ako'y isang sawi.



noong isang araw, nakatanggap ako ng text message galing sa college friend ko, kay dyen. iniinvite niya ko birthday niya daw kase, so pumunta naman kami, medyo nalayuan ako kase taga-molino pa siya tapos ako silang pa?! niyakag na din daw niya ang ibang tropa tapos sabay sabay na lang daw kami pumunta. so pumunta na nga kami db, lima kami. bale kasama pa kasi ng dalawa kong friends yung mga bf nila! ok. ako lang ang walang partner. hind ako naiinggit. hinde!!



pagkatapos namin sumakay sa jeep tapos red cab tapos jeep ulit tapos tricycle pa ulit, nakarating din kami sa wakas sa bahay nila.. butas na bulsa ko pamasahe pa lang. tsk.

kami lang pala ang bisita niya, haha. ang dami! pinakilala niya ang kanyang nanay tatay at ang kanyang mga kapatid na kambal. first time kasi namin makarating sa kanila. so ayun.


habang nagkakainan, ako ang napagdiskitahan ng mga bruha. bakit daw wala akong partner bakit wala akong boyfriend bakit bakit bakit. sabi ko naman..


hala! hindi ko kailangan. :)

at sadyang makukulit ang mga bruhilda, may irereto daw sila saken tapos sabi naman nung isa mamili na lang daw ako sa kapatid ni dyen, yung kambal..tapos ewan ko sa kanila! pinagttripan nila ko. iniba ko na lang ang usapan dahil pakiramdam ko ay nasa hot seat ako.


nanahimik na lang ako at nagsimulang magbalik tanaw sa nakaraan.......(nagdrama!)



yung last relationship ko ay august 2008 pa. matagal tagal na din, naka two boyfriends na ko, yung una third year hs pa ko 2006 pa. ang tagal tagal na. bwahahaha. mantakin mo yun, tapos hanggang ngayon inlababo pa ko doon. shit. pero sa ngayon, feeling ko hind na. hindi na ko inlab dun, may babe na siya dapat ng kalimutan at sana lang wag niya na kong tawag tawagan dahil nahihirapan ako. tsk. haha, anyway, sa ngayon, hindi ko pa naman kailangan talaga ng boyprengg.




unang una. kuntento na ko sa kasiyahang naidudulot ng aking mga kaibigan.
pangalawa. nasa bahay lng ako palagi, dahil strikto nga ang aking tatay, mahihirapan lang ako maghanap ng excuse pag makikipagdate ako db? mahirap yung sitwasyon. pahirapan pa sa pagtakas.
pangatlo. bawal pa talaga. lagot ako pag nahuli ako!
pang-apat. ewan ko lang kung makakatagal ang lalaki sa patagong relasyon.
pang lima. hindi ko ineentertain pag hindi naman ako gaano kilala nung nanliligaw. i mean, pag nakita lang ako o pinakilala lang kami sa isa't isa. mas gusto ko, magugustuhan ako dahil sa ugali ko at hindi sa itsura ko. basta gusto ko yung matagal ko ng kakilala. kase ayoko masaktan bandang huli, ayokong bigla silang maturn off kung kelan nsa kalagitnaan na kami ng relasyon! childish kase ako e, di lang halata. tsaka mukha lang akong mahinhin pero hindi e!basta hindi ako ideal girlfriend. aminado ako. so ayun.


hindi naman hinahanap yan, may tamang panahon like sunny, rainy or windy day? may tamang oras like umaga ba, tanghali, meryenda time o dinner time, may tamang lugar like sa school sa palengke or sa mall.. in short, may nakatakda naman sa bawat isa sa atin,may nakatakda na ding panahon kung kelan, dadating at dadating yan, wag hanapin at wag ipilit magkaboypreng o gerlpreng lalo na't katorse ka pa lang! sige ka, hala ka.



so ayun lang ho ang aking pananaw sa peg ebeg. bow.

