huwag niyo ng basahin. :)



naglalakad kami papuntang baranggay hall, shit kase, pinabaranggay pa kami. buti na lang malapit lapit ang baranggay hall sa bahay namin, walking distance lang. nakatanggal din ng init ng ulo ang paglalakad namin, ang lamig sa labas. ang init init kase sa loob ng bahay.tsk.


tinawagan ko na din ang tita ko para samahan kami, suporta lang. kinakabahan kase ako. hindi ko alam ang mangyayari...kami lang kase ng tatay ko ang magkasama. tsaka para may taga awat ang tatay ko. alam kong nag iinit na ang ulo niya, baka magwala kahit pa sinabihan ko na siyang behave lang dapat siya dahil yakang yaka ko to. ang cool ko noh? :))



sa baranggay hall.


may dalawang palapag ang baranggay hall namin, medyo cute nga ang structure kase di pantay, basta one time papakita ko yung picture. o baka siguro kinulang sila ng semento at hallow blocks kaya di pantay.

tumaas kami sa ikalawang palapag, nasa baba pa lang kami rinig ko na ang boses niya. gosh. ang ingay niya ha. pareho kami. tsk. chillax pa din ako, kahit alam kong ang lakas lakas na ng dagundong ng puso ko. kinakabahan o excited? tsk..



.. nakita ko din siya..


ang puti niya, di ko din naman pala siya kamukha, pero di ko din naman siya tinitingnan masyado so di ko din sure kung may pagkakahawig kami. ang alam ko lang ang sosyal ng dating niya. at gusto ko ung buhok niya, golden brown ba yon? pero bagay sa kanya kase maputi nga siya. di naman siya ganoon kaliit pero mas matangkad ako sa kanya.



habang tinitingnan ko siya, di pa din ako bumibitiw sa papa ko. natatakot ako. ewan ko ba. parang natatakot ako mahiwalay sa papa ko. baka kuhanin ako ng babaeng yon,.estrangherong babae na noon ko lang nakita pero sinasabi niya na ako daw ay anak niya at siya ang tunay kong nanay...


'halika anak...


binigkas niya ang ang mga katagang iyon pero wala akong naramdamang kakaiba, madalas kong marinig sa ibang tao ang salitang 'lukso ng dugo'. ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ko iyon maramdaman..



napatingin ako sa tatay ko, hinayaan na lang niya ako na umupo sa katabing upuan ng babaeng iyon. nakamasid sa amin ang mga baranggay tanod at ilang taong nakikiusyoso. ang tinding kahihiyan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.



nagsimula siyang magsalita, nagsimula siyang ilahad ang kanyang side.

kesyo galing daw siyang malaysia, pinaalagaan daw ako sa kapatid niya which is my tita, and then pagbalik daw niya pinamigay daw ako sa kapatid ng asawa nito na ayun nga, ang mama ko. di na daw niya ako nakuha ulit dahil ayaw na daw ako ibalik.. ang dami niyang kwento. hindi ko na pinakinggan yung iba, wala akong makapang emosyon sa mga sinasabi niya, hindi ako naiiyak. akala ko baka umatungal ako pero hindi pala. akala ko nga unang kita niya saken yayakapin niya ko mula sa malayo tapos hahagulgol ako. pero hindi pala, pang tv lang yon. at ang sinasabi nilang lukso ng dugo? ano ba yon? di ko kase nafeel e.



ang daming niyang sinabi. habang nagsasalita siya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagmasid masid sa paligid ko, pero natandaan ko naman ang huli niyang sinabi,

'wag ka mag alala di na naman din kita kukuhanin, ibibigay na lang kita sa mga nagpalaki sayo, nagpakilala lang ako bilang ina mo dahil alam kong darating ang panahon na hahanapin mo din ako, kung gusto mo magbakasyon sa akin, ok lang sa akin, ipapakilala ko din sa iyo ang mga kapatid mo, kasing tangkad mo na si jah jah, tapos college na din yung iba mong kapatid.'



