tita keso :))))

kahapon lang ako nakauwi galing sa batangas, ilang araw lang naman ako dun at feeling ko super nangitim ako kahit di naman ako lumalabas ng bahay. naisipan ko kasing bisitahin ang aking cute na cute na mga pamangkin, e kanino pa ba magmamana yang mga yan?!.

this time hinatid na ko ng papa ko papunta don, medyo scary kasi yung nangyari sakin nung huling punta ko, nakalampas ako sa kadahilanang yung palatandaan kong waiting shed na blue na malapit lang sa bahay ng hipag ko ay pinaltan na ng color white, super abangers sa blue na shed nakalagpas tuloy! nakipagtalo pa ko sa mamang kundoktor. napilitang magpababa sa walang katao taong lugar at nagapahatid pa sa stranger na kinuhanan pa ko ng no. ang ending.. sinermonan ako ng tatay ng hipag ko, wag daw ako sasama kung kani-kanino.



pakiramdam ko tumitindi na yung pagka engot ko, kahapon naman ng pauwi na ko sa cavite, di ko namalayan na singkwenta pesos na lang pala yung pera, di ko na naramdaman na naubos na pera ko kagagastos. so hanggang olivarez na lang pala ang aabutin ng singkwenta ko, no choice bumaba ako ng olivarez, salamat na lang at dala ko ang atm ko, at naghanap na lang ako ng mawiwithdrawhan. siguro kung minalas talaga ako baka naglakad na lang ako tagaytay hanggang silang or mapilitan mag 123 sa jeep. kung minsan talaga inaatake ako ng katangahan ko e,lol.




ganon pa man naging masaya nman ang batangas trip ko,heto naman yung pics ng mga pamangkin ko na manang mana talaga sa tita! haha!



ps:kamukha ko daw ung lalaki. :))))))


gian and iana










ang cute ng models ko. :))

20 sabi nila.:

{ roanne } at: April 23, 2010 at 8:49 AM said...

ang cute!!!!! :)

tita keso, wag iwan ang IQ sa bahay... baka hindi ka makauwi tsk tsk haha

{ glentot } at: April 23, 2010 at 12:36 PM said...

ang cucute naman ng mga chikiting. mana sa iyo? weh? saan banda??? hehehe

{ Stone-Cold Angel } at: April 23, 2010 at 1:19 PM said...

wow! parang me lahi ang mga pamangkin mo ah!

ingat! =)

{ ♥superjaid♥ } at: April 23, 2010 at 6:12 PM said...

they are sooo adorable!grabe kyut na kyut..^_^ lalo na si gian..hehehe hihintayin ko siya pakisabi sa kanya..wahahaha

{ kayedee } at: April 23, 2010 at 8:51 PM said...

hang kyut kyut!!! prang aq lng! i min prang c tita lang!! ehehe..

{ olyabut } at: April 23, 2010 at 10:52 PM said...

ankyut nga. Angganda nung mata ni Iana.

choknat at: April 24, 2010 at 2:00 AM said...

minsan kelangan lumagpas sa pupuntahan para magkaron naman ng thrill ang buhay. haha

kukyut ng pamangkins mo, masarap may mga pamangkin, pero mas gusto ko kung baby na lang sila lagi. lol

{ darklady } at: April 24, 2010 at 10:15 PM said...

PASAlubong!!!!!!!!!!!!!!

E di ikaw na ang nagbakasyon!! hehehe..namiss namin ang orig. na keso..^_^


aNG cute naman ng iyong pamangkin lalo na yung lalake..ilan taon na sya? baka mahintay pa!! hehehe..kaya ang tawag ko sayo tita keso!!! hahahaha

{ DRAKE } at: April 24, 2010 at 11:32 PM said...

Oo nga ang kyut kyut nila, sarap pagpipisilin sa pisngi!hehhee

Wow mayaman may ATM!hehehe

Ingat

{ Arvin U. de la Peña } at: April 25, 2010 at 12:04 AM said...

mana nga sa iyo..buti hindi offline ng mag wiwithdraw ka sa atm..

{ Eymi reyes } at: April 25, 2010 at 2:38 AM said...

Cute cute cute. :D

{ Jag } at: April 25, 2010 at 4:10 PM said...

Paano pag nag-iba uli ng kulay ang waiting shed lalagpas k n nmn? lolz!

Hangkukyut ng mga pamangkins mo...

Perstaym dito...

{ definella } at: April 25, 2010 at 7:17 PM said...

ang ku-cute!
lalo na ung lalaki =)

{ KESO } at: April 26, 2010 at 2:36 AM said...

ate roanne, hahaha. opo opo di ko na iiwan ang iq ko haha.


glntot, bwahahha.ah basta kamukha ko yang mga yan! hahaha


stone cold, may lahi nga po wehehe


jaid,hahahaha. 2yrs old lng si gian! wehe. wb sisterrr! kmusta po?


ate kaye, haha. parang tayo lng! hawig nman tayo e hahahah. balik blog ka na? nakss

oly, yep yep. ang ganda nga ng eyes ni iana, ang laki hahahaha

{ KESO } at: April 26, 2010 at 2:43 AM said...

chokie, hahaha at ok lang naman mawala wag lang palagi. haha.


darklady, 2 yrs old lng sya. hahahaha. adik. nmiss ko din kayooo! nakanang! pwde bng kiss n lng ang pasalubong? haha


kuya drake, hahaha. mana mana lang yan! at hndi ako mayaman, mas myaman ka naks!


arvin, naks. mana saken? thanks naman sa wakas may nag agree din haha


eymi, thanks po hehe


jag, haloooo jag! haha, iba na yung palatandaan ko tindahan na pula naman. lol


definella, naks. thank you naman parang sinabi mo an ding ang cute ko kasi kmukha ko ung lalaki e ahahahahaha

{ Sendo } at: April 26, 2010 at 9:56 PM said...

ang cute nga ng mga bulilits....naalala ko rin ung mga pamangkin kong cute eh ngayon inde na cute...dambuhala na sila lahat! haha

{ kikilabotz } at: April 27, 2010 at 1:43 AM said...

cute cute cute. parang tayo lang keso noh? paholding hands nga jan. wahahaha

{ KESO } at: April 27, 2010 at 4:51 AM said...

sendo, hahaha. aw. nakakainis na pag malalaki na. ampp. haha


kikilabots, hahaha. holding hands pa ha. shhhhhh... baka may makakita saten. haha

{ Renz } at: April 27, 2010 at 7:59 PM said...

super cute naman nila ^^
mejo may resemblance nga ni keso yung batang boy

{ KESO } at: April 29, 2010 at 2:58 AM said...

naks, o db db, hawig ko si gian wahahaha. natuwa naman ako dun. thanks renz hihi