say......!



hulaan niyo na lang kung sino ako dyan


at kahapon, birthday ng aking kaklase nung hyskul, si hanel(janel). 18 na siya! yey! di ko din naman siya ganon kaclose pero close naman din kami kahit papano. (haaaaaaaa?! ano daw?!) ah basta. close yata kami? ahh basta ganon, kchoirmate ko din naman kase siya nung highschool tapos alto 1 din siya. tapos pag may competition kami outside the school siya yung lagi kong katabi sa sasakyan. naalala ko pa nga nung medyo wala akong pera nangutang ako sa kanya ng bente pesos, tapos.. di ko na binayaran! kinalimutan ko kase! haha! atsaka nakalimutan na din naman niya.hahahahha. o db, baka kase pag binayaran ko siya baka tingnan niya lang ako kase di na nga niya maalala db? ako lang mapapahiya. so wag na lang bayaran.


simple lang naman ang kanyang naging birthday party, walang eighteen candles,roses,gifts. etc. in short walang kotilyon. buti na lang di na ko namroblema sa kung anong susuotin and ang kapal kapal ng mukha ko, wala man lang akong gift! kaya ayoko pumunta kase wala naman akong regalo kase wala pa kong pera. tag hirap ako ngayon! kaso, pumunta na din ako kase sinundo ako sa bahay ng bestfriend ko. wala din pala siyang regalo! hahahha. nahiya tuloy lalo akong pumunta kasi dalawa na kaming makapal ang mukha hihi. pero sabi naman niya dadaanan din daw namin yung isa naming friend baka daw yun may regalo ng dala. o e di sabi ko okay payn. ang kakapal talaga ng mukha noh? haha.


nagpaalam ako kay papa at pinayagan na naman ako, nag iba talaga ihip ng hangin ngayon kaya kahit gabihin ako ok lang daw! yehey talaga! e di ayun, umalis na kami..


heto na naman kami, naglalakad patungong kanto, db dun lang merong paradahan ng tricycle remember? so ayun, umaasa akong magtatricycle kami pero hindi e! kung patatagan ng binti at patigasan ng bulsa, panalo na tong bespren ko! maglakad na lang daw kami. ok paynn. kase kung pagpipilitan kong sumakay na kami, ako lang pagbabayarin niyan, so wag na lang db.


una naming dinaanan yung friend nga namin na yon, si dunekk! wala din pa lang regalo?!pucha! tapos naisipan kong daanan na din yung isa naming bff,(nagbabaka sakaling may regalo hahahahha). bale 500 meters na siguro nalalakad namin. partida naka heels pa ko (nagmamaganda?!). wala e, patatagan talaga ng binti ang labanan, pagdating namin sa bahay ni hasmin, di naman pala siya pupunta,hanep. suko na ko. gusto ko ng mgtricycle talaga. pero ayaw ni dunek at bespren, katwiran nila,nasimulan na naman daw namin maglakad e di hanggang kina janel lakarin na namin, wooooh. ang tatag! o di sbi ko, o sige go. e di lakarin na nga lang. another one hundred meters to. pucha. walkathon?!


awa ni papa jesus, nakarating kami ng matiwasay at di halatang nagwalkathon kami. shyet. di na ko sasabay sa bespren ko!! pero medyo nawala naman ang pagod ko ng makita namin ang iba naming hs friends yehey. instant reunion!



suklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. hahabulin na ko ng suklay!







naging masaya ang birthday party ni hanel kahit pa kokonti lang kaming nakapunta. tsaka kahit wala kaming regalo, oks lang daw ang importante ay nakapunta kami. wala naman yan sa laki at liit ng regalo, hindi pa din matutumbasan ng kahit anong regalo ang ligayang hatid ng muli naming pagsasama sama.

iba pa din ang dating ng knock knock jokes nilang kahit ilang beses na naming naririnig.. wala pa ding humpay ang tawanan.


mga banat na jokes na kahit di naman kabenta benta at kung minsan nga di na nga namin magets pero.. ewan ko ba, magkatinginan lang para na kaming mga baliw kakatawa.

idagdag mo pa ang walang katapusang kwentuhan ng kung anu ano, mga walang kabuluhang bagay na pilit ginagawang makabuluhan.

...
bago natapos ang gabi may isang bagay kaming natutunan,

imbes na say cheese! sabihin niyo....whisky!


ipikit daw muna ang mga mata then say whisky! try niyo dali! mas iba daw kase ang dating ng smile, mas may glow. ulitin po natin.. say whisky! (baliw baliwan lang hahhahaha)

o diba? nafeel niyo ba ang ibang glow ng inyong mga mata pag binibigkas ang whisky.


heto po yung kinalabasan ng aming whisky smile!




naloka ako kakatawa! hahahahah
yung isa nabaliw na.




22 sabi nila.:

{ darklady } at: April 5, 2010 at 9:35 AM said...

IKaw yung naka black dyan..tama? ^_^
Isa lang naman naka black dyan diba?

Wow saya naman ng napuntahan mo. Sana matuloy yung swimming namin ng mga highschool klasmeyt ko this April.

{ an_indecent_mind } at: April 5, 2010 at 9:41 AM said...

bukas na ako magcocomment... goodnight!

{ KESO } at: April 5, 2010 at 9:45 AM said...

dark, ang bilis mo hahaha. kakapost ko lang hehe. oo ako nga un haha. sanggang-dikit kami ng bespren ko palagi haha.ayie sana matuloy kayo tapos ilagay mo din ang whisky smile nyo haha.



abny, o sya bukas n lng , gud nyt!

