happy birthday kuya!




happy happy birthday kuya! kahit papano, namimiss din naman kita hahaha!


tatlo kaming magkakapatid, at siya ang panganay. alam naman nating lahat na pag panganay, madadaya talaga, mga maduduga, mga gahaman! (may poot?! joke lang peace!) kaya di kami magkasundo nyan, pareho kasi kaming gahaman! at masama ang ugali! bwahaha. ang mabait lang talaga sa amin e yung ate ko, yung nasa gitna, wala yung pakialam samin haha! kaya madalas talagang mag away e ako at yang kuya kong yan. panganay vs bunso! ganon pa man, love pa din naman kita! kahit napakaduga mo talaga! lagi mo na lang sinasabi..

ako ang panganay kaya mas madami ang akin! (pag pagkain ang usapan)

ako ang panganay kaya mas malaki ang baon ko, hindi pwedeng magpantay ang baon namin ni mikay!( pag ang usapan naman e ang baon nila ng ate ko, kung tutuusin isang taon lang naman ang pagitan nila)


ako ang panganay tapos ako ang uutusan!? kuya mo ko, kuya mo ko! (kapag gawaing bahay naman)

o see, pero kahit ganyan yan, may mabuting puso din naman yan,


-pag may pera yan, lagi niya kong binibigyan.
-hindi yan madamot pero dapat lang talaga mas lamang siya kasi nga panganay siya.
-lagi niya kong inuuwian dati ng chocolates na dinedekwat niya dati sa kitchen nila. naging chef kasi yan dati. -mapagmahal yan sa kapatid, ayaw niyang naagrabyado kami, o sige, sumbong ko kayo sa kuya ko! subukan nyo! hala sige!



may isang bagay lang na wag na wag mong gagawin dahil sobrang magiinit ang ulo niya, yun ay.. wag na wag mong lilikutin ang mga sumbrelo niya! hay nako, regaluhan mo lang yan ng sumbrelo abot singit na katuwaan nyan. medyo choosy nga lang, maarte e! dito sa bahay namin nakatabi lahat ng caps nya na more than fifty na yata, di ko na mabilang plus meron pa yata siya sa kanya, pero sa dami ng sumbrelo niya, dadalawa lang yung ginagamit niya, palit palitan lang. hanep. tapos,ang tanging kasiyahan niya lang ay titigan ang lahat ng sumbrelo nya bago sya matulog. yun lang! tapos, mapapansin mong mapapasmile na siya.


okay! lubus lubusin ko na to, birthday mo naman e!madaming nagsasabing kamukha mo si joko diaz e ang taba mo kaya! hahaha love you kuya! pero mas kamukha mo talaga si......



wahahahha!



pero kuya, super thankful ako at naging kuya kita, kahit lagi tayong nagaaway, di mo ko itinuring na iba, never ko na feel na hindi nyo ko kadugo. hahay! ang dramaaaaaaaa. haha! basta happy birthday!

ps.may 26 pa birthday niya.

20 sabi nila.:

{ an_indecent_mind } at: May 24, 2010 at 11:38 PM said...

happy bday kuya!!

si keso po ay pasaway.. at lagi nang nagpapasaway lately.. pakipunas po ng chocolates sa buong katawan tas pakigapos po sa bahay ng langgam!

at may kras kras na po yan dito... si... si... si...

nyahahaha!

sabaw!

{ Jepoy } at: May 24, 2010 at 11:59 PM said...

happy birthday sa kuya mo.

Ang sweet sweet sweet naman ni Keso hihihi.

{ kikilabotz } at: May 25, 2010 at 12:29 AM said...

bayaw happy bday...hahaha. joke..

sweet nmn talaga ni keso..ayiiii

{ darklady } at: May 25, 2010 at 1:31 AM said...

Happy Birthday kuya!!

naki kuya talaga e.^_^
half filipino lang ba sya? parang may ibang lahi e. Nga pala wala sya dyan sa inyo noh?

