book two.


ilang gabi na din sumakit ang ulo ko kakaisip, ilang araw na din akong patagong umiiyak sa cr namin. emo noh? haha. naisipan ko na din mag eyeliner at takpan ang mata ko ng bangs. kinarir talaga ang pagiging emo?! kaso di bagay saken so di ko na tinuloy..



march 27 nagsimula ang lahat ng ito,biglang lumitaw itong babaeng ito at nagbanta ng kung anu-ano. natakot sila, lalo na ang tatay ko dahil akala niya di ko pa alam ang tungkol dito. ang daming nangyari, hindi ko na iisa isahin. masyado lang kayong maguguluhan.

noong una tatawa tawa pa ko, di ko lang kase akalain na bago pa to nangyari...hmmm, a week before kase bago magparamdam itong babaeng ito, iniisip isip ko pa yung about dito. weird lang, matagal tagal ko na kaseng di to naiisip pero bakit biglang lagi na lang pumapasok sa isip ko then boom! may mangyayari pala na ganito. weird ni god. parang hinanda niya muna ko bago isabak sa gera. :))



pero muntik muntikan na kong sumuko, muntikan lang!! ikaw banaman ang makatanggap ng letter from dswd.pinapapunta ako sa tanggapan nila sa may munisipyo at kasama daw ang tatay ko. hindi ko lang akalain na ang o.a na nila!! at hindi ko na magets ang ang nangyayari. april 7 ng gabi ko natanggap ang letter, binigay ng aming baranggay tanod, imbitasyon daw. kinabahan ako syempre, shit db. shit!
! sabi ko,

bakit dswd!? menor de edad ba ko?


so ayun, hindi din alam nung baranggay kung bakit. pati siya ay naguguluhan. ang alam lang naman daw niyang pakay ng babaeng iyon ay makilala lamang siya bilang ina. tapos ang usapan!


sabi ko,


db nagusap na kami sa may baranggay hall!?


ngunit nagkagulo naman daw kaya daw hindi daw sapat ang usapang naganap.


pakiramdam ko, di ko na kakayanin. pabigat na ng pabigat ang script na binigay saken ni god. shit! buti sana kung kumpleto ang pamilya ko siguro hindi nagiging ganito, pero wala e. kami lang ng tatay ko ngayon. ayokong ipakita na di ko na kaya, mas mahina loob non , ayokong pakitaan na pati ako nanlulumo na...


dinial ko ang telephone no. ng tita ko,


tita, samahan mo ko, puntahan na natin. may letter na kong natanggap o, ayoko namang pumunta pa sa munisipyo. ang dyahe!!

e di pumayag naman ang tita ko, pumunta kami sa bahay ng tito ko. doon kasi ngsstay yung babaeng iyon, bale kapatid kase siya ng asawa ng tito ko. yung tito ko kapatid ng mama ko ngayon. parang pitumput-pitong puting pating?nagets mo?


di ko na sinama ang tatay ko sa pagpunta dun, alam kong mainitin ang ulo kaya di na dapat sinasama. pero ang kulit kulit, gustong sumama. pinandilatan ko nga ng mata. natakot naman. hahahahaha! lalo siguro kung tinirikan ko pa ng mata, di na lalo yun makakapalag. haha ang korni!

so ayun, pagdating sa bahay ng tito ko, oh my.. yung tita kong kasama ko naman ang nakipagdakdakan sa babaeng yon! shit! kala ko behave lang din siya. di pala. inawat tuloy siya ng tito ko. grabe na itech! so paikliin ko na lang ang kwento, pinataas kami ng babaeng yun at pinagusap sa kwarto. hayy, naniniwala naman ako na ang babaeng yun ang nanay ko e, so ayun, usap usap. di daw nya ko iniwan blah blah blah.. hayy. naniwala ako. lahat ng tanong ko, tinanong ko na. yun na siguro ang tinakdang panahon para mawala na ang agam agam sa puso ko. masaya na siya sa buhay niya ngayon, di na naman daw niya ko kukunin nagpakilala lamang daw siya, dahil darating naman daw ang panahon na hahanapin ko din siya, at para malaman ko din daw na may tunay na nanay ako, kung sakali man gusto kong magbakasyon sa kanya ay very welcome ako... pinakita niya ang picture ng aking mga kapatid. dalawa na ang naging anak niya sa asawa niya ngayon. si jah yung isa. babae din. kamukha ko! ampp. ayoko man aminin pero kamukha ko din pala ang nanay ko. ang puti niya lang. .


ang ending, hinug nya ko. niyaya niya ko mgbakasyon this may sa palawan. gustuhin ko man pero hindi pa pwede.. hindi pa sa ngayon. ayokong masaktan ang mga tinuring kong tunay na pamilya....


flight niya na din pala pabalik ng palawan kinabukasan. hindi na daw siya babalik dito... hindi ko din alam kung kelan ang susunod naming pagkikita..


bumaba kami, nagpaalaam na ko na uuwi na, alas onse na kase ng gabi , hinatid niya kami ng tita ko hanggang sa gate... end.


