kasabihan.

sa ilang araw na paglalakwatsa at ilang linggo na pabalik balik sa batangas at papunta punta sa manila ay hindi na talaga kinaya ng powers ko! tinamaan ako ng trangkaso. pero di ko pa din pinalampas ang pyestahan sa batangas kaya go pa din kahit may lagnat pa, feeling malakas e! pero medyo okay okay na naman ang pakiramdam ko so keribels na! fly fly na sa batangas at para sure na hinding hindi na ko maliligaw ay nagpasundo na nga lang din ako dun sa kapatid ng hipag ko. :)



kaya lang naman ako nagpupumilit pmunta kasi naman sabik ako manood nung mga palabas pag pyesta, yung mga magic magic tapos ung mga kumakain ng apoy tapos sisigaw ka! o db ang saya saya ! tsaka color game pa pala and yung bingo na last year ko lang natutunan laruin! tapos nanalo pa ko ng eighty pesos pero natalo din kasi naglaro ulit ako!


pero kapansin pansin na ngayong taon, medyo panget yung mga pinalabas nila ngayon so nagdecide na lang na magcocolor game na nga lang. kailangan pa namin tumawid ng kalsada para makarating sa hilera ng mga nagcocolor game, at dahil super excited nga ako, nakatutok ung mata ko sa mga naglalaro at hindi ko napansin ang..... kanal! e di nahulog ako sa kanal! una paa, pilay! nagulat ung hipag ko, bigla daw akong nawala, di nya napansin na nahulog na ko! walangyang yan, ang dami pa namang usisero, tinatanong ako kung ayos lang daw ako,



try nyo kaya!?



at dahil di ko na kaya umahon dahil pakiramdam ko nabali talaga ung paa ko, hinigit nila ko, sabay sabing



ok lang ako! laro na tayo ng color game! go!




pero shit talaga, di ko na yata kayang ilakad ung kaliwa kong paa, tsk. so nagyaya na nga lang ako na umuwi na..



kinbukasan, mismong araw ng fiesta, di din ako nakasama sa paggagala nila, naisama lang nila ko nung binisita nila ung lola nila na mismong katabi lang ng bahay nila kung saan muntik naman akong magbalentong sa upuan, ano bang malay kong kulang ng isang paa ung upuan na yon?! buti na lang nahawakan ako sa kamay ng kaparid ng hipag ko, kung hindi, baka napilay na naman ako.


parang ayoko na din tuloy magpapaniwala sa mga pinagsasabi ng tatay ko, sabi nya kasi bago ako umalis na masama nga daw yung nangangakong pupunta tapos hindi naman daw pala pupunta, lalo na daw at pyestahan yon( kaya nga pumunta na din ako e!) , at sabi ko naman..



bakit? ano bang mangyayari pag di ako pumunta?



madidisgrasya.




ps. dry yung kanal na pinaghulugan ko at okay na ko ngayon, naipit lang daw ung ugat pero maga pa din siya. :))

28 sabi nila.:

{ fiel-kun } at: May 17, 2010 at 5:13 AM said...

Haha, nakakatuwa ang post mong ito. Favorite ko din laruin sa mga perya yung color game ^_^

Sana ok na yung paa mong napilay :)

Nga pala, pwede po bang makipag link exchange? I just noticed, I'm following you pala...

Salamat!

{ missGuided } at: May 17, 2010 at 5:31 AM said...

masyado atat si ateng. hahaha ingat next time!!! :D
di pa ko nakakapunta ng peryahan *sad

{ olyabut } at: May 17, 2010 at 6:30 AM said...

wow. accident-prone much? ^__^

{ Jepoy } at: May 17, 2010 at 6:44 AM said...

nanibago ako sa font! mamya na ko mag babasa sa bahay na hilo me ng slight lOL

{ Lord CM } at: May 17, 2010 at 6:45 AM said...

Hehehe :D Wala bang picture? lolz

{ princessngaako } at: May 17, 2010 at 7:17 AM said...