...

bandang huli, nagkagulo sila, sumabat ang papa ko pati ang tita ko hahahaha. rumble! naungkat ang nakaraan! nanakot pa ang nanay ko retired general pala ang kanyang bagong asawa. at bukas daw sa imbestigador na lang daw ito pagusapan.


putangina lang. di na nila ko inisip. ang laking kahihiyan nito.

45 sabi nila.:

{ akhet } at: April 6, 2010 at 7:52 AM said...

binasa ko daw...
tigas ng ulo ko...hehe

{ choknat } at: April 6, 2010 at 7:56 AM said...

matigas ulo ng tao, wag basahin tas nabasa ko na. eh? hehe

nako, mapupunta pa sa imbestigador? bakit hindi ikaw ang tanungin bila kung anung gusto mo? sumasabay init ng panahon sa init ng ulo ng mga tao.

sa palagay ko, bihirang mangyari ung lukso ng dugo. lalo na kung buong buhay mo namang di nakasama.

{ roanne } at: April 6, 2010 at 7:58 AM said...

keso pinag-aagawan ka! parang telenobela lang!

{ olyabut } at: April 6, 2010 at 8:09 AM said...

matigas din ulo ko at binasa ko sya.
Sana pinagsalita ka naman nung mediator kung ano gusto mo. Asa tamang edad ka na naman para malaman kung san mo gusto diba?
*at gusto ko ung background piano sa taas na nangiistorbo. haha

{ Rah } at: April 6, 2010 at 8:52 AM said...

La la la la la la... Hindi ko binasa.

(long pause)

OK fine, binasa ko. Aaminin ko na.
Hindi ko mapigilan magcomment, nagttype magisa ang mga daliri ko...

1. Pwedeng may point ang babaeng yon.

2. Wala siyang point at creative writer siya, or baliw.

3. naniniwala ako na the truth will set us free. Siguro papakinggan ko muna ang lahat, at saka na ako magdedesisyon pag malinaw na lahat :)

{ Jepoy } at: April 6, 2010 at 9:25 AM said...

Ang haba ng hair hanggang tagaytay! Feel na feel mo noh?!

{ glentot } at: April 6, 2010 at 11:51 AM said...

Hala sorry binasa ko... Anyways wag ka nang mahiya kasi kayo kayo lang naman sa Brgy. Hall at kung makarating man sa IMBESTIGADOR i-blur naman ang face mo...

I think nasa isang complicated na situation ka and you're so brave to share this...

{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:03 PM said...
This comment has been removed by a blog administrator.
{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:06 PM said...
This comment has been removed by a blog administrator.
{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:08 PM said...

honestly tumayo ang blhibo q hbang binbsa q to! pro hnd xdo mtaas h, unti lng!!haha..jowk.

but seriously, yes u r too brave 2 handle diz kind of stwsyon or hnd klng tlga emo type!hehe.. so anung nfil mo?hnd kb nsad n hnd mo ksma real mom u?! oppss sori bka mpaiyak kta.. *hugz* nlng kta lil sis.. *huggggzzzzz*

{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:13 PM said...

honestly tumayo ang blhibo q hbang binbsa q to! pro hnd xdo mtaas h, unti lng!!haha..jowk.

but seriously, yes u r too brave 2 handle diz kind of stwsyon or hnd klng tlga emo type!hehe.. so anung nfil mo?hnd kb nsad n hnd mo ksma real mom u?! oppss sori bka mpaiyak kta.. *hugz* nlng kta lil sis.. *huggggzzzzz*

{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:16 PM said...

honestly tumayo ang blhibo q hbang binbsa q to! pro hnd xdo mtaas h, unti lng!!haha..jowk.

but seriously, yes u r too brave 2 handle diz kind of stwsyon or hnd klng tlga emo type!hehe.. so anung nfil mo?hnd kb nsad n hnd mo ksma real mom u?! oppss sori bka mpaiyak kta.. *hugz* nlng kta lil sis.. *huggggzzzzz*

{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:16 PM said...
This comment has been removed by a blog administrator.
{ kayedee } at: April 6, 2010 at 1:18 PM said...

