wag ka ng manggulo. masaya na ko.

nagiging iritable na siya, animo'y may iniisip na kung ano na matinding bumabagabag sa kanya. palakad lakad at kung minsan ay mapapansing nakaupo sa terasa, malayo ang tingin na sinasabayan ng mabibigat na buntong hininga..

hindi na din ako mapakali, gusto kong magtanong ng kung ano na ba talagang nangyayari. nakalimutan ko, kanina pa nga pala ako tanong ng tanong, ngunit paliko liko ang sinasabi mo. napapansin kong paiba iba ang nagiging takbo ng istorya. tatahimik na lang ako. napatunayan kong ayaw mo lang talaga ipaalam ang tunay na nangyayari..


lingid sa kaalaman mo, alam ko na naman ang lahat. napagtanto ko ang sobrang pagmamahal mo sa akin, itinuring mo akong tunay. salamat pa. pero hanggang kailan tayo maglolokohan, kelan mo aaminin sa akin.

at ngayon, alam kong patungkol dito ang tinatago mo, na patungkol dito ang pinoproblema mo ngayon. nahihirapan ako. ayaw mo magsalita. pilit mo pa ding tinatago. tanggap ko na naman ang lahat pa, kung iniisip mong may magbabago, wala. walang magbabago. kayo pa din ang tatay ko, kahit anong mangyari.





ilang araw ko na itong iniisip,hindi ko lang akalain na kay tagal tagal ko ng di iniisip ang tungkol dito ngunit patuloy na may nagpapaalala.tadhana. hindi ko lang din lubos na akalain na darating ang panahon na mamomoroblema ulit kayo patungkol dito.

matagal ko na itong nilimot, hindi na luha kundi ngiti na lang ang naipapakita ko sa mga taong napapagkwentuhan ko tungkol dito. ngiti dahil alam kong kahit ganito, maswerte pa din ako. hindi niyo ako itinuring na iba. kung tutuusin mas nakakalamang pa ako sa tunay. itinuring akong bunso ng pamilya kahit pa ang tunay na bunso naman ay si ate.

--------------------


hindi ko alam kung bakit nangyayari na ngayon, hindi pa ako handa.hindi ko pa alam ang gagawin ko sa ngayon. hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung makikita ko siya ng harapan. ang dami kong tanong ngunit ayoko ng itanong, alam kong masasaktan kayo kung makikita niyong naging interesado akong malaman ang lahat.wala lang naman.gusto ko lang malaman. mabuo lang sana buong pagkatao ko. yun lang. yun lang naman ang gusto kong malaman. huwag niyo lang msyadong tinatago ang lahat.


at alam ko, nanggugulo na naman siya, alam ko tinatakot na naman kayo, at natakot naman kayo, dahil akala niyo hindi ko pa din alam. matagal ng sinabi ni mama to, imbes na malaman ko pa daw sa iba sasabihin niya na lang. nakakainis lang pa', alam ko na naman e, nililihim niyo pa. tapos ngayon pinagbabawalan niyo ako lumabas ng bahay. parang ang o. a na, malalaman at malalaman ko naman yan e, at kung pipilitin niya kong sumama sa kanya, hindi ako sasama. magkamatayan na.


at para sayo, naiinis na ko. naiinis ako dahil tinatakot mo ang papa ko. ano bang gusto mo. bakit bumabalik ka na naman. at kung tatanungin mo ko kung sasama ako sayo.


hinding hindi.


gusto mo na naman magpadagdag ng bayad.

------
nakakabadtrip na e. tsk.


---
heto yung part one .



14 sabi nila.:

{ Arvin U. de la Peña } at: March 27, 2010 at 6:47 AM said...

happy earth hour..

{ an_indecent_mind } at: March 27, 2010 at 6:53 AM said...

hugs lang ako keso.... I SEE YOU

{ Renz } at: March 27, 2010 at 7:41 AM said...

naguguluhan ako? waaa?

{ choknat } at: March 27, 2010 at 8:39 AM said...

baka gusto ka lang makita.. kahit saglit.

{ kayedee } at: March 27, 2010 at 10:46 AM said...

hasus my part two.. xge w8 q muna ang part 2 bgo mag comment..(hnd pb comment e2?) hehhhe. trip q lng nyaaha

{ Random Student } at: March 27, 2010 at 12:38 PM said...

wow may ganyan pala talaga? at least di ka na nalilito. at least sure ka na sa stand mo.

{ darklady } at: March 27, 2010 at 6:06 PM said...