pakiramdam ko natapos na din sa wakas ang book one ng buhay ko,at sa ngayon di ko alam kung paano ko sisimulan ang

26 sabi nila.:

{ choknat } at: April 9, 2010 at 7:54 AM said...

usap lang yata talaga ang kelangan. hmmm.. anu pa lang naramdaman mo nung sabihin nyang di na sya babalik? tanong lang. hehe

{ KESO } at: April 9, 2010 at 7:58 AM said...

medyo nasad ako. tsk. medyo kase nung una di ko naman siya pnpkinggan tska medyo naging bastos ako.hayy. siguro.. di ko alam, madami png pwdeng mngyari, pwedeng ako na lang pumunta don or babalik siya dito. haha. di ko lam. hay

{ olyabut } at: April 9, 2010 at 8:19 AM said...

"e di pumayag naman ang tita ko, pumunta kami sa bahay ng tito ko. doon kasi ngsstay yung babaeng iyon, bale kapatid kase siya ng asawa ng tito ko. yung tito ko kapatid ng mama ko ngayon. parang pitumput-pitong puting pating?nagets mo?"
- naguluhan ako dito, haha. ilang ulit ko syang binasa, kelangan ko ata ng diagram =p
well, at least, kahit papaano e medyo ok na. Wag mo munang masyadong isipin ung book 2 mo. Maging masaya na lang tayo na kahit papaano e naayos ng onti itong pangyayari sa iyong adventurous life. =p

{ caloy } at: April 9, 2010 at 9:09 AM said...

naks naman! mala-telenobela pala ang buhay mo. ang galing! hahahaha! pero at least your okay now. :) isama mo ko sa bakasyon ah? :))

{ Jepoy } at: April 9, 2010 at 10:12 AM said...

Atleast okay okay ka na! ayaw mo nun dami nag mamahal sayo... hihihi

{ kayedee } at: April 9, 2010 at 11:05 AM said...

bgo ang lahat *hugz*.... hmmmm.. kaya mo yan lil sis!! tama dahn dahan lang.. s ngyun ok na nkilala u ang nanay u. cmulan nyu s communication en from der puso nyu na ang maglalapit s inyu s isat isa.. e teka nkha u b ang cp no? hehhe. basta pray lng ha! *hugz* uli :)

{ definella } at: April 9, 2010 at 11:14 AM said...

panu yung bakasy0n sa palawan? pwdeng ako nlang ipadala mu dun? =)) pero ayos na din, dahil ok ok na kayo ng nanay m0 :)

{ BatangGala } at: April 9, 2010 at 4:45 PM said...

buti naman nagkalinawan na kahit papano. I hope matapos na po yan ng tuluyan para maka-live happily ever after na kayo. :D and i know, matatapos rin po yan sa tamang panahon... konting higpit lang po ng kapit kay God! ingat! =)

{ roanne } at: April 9, 2010 at 6:38 PM said...

tignan mo nalang yung effort ng nanay mo na hanapin ka, masakit sa magulang mawalan ng anak, (naranasan na kasi namin madugo-dugo gang nung araw kaya alam ko kung paano umiyak ang magulang sa mga nawawalang anak) anyway, try to reach out to her, although fresh pa lahat ng sakit ngayon pero I know in time magagawa mo rin patawarin ung nanay mo... mag-usap kayo and patch the lost bonding that could have been a priceless memories... there's no harm in trying... habang may panahon pa... at least now... wala ng missing link sa pagkatao mo... God Bless Keso! :)

{ Stone-Cold Angel } at: April 9, 2010 at 7:54 PM said...

Nakilala mo din pala ang Nanay mo. Parang pelikula lang. Di ko alm kun ano sasabihin pero goodluck and congratulations!

Napadaan lang. =)

{ darklady } at: April 9, 2010 at 8:39 PM said...

palawan? hmmm...sarap magbakasyon, pag isipan mo muna..hihihihi..

Isang malaking pangyayari to sa buhay mo te. Pero ayos na rin at nalilinawan ka na sa lahat.

{ Arvin U. de la Peña } at: April 9, 2010 at 11:50 PM said...

next year ka na lang magbakasyon sa palawan..

{ kikilabotz } at: April 10, 2010 at 1:02 AM said...

uhmm edi naramdaman m n ngayong yung lukso ng dugo? :d.. hehe. balang araw dadating k rin sa point at mauunawaan mo ang lahat. apir keso. paano sisimulan ang book two? uhmm simulan m sa akin. wahahahaha. apir

{ saul krisna } at: April 10, 2010 at 1:34 AM said...

hala.... napatulala ako sa nabasa ko.... ang haba kasi tapos punong puno ng details parang nag babasa lang ako ng pocketbook.... easy ka lang sis

{ an_indecent_mind } at: April 10, 2010 at 1:35 AM said...

hhuuuugggsssss....

huwaw! palawan!!! sama ako jan keso!!! hehe!