honestly tumayo ang blhibo q hbang binbsa q to! pro hnd xdo mtaas h, unti lng!!haha..jowk.

but seriously, yes u r too brave 2 handle diz kind of stwsyon or hnd klng tlga emo type!hehe.. so anung nfil mo?hnd kb nsad n hnd mo ksma real mom u?! oppss sori bka mpaiyak kta.. *hugz* nlng kta lil sis.. *huggggzzzzz*

{ kayedee } at: April 6, 2010 at 4:11 PM said...

hahaha..lil sis pki erase nlng ung ibng comments npraning ung net q e Kya ayan ang nangyri!! Hahahah

{ Renz } at: April 6, 2010 at 6:04 PM said...

hala pasaway ako nagbasa pa rin tsk..

OMG di ako makapaniwalang may mga ganito talagang scenario sa buhay?

at aabot pa sa IMBESTIGADOR?

{ Led } at: April 6, 2010 at 6:37 PM said...

ayos ah. sige ipa-imbestigador na yan! haha

{ rico de buco } at: April 6, 2010 at 8:45 PM said...

pasaway ako at binasa ko..pero keso, alam mo mhrap yan pinagdadaaanan mo sana mas lalo ka pang pakatatag..kung sakin nangyari yan di ko din alam gagawin ko..

i lived a life na may kinikilala akong magulang and then isang araw nalang, hindi pla ganu kaperfect lhat ng mga inaakala natin....hays mahirap..

bsta sana malagpasan mo iyan..at sana magkaroon ng peace sa buhay mo..

ill pray for you keso..

ingat

{ batanggala } at: April 6, 2010 at 9:52 PM said...

hindi ko sya binasa.pramis! (humahaba ang ilong habang nagtatayp.haha)

ayst.napakahirap naman ng sitwasyon mo ate,(feeling clise lang po.hehe) pero siryus mowd po muna.

akala ko nung una,parang fiction story lang sya,totoo na pala. Alam kong mahirap, pero alam ko rin pong malalagpasan nyo yan,lalo pa't malakas ang loob nyo af matapang kayo.. At alam kong in God's time everything will be orayt.

**hugs**

{ bad_mj97 } at: April 6, 2010 at 10:40 PM said...

Ang tapang mo...di ako makapaniwala na kaya mong ihandle yan or what?..220 plang may ganyang nangyayari at hindi lang sa tv merong ganyan...pakatatag ka lang yaka mo yan.

{ Ayie } at: April 7, 2010 at 12:19 AM said...

Hanep. Totoo pala ang mga ganito?

Unang comment po, pasensya binasa ko, at eto nakanganga pa rin ako! eheheh

{ DRAKE } at: April 7, 2010 at 12:23 AM said...

Buti hinarap mo ang katotohanan. Ngayon wala naman na sa kanila ang desisyon kundi nasa iyo. Nasa tamang edad ka na di ba? (tama ba ako).

Ngayon mag-away away man sila para sa custody mo, sa iyo pa rin ang huling desisyon. Sa korte kasi basta 16 pataas ang isang bata, nasa bata na ang desisyon kung kanino sasama.

Ngayon wag kang matakot sa nanay mo, may karapatan naman sya sa iyo eh. Masyado ka lang nya namimiss, hayaan mo lang syang maramdaman nyang ina mo sya kahit sandali lang ba. Maraming mga bagay na nahihirapan syang ipaliwanag sa iyo kasi hindi mo sya binibigyan ng tsansa. Sabi nga nya hindi ka naman kukunin sa mga papa at mama mo eh. Saka kung kunin ka rin naman nila, hindi ka naman sasama. At kahit magkademandahan pa (sana wag mangyari) sa iyo pa ring desisyon kakatig ang husgado

Ngayon, sabi ko nga ikaw ang may desisyon kaya maglagay ng mga limitasyon para sa nanay mo. Pero sana wag mong ipagkait ang pagiging nanay nya sa iyo.

May mga sirkumtansya lang na mahirap ipaliwanag at may mga dahilan lang sya na mahirap intindihin pero isipin mo na lang ngayon ito na ang pagkakataong mong buuin ang sarili mo.