20 sabi nila.:

{ kcatwoman } at: April 15, 2010 at 12:31 AM said...

hello parehas tayo, ang masaya sa pgiging single yung walang iniintindi. sa totoo lang , were not miserable, we are also happy :) tsaka nakakainis nga pag nirereto ka nila sa kung sino sino. good luck in life girl!

kcatwoman
ldspinay
bestpinay

{ choknat } at: April 15, 2010 at 12:46 AM said...

same here! apir! haha

*all the single ladies! all the single ladies!* wehehe

{ darklady } at: April 15, 2010 at 1:06 AM said...

May sayawan ba dito? hehehe. nakikita ko si choknat sumasayaw ng single ladies oh!! hehehe..

Same tayo girl.Yan din yung dahilan ko dati kaya hindi ako nag boboyfriend. Bahay lang din kasi ako tapos medyo strict din mom ko lalo na ate ko. AYoko ng patagong relasyon nahihirapan ako at takot din ako. tapos yung mga nanliligaw( naks mga talaga ah! hindi pala mga kasi bilang lang yung nanliligaw noon.hehe) mga mukhang nang eetchos lang, meaning wala sa puso nila yung panliligaw. Nasulyapan ka lang sasabihin mahal ka na nya.Parang mga hibang lang at nagayuma diba?

Kaya talagang wala din ako naging bf nun,kahit nung highschool. Kaya madalas ako tuksuhin na magiging madre daw ako. Well wala naman sakin yun kasi masaya naman ako sa buhay single ko. At nanalig talaga ako na balang araw dadating ang aking prince charming.naks! hehehe

At hindi nga ako nagkamali, dumating na sya. At masasabi ko na wala akong pinagsisihan na kahit matagal ako naghintay kasi naging super saya ko naman.^_^

Ayun e.napakwento na naman ako.hihihi..

Nice post keso!! ^_^

{ olyabut } at: April 15, 2010 at 1:49 AM said...

kala ko "All Lassenga ladies" haha.
Haha, tama, may tamang panahon para sa ganyang mga bagay, huwag magpapressure! =p

{ kikilabotz } at: April 15, 2010 at 2:25 AM said...

kasi kasi naghahanap hanap pa sa malayo eh. andito naman ako. ahaha

{ Jepoy } at: April 15, 2010 at 3:15 AM said...

keso i like ur attitude in finding ur nxt boy toy...

Darating din yan when you least expect it basta hindi ka paiiyakin at faithful sayo genuinely, extinct na kasi ang faithful guys ngayon, konti nalang kame

{ Sendo } at: April 15, 2010 at 3:43 AM said...

haha! no girlfriend since birth ako! haha....ok nga eh na walang iniisip at walang inaalala---pero graduate nako at tingin ko kelangan ko ng maghanap! haha ^^ inde naman strict parents ko eh hehe

{ an_indecent_mind } at: April 15, 2010 at 4:41 AM said...

hindi pa din ako nagka bf since birth... weirddd.... lol

{ KESO } at: April 15, 2010 at 5:23 AM said...

hi catwoman! salamat sa komento at pgdalaw sa aking bahay hoho. tama, nakakainis tlga pg nirereto ka kung kani kanino, marunong pa sayo e noh haha. goodluck din and god bless! :))



ate chokie, naks. ikaw din pala ay single, tara kain na lang tayo ng lugaw! yung mukhang oat meal? hehe


dark, teka teka ano yung *mga manliligaw*. ayieee. ahhaha,

tama, mukang mga mangeetchos lang, di din kasi ako naniniwala sa love at first sight kaya di din ako madaling mauto ng mga yan. hehe, at masaya ako para sayo dhil natagpuan mo na siya,sana siya na nga tlga at mgtagal kayo. goodluck and godbless. nakss. teka, first bf mo b sya?




oly, haha, lagot ka kay chokie, lasengga pala ah, haha. lol.



kikilabots, haha, ang layo mo kasi e, puntahan mo kaya ako dito hahahahaha.


