pa naman e. kaya ko pa. (shit! ang drama oh)


pero hindi talaga e, konting konti na lang ngangalngal na ko. tinext ko pa ulit itong isa, tumawag, pinuntahan ako. Ayoko na baleng papuntahin, nahihiya ako. :| pero sasabog na ko e, sige GO lang!



kailangan ko lang umiyak, baka magpakamatay na ko e LOL.


.....

(isusulat ko talaga sa MMK to bago ako....... lumarga. LOL)


Umuwi nga din pala ako, tumawag kasi yung tatay ko, papakamatay daw siya pag di ako umuwi. ang O.A noh? Akala ko nga ang plano lang e susugod sa munisipyo. grabe lang din mag isip tong tatay ko. :))))))))))


laughtrip! sa tuwing naaalala ko nawawala inis ko. bwahahahahaha!


29 sabi nila.:

{ kikilabotz } at: August 4, 2010 at 9:36 AM said...

kaw talga.keso kung kelangan mo ng kausap lagi dito me ha? ^_^..cheer up

{ Jepoy } at: August 4, 2010 at 11:45 AM said...

Keso ano ba naman, kung sa MOA kalang pupunta isang tweet lang sakin kering keri na ang pagkain mo gusto mo pati tirahan bwahihihi

Seriously, natuwa ako sa erpats mo, papakamata talaga at ang pinaka champion sa lahat ay ang pag tapik ni kuya sa balikat mo (close na close?!)

{ marlo } at: August 4, 2010 at 11:46 AM said...

mahal ka ng tatay mo. ayii! (nakiki-fc parang yung tumapik lang. haha) :D

{ BatangGala } at: August 4, 2010 at 1:20 PM said...

nalungkot naman ako sa post na to... ok na po ba u? howp ebriting is olrayt! :)

{ glentot } at: August 4, 2010 at 1:46 PM said...

Huy wag mo nang uulitin yan ha nene ka pa baka mapano ka sa daan wawa naman ang papa mo kahit gusto nya pang mabuhay nang mahaba mapipilitan na syang magbigti hehe

{ Unni-gl4ze^_^ } at: August 4, 2010 at 4:37 PM said...

ang FC ni kuya with tapik mode hehehe,,
aruy c fader magpapakamatay talga pag di ka umuwi ganun ka niya ka labs~~~
SMILE kesochi~~wag magdrama OK???

{ Oliver } at: August 4, 2010 at 6:49 PM said...

hey. ok lang yan, smile!
o diba, lab na lab ka ni papa mo.

{ definella } at: August 4, 2010 at 9:26 PM said...

natawa naman ako kay manong XD


wag ka na kasi ulet maglayas, labs ka naman ni kikilabotz este ng papa mo ih :)

{ an_indecent_mind } at: August 4, 2010 at 11:33 PM said...

adik ka!

sana tinext mo ako, samahan kita hanapin natin si kras mo! nyahahahaha!!

{ RICOYAKEE } at: August 5, 2010 at 12:57 AM said...

keso kung sino sino pa tntxt mo andito nman ako..pero seriously sana okay ka na..alam mo nmang labs na labs kita hhehehe..bsta wag kng susuko..mta pang tau eh..hehehe

{ roanne } at: August 5, 2010 at 8:18 AM said...

keso umayos ka! =( ibabalik ko na sayo si teddy bear para may karamay ka na ulit... kaya mo yan keso... ikaw pa.. i know you have a strong personality. *big hugss*

{ kayedee } at: August 5, 2010 at 1:08 PM said...

shaks! pang teleserye ehehe,
pero lil sis. wag gnun, bad ang nagllyas lalo na pag wala kang pera! ehehhehe.

wag ng uulitin!

gnda ng renovation ng hauz u. i likey!

{ KESO } at: August 5, 2010 at 9:46 PM said...

kikilabots, ayieeee. thank you ha.. nakakatats! :))


jepoy, ay naku! sorry naman di kita natweet! next time promise! haha! may libre pang pakain at tirahan, super thank youuu.. >:D<


marlo, hi marlo! first time mo dito sa bahay ko, right? hihi. yung kadramahan ko pa yung nasaksihan mo. thank you sa pagbisita at sa pakiki fc! haha! ok lang yun! :)

{ KESO } at: August 5, 2010 at 10:03 PM said...

batangG, sorry bigla kang nasad :( pero ok na po ko kahit papano. thank you batanggala. >:D<


glen, haha! kala ko saken ka concern, sa tatay ko pala! haha.


ate unni, di na po ko uulit promise! :) haha! grabe talaga si kuya, may tapik factor pa e noh, nahabag tuloy ako lalo haha!