Ingat

{ darklady } at: April 7, 2010 at 3:11 AM said...

Akala ko nakipag away ka e..hihihi..
Hindi ako nagbasa ah.hinulaan ko lang.hehehe. o sige na nga tsismosa na ako hindi ko napigilan na hindi basahin e. sensya naman..

Alam mo ang hirap ng ganyan na pinag aagawan ka, boys nga lang pag agawan ka ang haba na ng hair mo e heto pa kaya. syempre ibang usapan na to.o sige na nga serious na. Minsan ang hirap kagad intindihin o tanggapin yung nangyaring yun kasi pati mga tao nabigla. Pero talagang ganon dadating at dadating yung time na yan at least now nangyari na mahaharap mo na yung tunay na buhay mo. Ika nga eto na ang simula.

{ KESO } at: April 7, 2010 at 3:26 AM said...

akhet, hehe. ok lang girl. kaya lang naman gnyan ang title kase di naman ganon ka entertaining ang ang topic ko and about lng saken so...wala lng. wag n lng basahin kase wala lng naman siya. and wala akong maisip na title hahahahah. and somehow, ayokong ipabasa kase, nakakahiya pero gusto ko lng tlga siya iblog para nkacompile lahat ng di malilimutang pngyayari and, kailangan ko lng din tlga mglabas ng 'sama ng loob'. then, nasa sa inyo lng kung gsto nyo bshin. ingat.




chokie,hehe, ang kukulit tlga ng mga tao, pero oks lang. nilagay lagay ko dto sa blog ko tpos ssbhin ko wag babasahin? parang baliw lang hehe.

so ayun para silang tanga, imbestigador pa daw. tae, di ko mapigilang di mgmura e, fvck lng. anong ibig sbhin nito, kailangan ko mgpaganda palagi khit nasa bahay lng ako para if ever n dumating yung mga imbestigador ang ganda ko sa camera?! effort pa ko ah. nakakainit tlga ng ulo. tsk.

{ KESO } at: April 7, 2010 at 3:37 AM said...

roanne, ate roanne! shyet nga e, haha.di ko akalain na magiging ganito, parang ano lang, parang pang maalaala mo kaya. hehe


oly, hi oly. di na nga ko nkpgsalita msyado dhil ang ingay ng nanay ko, dire diretso mgsalita pero snbi ko naman din na hndi ako sasama sa knya. dhil kung wala ang mga tumayong pamilya ko baka wala n din ako ngayon.

and sumasabay sa pag emo emo ko kgbi ang background music. ingat.


rah, at pasaway ang mga daliri mo! hehe.

iisipin ko na lng na creative writer siya dhil ayokong isipin na iba ang story na knkwento ng mga tumayong magulang ko. pero khit anong mngyari di ko magagawang iwan ang mga tumayong magulang ko. khit anong mngyari tlga. --at naluluha na ko. at ayoko ng gnito. hehe.

{ KESO } at: April 7, 2010 at 3:52 AM said...

jepoy, oo! feel na feel ko talaga. haha. parang bida lang sa teleserye. lol. at bakit lagi kayong mgkasunod mgkoment ni glentot?! anong meron?yieee. haha




glen, naisip ko nga kung sakali mang umabot to sa imbestigador,sana naman iblur ang face ko -pucha. ang korni ha!! di ko maimagine na gnito kabigat to. msyado lng kase nilang pnpalaki. pero db, bnblur lng pg minor ang bata, e di na ko minor. shyet.


kayedee, hahaha ate kayedee, natawa ako bgla, akala ko ang dami daming ngkoment hehe. pero ok lng te, di ko na din idedelete kase napagod na ko kakadelete. haha.


ahm, emo emohan nga ko madalas pero ahm... ewan ko, matagal ko na din kaseng alam ung about dyan kaya siguro di na din ako ganon naapektuhan kase medyo ready na ko. and ung tanong mo kung nsasad b ko dhil di ko ksma ng real mom ko? never ako nsad kase naging masaya naman ako sa mga tumayong magulang ko.