{ Sendzki } at: April 5, 2010 at 9:48 AM said...

hulaan ko rin! ikaw ung nakaitim..kulit kasi ng mga pose oh...kesong keson hehe

{ Sendzki } at: April 5, 2010 at 9:49 AM said...

katuwaan..saya...

{ Rah } at: April 5, 2010 at 9:49 AM said...

Mabilis talaga si dark, nakaantabay yan palagi sa pinakamainit na blog :D hihihi

{ kayedee } at: April 5, 2010 at 11:26 AM said...

hulang hula! ung nka black! eh lge u nsa pix e panung nd nmin mhuhulaan! nyhahah... prang luk a lyk tau lil sis nga kta!! nyahahha..

whisky.... oo nga anu my ok mag smyl! nyahhah..

{ Jepoy } at: April 5, 2010 at 12:10 PM said...

keso hindi ko mahulaan! Nyeta! Mag pakita ka nalang sakin libre kita ng iced tea ahahha :-D

{ glentot } at: April 5, 2010 at 2:17 PM said...

San ka muna kasi diyan...

{ batanggala } at: April 5, 2010 at 6:07 PM said...

huhula din ako...ah...ikaw yung nakaupo sa left ni bespren sa pinakaunang piktyur...tama ba?hihi:))

sabagay, sabi naman nila, its the toughts that counts...tama ba?hihi:)) ganyan din ang palusot ko kapag may pupuntahang birtdey e, at least dumating, right?hehe =D

{ Renz } at: April 5, 2010 at 7:47 PM said...

si keso ba yung nag picture?
whahaha joke lang:)

may natutunan ako!
say whisky!

{ choknat } at: April 5, 2010 at 8:30 PM said...

natawa ko sa comment ni renz, kaw daw nagpicture. haha

di ba may post ka dati na may picture. hehehe.

ang tyaga at ang sipag nyo maglakad ah.

{ olyabut } at: April 6, 2010 at 1:54 AM said...

bago un a, hehe. say whisky.
oo at ikaw ung nakaitim kasi naaalala ko ung mukha ng bestfriend mo from ur last post, haha

{ KESO } at: April 6, 2010 at 2:24 AM said...

senski, hahahaha. kesong keso ba yung pose ko? teka, check ko..



hindi naman ah! hehe.


rah, hahaha, dapat bigyan ng award si dark. hehe. salamat sa dalaw rah. :)



kayedee, hahaha. nagpahula pa ko, msyado naman akong halata hehe, oo nga noh, (sabay silip ng pic mo.) mgkahawig nga tayo sistah! ateeeeeee. ate nga tlga kita. hugs! hehe


jepoy, hahahahha. o cge go!iced tea lng? haha


glentot, kayong dalwa ni jepoy, di nyo b tlga mhulaan, neknek nyo! :-D


batanggala, yeahhhh tama, ako un haha. masyado naman ata akong halata kase haha. di kami nghihiwalay ni bespren e, haha.


renz, hahahhahahah. adikk. sige nga, ipakita mo ang aiyong whisky smile! haha

chokie, haha. oo, ayun lng sa baba ung mga nauna kong pinost na pics, kaya obvious na ko haha, ayy naku, sa totoo lng tamad ako mglakada, napipilitan lng ako pag yang mga yan kasama ko. hehe


olyabut, hahah. nagpahula pa ko, halata din naman pala. haha. o see, bagong bago ung whisky smile, parang baliw lng. hahahah

{ kikilabotz } at: April 6, 2010 at 3:59 AM said...

bkit wala yung comment ko dito! bkir wala bkit wala! wala wala! ahehehe..

sayang ang haba ata nun eh.

ahehe
cg huhulaan ko yung nakaitim ka. ahahaha. hindi halata promise. apir

{ darklady } at: April 6, 2010 at 5:24 AM said...

hehehe..kitams late ako nakapag comment ulit..kasi hindi ako nakabantay nitong araw na to sa blog dahil ako ay lumarga!! naghanap ng mahahanap..^_^ hehehe...

{ KESO } at: April 6, 2010 at 5:25 AM said...

kikilabots,e kase di k naman daw ngkoment kaya wala wala wala. haha.

ayy ako b yung nakaitim? pano mo nahulaan!! ang galing mo! ahhahahahahaha. -baliw baliwan. hahahah

{ Glampinoy } at: April 6, 2010 at 7:27 AM said...

Ang sasaya ninyo kainggit...

{ akhet } at: April 6, 2010 at 7:31 AM said...

hehehe...padaan ulit...
black din ung hula ko eh...
whisky...nyahaha
ang kulit...

{ KESO } at: April 6, 2010 at 7:46 AM said...

darkkk, hahah.at anong hinanap mo? ok lng, ikw naman ang base e haha

glam, hehe, salamat po sa dalaw. :))


akhet, haluuu akhet, sa totoo lng hndi ako ung nkblak, ako lng ung ngpiktyur hehe, biro lng, thanks sa koment. :))

{ KESO } at: April 6, 2010 at 7:46 AM said...

darkkk, hahah.at anong hinanap mo? ok lng, ikw naman ang base e haha

glam, hehe, salamat po sa dalaw. :))


akhet, haluuu akhet, sa totoo lng hndi ako ung nkblak, ako lng ung ngpiktyur hehe, biro lng, thanks sa koment. :))

{ choknat } at: April 6, 2010 at 7:50 AM said...

ang topak kaya ng blogger, nangingidnap ng comment. hehe