Sa init siguro ng panahon. Kakagaling ko lang din nga eh.

{ glentot } at: May 17, 2010 at 7:18 AM said...

Hehe gusto ko itong layout mo at ang bago mong background music hehehehe... Nice!

{ an_indecent_mind } at: May 17, 2010 at 8:12 AM said...

kesong puti ka na lang ngayon?? hahaha!!

sabaaaaw nga!!

ingat kasi... wag laging tatanga tanga... hahaha! peace!

{ Stone-Cold Angel } at: May 17, 2010 at 3:51 PM said...

galing ng post! Paborito ko din maglaro ng color game.

Ingat ka na lang next time para ma enjoy ang bakasyon. =)

{ kikilabotz } at: May 17, 2010 at 7:40 PM said...

keso mag ingat k nga..alam m nmn nasasaktan ako kapg nasasaktan k eh. paano p pgiging rescuer ko kung hnd kita marerescue. ahehe

{ BatangGala } at: May 17, 2010 at 7:55 PM said...

siguro next time... ingat na lang.haha:)) wala na kong ibang masabi e. ay meron pala, gustung gusto ko rin magpunta sa mga fiesta lalo na sa mga perya, tapos tataya din sa color game, kaso, lagi naman akong talo. :( haha:))) anyway, get well soon! :D

{ chikletz } at: May 17, 2010 at 9:55 PM said...

malas mo friend! LOL! parang naiimagine ko sa utak ung moment na yun.. natatawa ko! peace! haha!

anyway ung colorgame ba ung.. parang mga malalaking dice na iba ibang kulay ang side? at kung naglanding sa kulay na tinayaan mo..panalo ka?! tama ba ko?

{ definella } at: May 17, 2010 at 11:38 PM said...

color game lang alam ko sa peryahan.. ang saya nun noh? piso piso lang tinataya ko =))

{ kayedee } at: May 18, 2010 at 12:33 AM said...

waaaaah kaya pla bz ang lil sis q e! panay ang gala! ehehe..

ingat lang! hasus!

{ PABLONG PABLING } at: May 18, 2010 at 9:13 AM said...

ganda ng site mo po....

pagaling ka
sa panahon ng summer
bawal magkasakit

{ Sendo } at: May 18, 2010 at 11:01 AM said...

haha..hot and cold compress at limit brisk movements hehe..dahan dahan na rin sa susunod haha

namiyesta rin kami last week!! haha wala lang.......parang month of saints ata ang may ah haha

{ Sendo } at: May 18, 2010 at 11:02 AM said...

haha..hot and cold compress at limit brisk movements hehe..dahan dahan na rin sa susunod haha

namiyesta rin kami last week!! haha wala lang.......parang month of saints ata ang may ah haha

{ Kosa } at: May 18, 2010 at 12:06 PM said...

kamusta naman ang fiesta?
hahaha.. ganyan talaga, hindi kase nagpe-pay attention kaya nadidisgrasya.. nxt time po, magingat ng very very slight para hindi madisgrasya..

nanibago ako sa bahay mo...

{ KESO } at: May 19, 2010 at 1:56 AM said...

fiel kun, nasa list n yata kita e hahaha. ok na ho ako. salamat sa komento! ingat!


missguided, hahaha ateng, sinabi mo pa, super ataterss talaga haha. punta ka samen sa pyestahan! hehe



oly, hahaha. naku, clumsy lang masyado haha!


jepoy,hala, db last month pa tong layout ko na to? o cge cge haha.


lord cm, haha. alin po? picture ng paa kong namaga? wehehe


princess, oo nga, sobrang init kasi lalo na sa batanags ampp. salamat sa pagdalaw! ingat.


glentot, salamat! teka, bakit ngayon nyo lang pinansin, nung isang buwan pa to e haha.



aim, haha! oo kesong puti na ko ngayon, ano b yan, bkit ngayon nyo lng napapnsin haha! pasensya naman, may panahon talagang tag-tanga e! hahaha