ang wish ko lng sana di na ganon maging kakumplikado ang lahat, baka di ko kayanin. pero sa ngayon, kaya ko pa. tenkyuuu te. hugssssss. :)

{ KESO } at: April 7, 2010 at 4:02 AM said...

renz, tsk. kahit ako di ko akalain na aabot sa gnito ang lahat. and sana naman wg n umabot sa imbestigador kase ang korni korni naaa!! hehe. tsk. and di ko maimagine na baka sa gnitong paraan ako mdiscover. lol. jk.


led, hahaha. lol. wag naman oyy!



rico, hayy. thank u rico. :)

inakala ko ding perfect ang lahat. khit alam ko n din naman dati pa ung tungkol sa katauhan ko , feeling ko pa din perfect life p din to kase mswerte ako kase sila ung nakilala kong pamilya. di nila ko tinuring na iba, hnihiling ko lng ngayon sana di lalong bumigat ung mga ngyayari. tsk. thank u thank u. ingat din..



batanggala, sana naman di na gawin msyadong kumplikado to ni god, kase baka di ko na kayanin, pro kaya ko pa naman, masyado nya lang ata akong tinetest kung gaano ako katapang. tsk. pasaway din ano, hehe. thank u... ingat. hugssss. :)

{ KESO } at: April 7, 2010 at 4:14 AM said...

bad mj, thankss mj. oo yakang yaka ko to ako pa. hehe. bad kb tlga? parang di naman ah. hehe


ayie, hi po ate ayie. welcome po sa bahay ko, at sakto pang ang emo ng post ko ngayon. tsk. haha.


drake, yep, kuya, mag nineteen na din ako this year. desisyon ko n tlga, and pgiisipan ko yng snbi mo kuya, parang ayoko na kase syang makita. ayos na naman ako khit wala siya..at sana wga na mgdemandahan dahil nahihiya na ko. tsssssssssss. salamat po sa maikling komento hihi. ingat.



dark, ikw b tlga si dark? bkit hndi ikaw ang base ngayon? hehe.

tsk. sa totoo lng, nabibigla ako msyado sa mga pngyayari parang last sat ko lng nalaman tong gusto dw ako makita ng nanay ko tapos khpon, boom! pucha. di ko na alam ggwin ko pero.. bhala na nga sila sana lng wag ganon kakumplikado. salamat darkkk. ingat.

{ kikilabotz } at: April 7, 2010 at 4:33 AM said...

binasa ko. bkit ba? nilagay mo sa blog m tapos hindi mo ipapabasa..ahaha

napaka astig mo palang bata ka. uhmm i mean napakahirap ng sitwasyon dinaranas mo pero asan ka? anjan ka pa rin binabahagi ang storya mo sa amin. nwei hind ko alam ang magiging reaksyon ko kasi hnd ko pa nararanasan yan. and i guess all i can do is pagdasal ko ang makakabuti sayo at ang pagstay lagi sa tabi mo kapag need m ng kausap.
always here promise. im just a net away. gusto mo punta pa ako cavite eh. ahehehe

ingat and godbless keso

{ darklady } at: April 7, 2010 at 4:45 AM said...

Hehehe oo ako nga talaga to.. Pano natulog ako kaya na late.hehehe. Saka nakakahiya naman dami na nakakapansin na lagi ako una.whahahaha..pAhuli naman minsan..hihihihi..

{ Sendzki } at: April 7, 2010 at 9:52 AM said...

nakibasa na rin ako...matigas naman talaga ulo natin ah hehe

wow keso...mahirap rin pala pinagdaanan mo pero tingin ko ang tatag mo! tibayan mo pa sarili mo, tingin ko mahal ka naman ng tatay at ng pamilya mo. naalala ko rin tuloy nung una ko makita tatay ko..tingin ko sa TV lang yung lumulukso ang dugo eh haha ^^ at saka..bakit me imbestigador pang kasama?

