Just be yourself.

nakakatamad na magblog lalo na't nalilimitahan na ang mga pwede mong sabihin, nalilimitahan na ang mga salitang pwedeng mong gamitin, ang hirap. tangina. Lalo pa't may binubuo kang magandang imahe sa isip ng mga tao, nga naman iwas na din sa mga mapanghusgang mga mata ng lipunan...


ang hirap bigyang katarungan ang mga salitang "just be yourself", at ilang beses ko na din itong naririnig sa mga taong nakapaligid sa akin, una kong narinig ang mga katagang iyan sa nanay ko, narinig ko na din sa ilang mga kaibigan marahil e pinagpasa-pasahan na din siguro ng bawat henerasyon, parang laro lang, pass the message at kung di mo ipapasa ay mahuli taya. Pero ano ba? ano ang sense ng pagiging totoo sa sarili kung ang bawat kilos mo naman ay nalilimitahan ng mga mapanuring mga mata...

oo nga't may iba iba tayong karanasan sa buhay,iba't iba ng kinalakhan kaya naman iba't iba din ang paniniwala at pananaw sa bagay bagay, habang tumatagal,habang lumilipas ang panahon at nadadagdagan ang taon sa mga edad natin ay unti unting naging mahirap ang dating tinurang salita na "just be yourself Ang labo, just be yourself?! kung noon kay dali daling magpakatotoo sa sarili, sabagay, mga paslit, tinuruan magpakatotoo sa sarili at pagkatapos.. tapos ok na daw! yun na yun! just be yourself anak...JUST BE YOURSELF!


Pero ngayon, unti unti mong malalaman na ang pagiging totoo ay hindi din pala ganoon kadali, animo'y hawak mo ang sarili mong mga paa sa paglalakad, sa takot mong sikmatin dahil sa ingay na maidudulot ng suot suot mong bakya...(kahit wala namang maidudulot na masama sa kanila ang lagutok ng bakya mo) o naman kaya sa pagpili mong wag na lamang suotin at hawakan na lang muna ay mapagsabihan ka pa ng BOBO! SA PAA GINAGAMIT ANG BAKYA AT HINDI SA KAMAY!


sadyang may mga taong maiinis at maiinis sayo kahit wala ka namang ginagawang mali o naidudulot na masama sa kanila.


Sa araw araw na pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng tao, patuloy ang pagaadjust. wala naman kasing default o universal attitude na pwedeng gamitin para sa lahat ng uri ng tao...kailangan at kailangan mo pa ding matutong makiayon sa lahat ng oras.......





makatarungan pa rin ba ang pagiging totoo sa sarili?










16 sabi nila.:

{ Jepoy } at: July 23, 2010 at 11:20 AM said...

nice point, mahirap mag paktotoo sa sarili if you are trying to please others which means nag adjust ka para maging universal ka sa isang group na kung saan nais mong mapabilang.

Tama ka nga minsan hindi madaling mag pakatotoo dahil may mga bagay na makabubuting sarilinin mo nalang kasa gawin mo ito just to say be your self.

Ano bang gusto kong tumbukin?! Aktwali,wala gusto ko lang mag feeling intelectual pero lumalabas parin na bobo ako kaya I'll just be my self. Bobo talaga me. hihihi

Hope you feel okay keso :-D

{ kayedee } at: July 23, 2010 at 11:21 AM said...

kaya pa nagpahinga u dhl d2 sa be urself? ehehe.. en i gez kya ka bumabalik dhl din d2? :)

mahirap tlga lil sis. kc nd lang nman pang artista ang word na "hnd lht kayang i pleased" sa atin din pde s mga filing artista ahahahha... pro basta hangang alam mong wla kng inaagrabyadong tao chill lng. kiber sa ibang tao!

base muna! lolz

{ kayedee } at: July 23, 2010 at 11:22 AM said...

aruy ang tgl ko kcng magtype ayan naunahan ako ni jepoy! ahaaha

second base!lolz

{ BatangGala } at: July 23, 2010 at 1:20 PM said...

ang totoo po nyan...hindi ko naman po talaga alam ang ikokoment ko. kundi, totoo po ang lahat ng sinabi nyo. mahirap magpakatotoo, lalo na dahil gaya ng isang kakilala, we're living in a society where people judge easily.

siguro, kung saan ka po masaya e di doon ka. in the end, mas uunahin mo pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa kalimutan o ipagwalangbahala ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo? and i guess, di bale na pong mainis sila kahit wala kang ginagawang masama, wala na sayo ang mali, nasa sa kanila na yon, as long as alam mong wala ka naman pong ginagawang masama sa kanila at wala kang tinatapakang ibang tao, e di kiber na lang po, sabay smile ng bonggang bongga.hehe. yun lang naman po. :)

{ goyo } at: July 23, 2010 at 3:55 PM said...

JUST BE YOURSELF!
may good point ka dito sa post na to. Pero pero, ang pagiging totoo sa sarili ay hindi imposible. Kaya mo pa ding gawin ito, kaya lang may mga bagay na dapat kasama ng pagiging totoo mo. TAPANG. Ang tapang na harapin ang lahat ng sasabihin ng ibang tao. Kung ayaw nila sa kilos mo, di wag. Mahirap magpanggap at magkulong sa taong hindi naman talaga ikaw. Basta ako, wala akong pake kung ayaw nila sa mga gagawin ko. Mas ok na yung malaman ko na kahit konti atleast may mga tao ding totoong tao ang tingin saken. Andyan pa din sila maging masama man o mabuti ako. FAMILY at TOTOONG KAIBIGAN. :)

{ an_indecent_mind } at: July 24, 2010 at 12:03 AM said...