jepoy,haha naks.di ko kinaya yung huling line.
--konti nalang kame--.

sana makatagpo ako ng mga katulad niyo, at matagpuan mo na din sana ang para sayo. naks. ingat.



sendo, ngsb ka? weh? parang si Ivan Dorschner ng pbb, ngsb din. hehe. naku di naman pala strict ang parents mo e kaya madami kang time for that. go ka na! hahaha. goodluck sa iyong lovelife. naks!



abny sabaw! haha, ako naman di pa ngkkgf.. weirdd din. haha. try ko nga mnsan mag ka gf naman lol.

{ glentot } at: April 15, 2010 at 2:34 PM said...

Haha sarap bang maging sawi buti na lang graduate ako jan as of the moment...

{ darklady } at: April 15, 2010 at 5:40 PM said...

uu nga e..hahahaha..yep first bf ko sya!! ayeeeeee!!!!! ^_^ tsalamat!!!

{ definella } at: April 15, 2010 at 6:52 PM said...

Single
At
Walang
Iniintindi


tama tama..

2008 din yung last relati0nship ko,
kaw ata yun gelpren ko nun keso ah, ahaha :)

aftr nun, di na ko tumanggap ng panibago..

2years ko na di napopron0unce ang i-love-you :/

puro emyu emyu na lang.

at ngay0n..


solid single na talaga..

{ definella } at: April 15, 2010 at 6:53 PM said...

Single
At
Walang
Iniintindi


tama tama..

2008 din yung last relati0nship ko,
kaw ata yun gelpren ko nun keso ah, ahaha :)

aftr nun, di na ko tumanggap ng panibago..

2years ko na di napopron0unce ang i-love-you :/

puro emyu emyu na lang.

at ngay0n..


solid single na talaga..

{ definella } at: April 15, 2010 at 6:55 PM said...

share ko lan..

:)

Ang
pagiging
"single"
ay NAPAKASARAP

walang
problema

walang
sakit
sa ulo

hindi ka
obligadong
magtext o
tumawag

higit sa
lahat,
hawak
mo
oras
mo


kaya napakasarap talga maging single,



MASARAP ha,

hindi ko sinabi na..


MASAYA! (+_-)

{ BatangGala } at: April 15, 2010 at 8:33 PM said...

ang tanging mai-kokoment ko lang ay...

kowrek!!

agri ako dito. ewan ko nga ba kung bakit nagmamadali ang mga taong magkaron ng mga kainlaban...hmmm...nice post!

:)

{ roanne } at: April 16, 2010 at 8:29 PM said...

count me in! SAWI!!!! LOL!!!!

darating din yan in the most unexpected moment of your life. hindi naman yan minamadali at mas lalong wag pilitin!

MABUHAY ang mga SAWI!

(natawa ko sa comment ni AIM! adik ka talaga!)

{ KESO } at: April 16, 2010 at 9:26 PM said...

glen,in a relationshipo k ngayon? naks. hehe


dark, np. pers boyfie mo pala. goodluck po. hehe

definella, haha! ok na sana, may pahabol lang..

masarap pero di masaya. tsk.


batanggala, mga excited kasi at yun daw ang in' ngayon. haha. pansin ko lang puro girls ang ngkokoment hehe


roanne, MABUHAY!!! haha. kala ko hndi ka na mkkpgbloghop.

{ roanne } at: April 16, 2010 at 9:30 PM said...

saturday ngyon e... bloghopping day :)

{ leizlmarie } at: April 18, 2010 at 1:51 AM said...

natatawa ung nkakarelate gaya ko.. hehe.. member din pala ako ng SAWI.. wheeew..

{ kayedee } at: April 18, 2010 at 10:47 PM said...

lil sis! wg k ng nang aanu jan!! jan nmn c mahlbz kikilabotz q! my nurse kana my mukhang engot n kyut k png bf!! ahahha... la lang! nmiz q 2 e! hehhe..