{ KESO } at: April 8, 2010 at 2:29 AM said...

kikilabots, uyy thank naman po. hugssss. sige nga puntahan mo ko dito? hehe


darklady, haha. wg ka mahiya, ok lng yun tska sanay n kmi na lagi kang una hahahahah. pasaway.


sendski, haha. di nman ata totoo ung lukso ng dugo hehe.lol. pero, ok na naman ang lahat. ayos na. wla n dw imbestigador, ang korni lng talaga nila. haha. salamat sa laging pgbisita sendzki. :))

{ Sendzki } at: April 8, 2010 at 6:47 AM said...

haha /..di naman korni..life experience yan/life story yan...ayos yan ^^ mag makukuwento ka sa future children mo....and they;ll be proud of u kasi matatag ka so keep it up ^_^

{ Sendzki } at: April 8, 2010 at 6:48 AM said...

haha /..di naman korni..life experience yan/life story yan...ayos yan ^^ mag makukuwento ka sa future children mo....and they;ll be proud of u kasi matatag ka so keep it up ^_^

{ Arvin U. de la Peña } at: April 8, 2010 at 8:03 AM said...

ok di ko basahin,hehe..

{ Arvin U. de la Peña } at: April 8, 2010 at 8:04 AM said...

parang sa ninja ah..........ang pic..

{ pusang kalye } at: April 8, 2010 at 8:22 AM said...

naku---sobrang stressful naman nyan at nalamana pa ng buong sambayanan....nways---hope there will be a good resolution to this. kaya yan......

{ definella } at: April 8, 2010 at 10:25 AM said...

parang libro ni bob ong.. wag basahin, pero binasa ko :)

{ gege } at: April 8, 2010 at 10:02 PM said...

keso!!!
oo binasa ko.haha!
nako ah!!!
isulat na yan!
kay charo.
joke.

nako, anu kamusta ka naman?

tsktsk. hayaan mo sila!
darating din ang panahon na malalaman natin ang katotohanan!

WAG KANG PAPAAPEKTO!

syempre ang emosyonal ko, hehe,

basta!
dito lang kami, KWENTO MO LANG YAN!

pa DNA ka.
:P

{ kayedee } at: April 8, 2010 at 11:41 PM said...

ahaha.mukhang tukmol kc ung cp q e! oo cp lng kc gmit q kya ayan pahamak! hehe..

datz gud at ok klng. un nmn ang importante e, kung san k msya! *hugz*

{ goyo } at: April 9, 2010 at 1:58 AM said...

awts. parang telenobela nga.. napadaan lang po.. :)

{ KESO } at: April 9, 2010 at 3:04 AM said...

senzki, hayy, thank you. kailangan ko lng mgpkatatag, wla din namang mngyyri kung mglalaslas ako dito at itry mag eyeliner at magpaka emo. hehe. thank u po.


arvin, haha beri gud. napakamasunurin mong nilalang. hehe

pusa, nku snbi mo pa. sumakit tlga ang ulo ko dyan, tsk. pero tapos na naman ang kalbaryo. ayos na ko.thank u :))


definella, haha at sadyang mtitigas ang ulo ng mga tao. lol. ang cute ng name mo. like it muchh :))

ate geee, haha. tapos na te, di ko na kylangan pa dna. ang mahal ata non lol. haha. at pgiisipan ko pa kung ilalahad ko to kay te charo hahahahaha. jusko. thank u ate ge. hugssss.


ate kaye, haha at natawa naman ako sa word na tukmol. hahaha. thank u te, hugsss.


goyo, hi goyo. ohnga e,parang pang telenobela, ibg sbhin ba artistahin na din ako? hehe. thank u sa pgdaan. daan lang palagi. hoho. :))

{ goyo } at: April 9, 2010 at 3:50 AM said...

hehe. salamat din SuperKeso. :)
goyo followed keso! :)

{ definella } at: April 9, 2010 at 11:32 AM said...

ehehe,. username ko lng toh, mabantot kc realname ko haha.. enewei salamat salamat :)

{ definella } at: April 9, 2010 at 11:32 AM said...
This comment has been removed by the author.