Nakakagulat malaman ang ganyang bagay pero ang dapat mo pa din ipagpasalamat ay nasabi nila sayo ang totoo. At least may alam ka na sa pagkatao mo isa pa hindi naman diba nabawasan pagmamahal nila sayo?

Ang pinaka importante sa lahat ay yung pagmamahal na binibigay nila sayo,kahit ampon ka lang tinuring ka pa rin nilang isang tunay na anak at isang tunay na kapatid ng mga kapatid mo. Isa pa hindi lang din sila ang nagmamahal sayo at handang dumamay, kaming mga pamilya mo din sa blog na patuloy na nakikinig sa mga saloobin mo. ^_^

Go lang sister!!

{ KESO } at: March 27, 2010 at 7:06 PM said...

arvin. nakalimutan namin mgpatay ng kuryente. hihi. bka mamayang gabi n lng kmi mgdiwang earth hour hahahahaha. lol



abnyy, thank you. ok lng ako.ok na ko :)

renz. oh. san ka naguguluhan? naguguluhan o di ka lang makapaniwala, o bka sadyang magulo lng tlga ko mgkwento.hehe


choknat, hayy. yun nga siguro.hndi ko din alam. kung gusto niya ko makita, bkit pa. nakokonsensya na sguro siya sa ginawa niya.



kayedee, ate kaye, yan na po ung part two. hihi



random. hndi ko maiiwan ang nakagisnan kong pamilya,khit ano png mngyari, ang drama ng buhay ko pang mmk. haha. thank u sa pgbisita.




darklady, hayy, super thankful tlga ako na sila ang nging pamilya ko, wla n kong msbi sa pgmmhal nila saken, tsk. ayoko tlga mgdrama ngayon, sbi ko nga sa sarili ko ayoko na ng emo entries sa blog ko. haha. thank you po at nandyan kayo.



thank you bloggers ! :)

{ kikilabotz } at: March 27, 2010 at 7:23 PM said...

hmmmm. naku naku alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon. uhmmm buti nga at tanggap m na. uhm ganito lang yan eh mahirap lagpasan ang bawat prblema pero im sure kapag hindi m n kaya. d2 kmi ready tumolong sayo. pahug nga keso.. manong k ng manong kokonyatan kita eh

{ KESO } at: March 27, 2010 at 9:44 PM said...

uyyy salamat manong ah. ay este marvin. marvin name mo db? hahahaha. ah bsta, mdyo ngkakaproblema nga ko ngayon pero yakang yaka pa, ako pa. pero thank you po. :)

{ olyabut } at: March 27, 2010 at 10:57 PM said...

Keep the faith! Be strong, lilipas din yan, and it will make you a better and stronger person. ^__^

{ KESO } at: March 27, 2010 at 11:57 PM said...

olyabut, thanks te. kaya ko to. :)

{ DRAKE } at: March 29, 2010 at 4:05 AM said...

Alam mo natatakot lang talaga ang PAPA mo dahil mahal na mahal ka nya at ayaw ka nyang mawala ka sa kanya kung malaman mo ang totoo. Ngayon, dapat ikaw na ang gumawa ng move to talk to your dad and tell him how much you love him. At iassure na kahit anong mangyayari you'll always be his bunso. Help your father and help yourself as well. Maging open ka sa kanya at i-assure sya na mahal na mahal mo din sya.

At para sa totoo mong tatay, bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag. Sa huli nasa iyo pa rin naman ang desisyon kung papaniwalaan mo yun o hindi. Basta huwag mong iwasan ang katotohanan dahil ang katotoohanan ang magpapalaya sa iyo.

Hindi ka makukumpleto kung hindi mo hinahanap ang mga piraso ng sarili mo. Kung tingin mo hindi mo nakailangan hanapin iyon, mamuhay at iwasang isipin pa ang mga pirasong nawawala.

You deserve to know truth, and the truth will set you free.

Di mo man ako personal na kilala pero naiintidihan kita.

Ingat

{ KESO } at: March 29, 2010 at 5:43 AM said...

salamat po kuya drake, medyo naguguluhan lang ako sa ngyayari sa ngayon, naiinis na ko sa nangyayari, ayoko ng mgtanong about dun dahil nsasaktan lang ako at gusto ko n lng klimutan ang lahat, pero may parte ng utak at puso ko na gusto ko pa din palang malaman ang lahat, sguro nga kailangan ko n din makausap ung tunay para matahimik n din ako. :(
kuya thank u po, somehow mdyo nktulong po ung koment niyo.