{ KESO } at: April 10, 2010 at 4:18 AM said...

oly, haha khit ako mahina sa pag intindi ng ganyan, ex. tito ng lola mo na pinsan ng tita mo na inaanak mo pala? oh my gas! math na lang math na lang! hehe.
ahm,thankful din naman ako khit papano dhil di na lumala ung sitwasyon. :)



caloy,haha. yeahh ok na din sa wakas. artistahin pala ko kase pangtelenobela ang story ko. lol.
haha, sige isasama kita, alis na tayo bukas! haha!


jepoy, hahahah. ang saya nga e. hahahah. ano dw.



ate kaye, aun nga po, di ko nakuha ang no., pati no. ko di nila alam kase nagpalit ako ng no. tsk. medyo ngkakahiyaan p kase, lam mo un. tsk.


definella, haha. ok sige kw n lng pmunta don haha. tapos sunod n lng ako. lol. ayun, medyo ok na din. sa wakas.. :)




batanggala, sana naman this time, gandahan na ni god ung story ng book two ko. salamat batnggala, ingat din. thank u thank u. :)



ate roanne, thank u ate roanne, siguro wg muna ngayon, ahm, parang di pa ko nkkrecover sa mga ngyari, ang bilis, parang .. wala, ang bilis tlga ng mga pngyayari. and, ung mga tinuring kong family, msasaktan sila, kaya wag muna ngayon.. aun. ang hirap magisip sa ngayon.. pero alam ko,di nman ako papabayaan ni god.. godbless din ate. thank u thank u, :)

{ KESO } at: April 10, 2010 at 4:26 AM said...

stone cold, thank u sa pgdaan and thank u sa koment. haha. naalala ko si stone cold steve austin sayo. haha.



dark, haha. teka, napaisip ako bgla.sige, pgiisipan ko ang offer.haha.

sa totoo lng, medyo malabo pa din pero ayos ayos na din khit papano.



arvin, bkit nxt yr? hehe


kikilabots.hahahaha, ok sige. sisimulan ko sayo. waah. pano ba haha! apirr haha


saul, ngbbsa ka ng pcketbooks? hehe, oo nman chill lng ako. ako pa. tenkyu sa pgdalaw bro. :))



abny, hahah. tara! bkit di kita mrmdaman nitong nakaarang araw?

{ Rah } at: April 12, 2010 at 9:21 AM said...

I am very happy for you. I'm sure marami ka pang tanong para sa kanya. I am sure na balang araw ay lilinaw pa lalo ang lahat. Turning point ito sa buhay. Kung ako ang nawawalan ng ina, hahanapin ko din siguro siya. Malaking bagay to. and i know it can only get better.

{ glentot } at: April 12, 2010 at 11:46 AM said...

Nakakalungkot naman itong episode na ito sa book 1 mo, pero at least setteled ka na (emotionally). Tama ang nanay mo, one day hahanapin mo rin sya, at hahanapin ka rin nya kasi anak ka nya... Hindi mo kailangan gumawang big decisions, it's just good to know na may tunay na nanay ka somewhere in Palawan...

Stay strong!

{ Jam } at: April 12, 2010 at 11:44 PM said...

Mahirap magsalita lalo na kung wala na ako sa sitwasyon mo pero base saking opinyon maganda na hangga't may time pa na nagkakilala kayo db? pano kung wala db mas msakit yun....at happy ako na tinanggap mo na sya, alam kong lito ka pa rin at this moment pero sooner or later magiging noraml din ang lhat at yan e base na lng sa iyong pagtingin..okey po..napahaba tuloy sinabi ko..Ingat..npadaan lng.

{ KESO } at: April 13, 2010 at 6:29 AM said...

rah,glen and jam. thank you po sa pagcomment. medyo lito pa ko right now. pro thankful na din dahil at least, nakilala ko na din. thanks thanks. :))

{ KESO } at: April 13, 2010 at 6:30 AM said...

thank you blogger friends. :))

{ pusang kalye } at: April 13, 2010 at 10:23 PM said...

naku---true to life ba ito? ang gulo. pang MMK. hope happy ending talaga to. ang masasabi ko lang----be tough if life asks you to be one or else you'll break~~~~

{ tim } at: April 14, 2010 at 7:09 AM said...

open onversation pwede talaga..

{ Renz } at: April 14, 2010 at 10:41 PM said...

namamangha ako sa storya ng buhay mo as in manghang mangha ako.

at lalo akong namamangha sayo kasi ang tapang mo.

{ Sendo } at: April 15, 2010 at 3:52 AM said...

ayos naman....kami ng tatay ko me communication pero patago ung pagkikita namin..akala niya kasi di pa kami magkakilala ng mga ate ko..pero kilala na nila ako ...close na nga kami ng mga anak ng mga ate ko na kasing-edad ko lang...dami ko gusto itanong sa tatay ko pero nun eh nanghihingi lang talaga ako ng pera pambakasyon ng maynila..binibigay niya naman ung gusto ko..pero hindi pa kami nagkaquality time together hehe

ayos..malakas ka pa rin! ^^ maganda na yan...i believe ul get through it ^^