{ KESO } at: August 5, 2010 at 10:07 PM said...

oly,kaya ko ng magsmile ngayon. :) thank you po!hihi :)

definella, haha! "labs ka naman ni kikilabots este ni papa mo" --kaw ha, issue! haha!


AIM, dito ako natawa! sarap sapakin e! haha! isisingit pa yung kras ko! wag ka maingay. shhhh. andyan sya oh! haha!

{ KESO } at: August 5, 2010 at 10:19 PM said...

ricoooooo, thank you. :) dami ko ng pinagdaanan para sumuko, tsaka ikaw din, wag susuko! andito lang din ako.. ;)


ate roanne, :(( kaya ko to ate! ako pa! :) sayo na muna si teddy bear, kawawa naman pag nabasa ng luha. hihi. pero ok na po ko, ok na talaga. thank you po. (bigla kong namiss yung ate ko :(


ate kaydeee, oo nga ate e, masama talaga maglayas pag walang pera, walang mararating! haha. thank you po ah lagi kang andyan. :) di na po uulit! :)

at dahil nagandahan ka sa bago kong bahay, di ko na to papaltan. hihi.

{ KESO } at: August 5, 2010 at 10:19 PM said...
This comment has been removed by the author.
{ mr.nightcrawler } at: August 6, 2010 at 8:59 PM said...

hmmm... di ko alam kung matatawa ako o ano... pero alam ko na kung kanino ka nagmana. hehe. astig si erpats ah, tinalo ang kadramahan mo! hahaha. panalo rin sa kuyang nananapik, close kayo? baka naman may pinahid lang sa likdo mo? hehe. peace :P

{ darklady } at: August 7, 2010 at 4:32 AM said...

bakit ka naman naglayas?now kamusta ka na?

{ KESO } at: August 10, 2010 at 6:49 AM said...

HAHAH! sabi nga nila mana mana lang yan! natatawa din talaga ko sa pinagagawa ko. salamat sa pagdalaw sa aking bahay mr. nighcrawler. :))


dark! okay na po ko. :) fam prob lang po. masyadong madami. hihi. kwento ko next time. miss you! :)

{ Jag } at: August 10, 2010 at 11:07 PM said...

ganyan din ako pag maxado ng mabigat ang kalooban umaalis at nagpapalipas ng sama ng loob...pero kung lalayas ka wag ka magpapagabi ha delikado ang panahon ngayon...i-hug na lng kita (mas feeling close ako kay kuya hahahaha)

ingat!

Anonymous at: August 12, 2010 at 3:02 AM said...

I know nothing about it

{ Super Balentong } at: August 12, 2010 at 7:32 AM said...

hi keso, padaan! :)

{ Super Balentong } at: August 12, 2010 at 7:32 AM said...

hi keso, padaan! :)

{ KESO } at: August 13, 2010 at 3:57 AM said...

ayieeeeee. thank you po kuya jag! di na po ko uulit! :))


hello anonymous! thanks for the visit! ;)


hello po super balentong! :"> salamat po sa pagdaan at pagfollow. :)

{ chikletz } at: August 19, 2010 at 11:50 PM said...

ummm..lam ko medyo late na tong comment ko.. umnuwi ka na ba ulit?

minsan dumdating talaga sa punto ng buhay natin na pakiramdam natin tinabunan na tayo ng lahat ng problema. ung tipong di na tayo makabangon, pero nangyayari lang ang bagay na to para masubukan ang kakayanan natin at ang paniniwala natin sa itaas.

phase lang yan. lilipas ang oras nasa itaas ulit tayo :)

{ mitchie } at: August 24, 2010 at 7:45 PM said...

`hahah ! namiss kita KESO ..
love na love k ng dad mo kaya wag mo ng balakin lumayas ulit .. =)
emo si tatay kaya bka maglaslas kpag nawala k ulet .. :)

{ Super Balentong } at: August 26, 2010 at 10:11 AM said...

salamat din sa pagfollow! musta

Anonymous at: October 15, 2010 at 2:02 AM said...

I regret, that I can not participate in discussion now. It is not enough information. But this theme me very much interests.