"sa takot mong sikmatin dahil sa ingay na maidudulot ng suot suot mong bakya"

madalas ganito ako, mas pinipili kong walang kibo, walang ingay, sabay lang sa agos ng buhay. mas pinipili kong mamuhay sa batas ng tao, sa mata ng lipunan. pero minsan, nakakaligtaan kong itanong sa sarili ko kung masaya nga ba ako sa ginagawa ko at yun ba ang talagang gusto kong gawin?

ang mamuhay nang tahimik ang mga yabag? hindi ba at parang minsan ok din yung maingay ka? na kung dumating ang panahon na kelangan mong lisanin ang magulong mundong ito, maalala ka dahil sa mga nagawa mo..

ang buhay nga daw ng isang tao ay maalala base sa mga nagawa mo, at hindi dahil sa mga bagay na hindi mo nagawa..

be yourself, kahit against na ito sa norm. di bale nang paminsan minsan ay sikmatin nila ako dahil sa taguktok ng aking bakya, ngunit sa gayong paraan ay maiparamdam ko na buhay pa ako at may kakayahang lumikha ng ingay.

seriously keso, gusto ko tong post mo na to.. iba ka na ha? galeng galeng! mwahhh!! sabawww!

{ Rah } at: July 24, 2010 at 3:03 AM said...

hindi sa lahat ng oras ay tama at nararapat magpakatotoo, dipende sa sitwasyon kailangan din natin makibagay. Merong mgabagay na private, may mga bagay na public. Sa tingin ko walang problema magpakatotoo kung nasa private sphere natin. Pero pag sa public sphere , sa tingin ko, hindi din naman makakasama kung kailangan natin sundin ang standards ng community.

{ kikilabotz } at: July 24, 2010 at 7:46 AM said...

una sa lahat. i want you to calm damn my cute little keso.

nnagets ko ang point mo. sabi nga ng batas natin .karapatan natin gawin ang lahat ng gusto nating gawin HANGGANG hindi natin natatapakan ang karapatan ng iba. hehehe

kung angpagpapakatotoo mo ay hnd nakakasira ng karapatan ng iba. well just be urself. pero kung nakakatapak na? its better to change ur self right? relax lng karass ko

{ RICOYAKEE } at: July 25, 2010 at 7:13 AM said...

mahirap tlgang mgpakatotoo kung alam mo na kapag nagpakatotoo ka eh hindi ka tngap ng tao na lalo pa ng mga mahahalaga sayo..

mahirap lalo pa't inaasahan mo ang kanilang pagtanggap pero sa bandang huli hindi mo ito nakukuha

{ definella } at: July 26, 2010 at 4:41 AM said...

just be yourself.

tama naman ata yun eh, pero dapat sa tamang paraan.

parang sa pbb lang, pilit sinasabi ng iba na nagpapakatotoo lang sila, na yun sila, pero yung pagpapakatotoo rin lang nila ang nagpapahamak sa kanila. maraming nag-hate sa kanila dahil ganun ugali nila.so i think,tama namang just be ynurself, pero kung alam mong may mali na sayo.. kelangan mo ring pagaralangan magbago.


ang gulo ko ba? hehe

{ KESO } at: July 26, 2010 at 9:03 AM said...

JEPOY, thank you jepoy. :) (hindi ka bobo, ang harsh naman nun)


ATE KAYEDEE, thank you ate! saksi ka sa pageemowt ko haha!

BATANGGALA, thank you thank you. napasmile naman ako after reading your comment. :)


GOYO, good thing andyan ang family mo for you. :)


A_I_M, siguro e kinakailangan din ng lakas ng loob.( ngayon ko napag isip isip na mahina din pala ako)


RAH, salamat sa komento rah. (may palag factor) :))

KIKILABOTS, chillax lang ako ano ka ba!( sabay batok) haha. salamat sa komento! >:D<

RICO, natumbok mo rico! :)) wb ricoyakee. >:D<

DEFINELLA, parang si tricia lang? hehe. salamt sa komento definella! :*


SALAMAT PO! :*

{ glentot } at: July 28, 2010 at 6:58 AM said...

If you can't be yourself, just pretend to be yourself... Ibigay mo kung anong gusto nila para wala silang masabi. Tapos kapag nalingat sila saka ka magpasabog hahaha... relax lang.

{ KESO } at: July 28, 2010 at 11:53 PM said...

"Tapos kapag nalingat sila saka ka magpasabog" -- haha! gusto ko to! thank you thank you po. :)

{ Jag } at: August 1, 2010 at 9:00 AM said...

we really can't please everyone...but atleast you tried your best to look pleasant to people who surrounds you hehehe...

{ KESO } at: August 4, 2010 at 9:08 AM said...

thank you jag.hihi :)

Anonymous at: October 14, 2010 at 10:03 AM said...

I confirm. So happens. We can communicate on this theme. Here or in PM.