{ KESO } at: May 19, 2010 at 2:10 AM said...

stone cold, naksss. thank you naman po. naku, nxt time hndi na ko mahuhulog, alam ko ng may kanal dun e! hahahaha!



kikilabots, hahahah! adik ka! wag mo kong ganyanin, kinikilig n ko hahahah!


batanggala, hellooo. opo opo, magiingat na ko, masyado lang tulala haha. ingat din ikaw! :))



chickz, haha! ayos lang te, khit ako nman natatawa din hahaha! tumpak, ung nga yon, tapos khit mgkano ung taya, oks lang. hihi


definella,apir. ako din piso piso lang! takot matalo haha.



ate kaye, haha. opo ate, sobrang busy sa kagagala kaya di n kakadalaw. soriiiiiiiiiii.



pablong pabling, nakss. salamat naman ho! :))



sendo, thank you thank you, yep, snbi mo pa, daming pyestahan pag mayo. :))


kosa, hi kosa! ayos ba ang bago kong bahay? bagong palit lang ng pintura wahehe. .. magiingat n tlga ko sa susunod di ako nakapamyesta ng ayos e! lol ingat!

{ hArTLeSsChiq } at: May 19, 2010 at 2:52 AM said...

sana magaling ka na ^_^

saya ngang maglaro ng color game lalo na kapag nananalo ka tapos tataya ka ulit hanggang naubos na lahat ang ipinanalo mo..LOL

{ Renz } at: May 20, 2010 at 12:11 AM said...

natawa naman ako sa huling banat haha DISGRASYA nga ito XD. Buti hindi nagtampo ang paa mo at tuluyang nilisan ang katawan mo..

hehe

nakakatuwa talaga magperya pero malas ako sa color games. swetre ako dun sa baraha tapos may bola kung anu yung tinapatan panalo ka. Akalain mo 6 pesos naging 200+
share lang ^^

ingat ka keso ^^

{ choknat } at: May 21, 2010 at 5:42 PM said...

masaya nga manood sa mga palabas pag piyesta, lalo ung ms.gay. haha

wawa ka naman, kasalanan ng kanal!! ahaha

{ darklady } at: May 21, 2010 at 11:40 PM said...

yan ang napapala ng matatakaw!! hehehe. parang miriam quiambao lang ba ang nangyari?hehe.ganyan nga go girl! kahit nalusot na sa kanal taas noo pa rin ang beauty! diretso tayo at aya sa color game!

{ KESO } at: May 22, 2010 at 6:07 AM said...

hartless, masakit p din ung paa ko haha, matindi tlga pgkakahulog ko tsk hehe


renz, hahah. awa ni papa jesus di nya hinayaan mgtampo ng tuluyan ang paa ko at iwan ako haha, namaga lng sya ng bonggang bongga, at parang alam ko yang snsbi mo, ntry ko na din yan, ang laki tlga ng panalo hehe



choknat, kasalanan tlga ng hinayupak na kanal n yan lol, pag fiesta dto samen may ms gay palagi hahahha.daig pa ko sa laki ng hinaharap lol



dark, haha istayl lang yon para cool knyari hahaha, at malas ko pa din girl, di na ko nkpgcolor game after non, nagyaya na ko umuwi, di ko na kaya talaga haha

{ Tomy } at: May 22, 2010 at 1:14 PM said...

Ouch!

{ pusang kalye } at: May 22, 2010 at 10:24 PM said...

dahil sa kakahabol sa color game nakanal ka tuloy.lol...oi---pero masaya yun. mahilig din ako dyan sa color game na yan. ewan ko ba. nakaka-adik kasi no?

{ KESO } at: May 23, 2010 at 7:13 PM said...

tomy! im okay now. :))

pusang kalye, hahha oo, sugal kasi, lahat ng sugal nakakaadik.tsk. haha. sa susunod di n ko mhuhulog, alam ko na kasing may kanal dun e hahaha.