{ KESO } at: May 25, 2010 at 4:49 AM said...

chuck, bwahahha. napagkaingay mo! di na ko magugulat kung malaman na ng kras ko na kras ko sya!



jepoy, wow. thank you! haha. parang ayokong sumangayon sa sinabi mo. haha


kikilabots, hahaha! uyyy bayaw,labtim labtim! haha


dark, opo half half kmi, este sila lang pala, lol. at korek, wala sya dito hihi. ako na sasagot para kay kuya....


thank you darklady! -kuya


nyahaha. salamat!

{ roanne } at: May 25, 2010 at 7:22 AM said...

AKO AY FANS NG KEKIMON!!!!

Go Keso and Kikilabotz!!!!! hahahahha

Happy birthday naman kay kuya... ang puge! kamukha nga nya ang mapupungay na mata ni jollibee haha

GO KEKIMON!!!

{ Jag } at: May 25, 2010 at 9:22 AM said...

Happy Natal Day to ur brother!

{ BatangGala } at: May 25, 2010 at 10:56 AM said...

happy birthday ng bonggang bongga kay kuya! :D astig naman, mukang mexican si kuya, meron syang kamukang mexican na artista... siguro, hindi uso panget sa lahi nyo? hehe:)

{ glentot } at: May 25, 2010 at 1:15 PM said...

Haha Jobbee talaga Happy Birthday kay kuya

{ kayedee } at: May 25, 2010 at 3:04 PM said...

ang wafu ni kua!

kuya mo tlga?!! ahahhah

hapi bday kuya! ay ayaw q ng kuya! lolz

{ ♥superjaid♥ } at: May 25, 2010 at 10:57 PM said...

hehehe kyut si kuya..^_^ happy birthday sa kanya..

{ gege } at: May 26, 2010 at 1:52 AM said...

ANG SWEEEEEEEEEEEEEEET!!!
buti pa si keso may Kuya!

panganay ako eee...

HOY! WAG MO KAMING HUSGAHAN MGA PANGANAY!

kailangan lang naming magsungit, para malaman na panganay kami.
hindi namin ginusto yun,
hahahahaha!!!

yeee! happy birthday kuya ni keso!



^ - ^

{ definella } at: May 27, 2010 at 9:46 PM said...

tama! maduduga tlga ang mga kuya :D

minsan pa yung inuutos sa knila, ipinapasa sa mas nakakabata.. gaya ng kuya k0ng maduga wahehe

pero may kabutihan din naman minsan :)

hapi birthday nga pala sa kuya mu kes0.

{ chikletz } at: May 28, 2010 at 9:33 AM said...

happy birthday kuya!!

{ fiel-kun } at: May 29, 2010 at 7:15 PM said...

Happy BEERday kay kuya mo!

Haha, natawa ako dun sa pic nila ni Jollibee XD

{ Sendo } at: May 30, 2010 at 5:26 PM said...

happy bday sa kuya keso mo hehe

ung kuya mo mukang hindi pinoy..may dugong banyaga ba kayo?

{ Renz } at: June 1, 2010 at 4:30 AM said...

happy birthday po kay kuya :]
ako gusto ko din magkakuya yung cool para astig diba may kasama sa pormahan at may ka boys talk ako ^^

{ KESO } at: June 5, 2010 at 4:12 AM said...

naks. dami nagkoment hihi. salamat salamat!


ang hirap isa isahin, inatake ako ng katamaran ngayon. hihi. tenkyu tenkyu.

{ kcatwoman } at: June 9, 2010 at 11:01 AM said...

haha well kahit maraming nega moments about sa kuya mo, ganun talaga, spice of life yan. at least narerealize mo na mabait(ba?) syang talaga. well sa family naman, lagi kaming naglolokohan ng bunso kong kapatid, kami ang closest. yung pangalawa ang wala lang, pero mahal namin ang isat isa, nega moments man or ano, family pa rin --emo haha. have a nice day

Flor
kcatwoman
ldspinay

{ mots } at: October 31, 2010 at 6:15 AM said...

pero siempre kayo ang legal na mukang bumbay hehehe