tropa tayo di ba?


ganon ba talaga? pag may bago, ang luma hindi na pinapansin. ganon lang ba yon? sa simula lang kayo magaling.



naalala ko pa yung paglobo ng sipon mo nung graduation dahil sa sobrang pag iyak, ang mga hagulgol na parang hindi na tayo magkikita kita, ang mga yakapang animo'y masasabing kahuli hulihan na. ang bilis niyo naman makalimot. ah okay. ganon lang pala iyon.


ang sarap lang balikan, close na close tayo non, tropa tropa, kasama sa kalokohan, kasama sa tawanan, alam mo yung tawang parang wala ng bukas, kitang kita mo pa ang ngala ngala ko non habang humahagalpak ng tawa kase naman naging saksi ako sa paglobo ng sipon mo habang nasa moment tayo ng pageemowt. perfect balloon.

alam mo din na ako din ang numero unong fan mo sa boses mong, ah.. wala wala. boses mong maganda. fan mong binabalahura ka at harapang nilalait pero oks pa din, masaya pa din tayo.

hindi mo na inisip na ako din minsan ang naging look out mo sa labas ng c.r habang tumatae ka sa loob. taga amoy ng pwet mo kung dumikit ang amoy ng tae. shit, pati pagsilip sa ilong mo kung may kulangot, gawain ko din. hindi ka na nahiya saken.

tapos ngayon, simpleng pangangamusta? nasaan na?

oo,kami lang naman ang mabababaw na highschool friends mo, sana lang hanggang huli andyan pa din ang cool college friends mo.

hindi naman ako possessive na tao, alam ko namang darating ang panahon, may darating at may makikilala pa tayong bago? pero ganoon ba yon? pag may bago na, wala na si luma. kumbaga sa text ,kulang na lang sabihin mong hu u? tapos magrereply ako, tipong 'hulaan mo muna', tapos ang daming sinabing pangalan, pero bandang huli wala ka pa din sa mga nabanggit..



parang natabunan na yata ako, nasa sent items na lang akong patapon, pakicheck na lang ang archives, baka maalala mo pa ako...

pero kahit ganon, tandaan mo. talikuran ka man ng mga bago, andito pa din si luma.


sana lang di mo nakalimutan..

15 sabi nila.:

{ gege } at: March 20, 2010 at 4:49 AM said...

hay keso...
guilty ako dito.
madalas kasi ako mang indian sa mga HS friends ko.
eeeeeeeeeee.
pero mahal ko sila!
walang point ang comparison ng HS at college.
magkaiba eeee...

pero!

yun lang, babawi rin ako sa kanila.

eeeeeeeeeee.
sori.
:(

hi keso!

salamat sa palagiang pagbisita!!!

Godbless!

^ - ^

{ Renz } at: March 20, 2010 at 6:13 AM said...

so true..siguro dahil na din sa time and separation kaya nagkakaganun..

{ olyabut } at: March 20, 2010 at 6:54 AM said...

awts!
People grow and people change.
Bakit nga ganun ano? ung mga taong close sau, ung tipong pati kung ilan ung nunal nya sa katawan alam mo, magugulat ka na lang at one point of your life hindi mo na siya kilala. Total stranger.

{ choknat } at: March 20, 2010 at 7:07 AM said...

mahirap kasi pag dina masyadong nakakasama eh, kung sino ung madalas mong makasama dun ka na sobrang mapapalapit. laging kasama, laging kausap.

pero nakakalungkot ung ganyan...

buti naka copy ko at sya pa rin ung na paste. haha! whew! medyo nakakalimutan ko na sinabi ko eh. ahaha

{ an_indecent_mind } at: March 20, 2010 at 9:24 AM said...

oo nga! kaso ganyan ata talaga, separated to be tested... pero mas masarap pag muling nabuo, walang katapusang kwento at updates!

dont wori keso vinci, as long as mabuting kaibigan ka, di ka nila makakalimutan san man sila makarating o gaano man katagal kayo magkahiwahiwalay..

{ kayedee } at: March 20, 2010 at 10:19 AM said...

hmmm...mjo my points k jan! pero u know wat sa wento u mukhang superr close kau.. dpat hnd k nya mlilimutan ng basta basta.. kc ung mga superr frenz q never kong mlilimutan prmise! :)

{ KESO } at: March 20, 2010 at 4:50 PM said...

ate ge, hellooo. no problem po. hehe. nku, ahm siguro mgkaiba tayo ng scenario, kase siguro khit naman hindian mo sila nffeel pa din nila na andyan ka para sa kanila e yang mga yan( hs friends ), parang nakalimot na tlga, tskk. thank u din te sa lging pgbisita.:))


renz, hayy ayun nga, naninibago lang ako, dahil kahit mgkaganon man, attached pa din ako sa kanila. matira matibay ata ang labanan.


hi olyabut,ayun nga, mssbi ko ng 'total stranger' ang mga used to be super best buddies ko, nakakalungkot lang isipin na, parang ganon kami dati oh. tapos ngayon, wala na e. hu u? tsk. haha. ngddrama na naman me. haha. anyways, thank u sa pgbisita. ingat.

{ KESO } at: March 20, 2010 at 4:58 PM said...

choknat, hi ate chokie, makikichokie n din ako sayo ah. ayun, parang napapaltan na din kase, parang hs friends vs. college friends ang drama. haha. nku. nalulungkot lang ako, pero ahmm. oks laang, ganon naman ata tlga. di lang ako sanay, kse di ako tulad nila. hahaha.

hahaahaha. abnyyy. kung siya si chokie, ikaw si abnyy. ang cute. hahaha. nakuu, bhala na nga sila bsta ngayon nararamdaman kong napakabuti ko palang kaibigan khit balahura ako mnsan. haha.


kayedee, hi kayee,ayun nga po, kaya nagdaramdam ako ng bonggang bongga, kase close kung close nmaan kmi dati, pero parang wala na ngayon, kelangan ko na siguro masanay ng ganito, nagiging tampururot na naman ako. haha. ate pwwde din mkpgsuper friends? hehe. ingat.

{ kikilabotz } at: March 20, 2010 at 8:32 PM said...

manang keso. wahahaha. uhm ganito kasi yan. oo nga at masaya kayo dati at masaya sila ngayon. wahaha.ang importante masaya siya sa luma at bagong mga friends nila

kung magkataon man n hindi k nya maalala. uhmm wag masyado magworry ganun talga ang buhay. cguro busy lang. im sure naman sa kaloob looban ng puso nya eh nandun pa rin yung mga masasayang momments.

{ KESO } at: March 20, 2010 at 9:08 PM said...

manang pa ha, gumaganti ka manong ah. hahahahaha. naku, tampururot lang si keso, emo emo lang. pero ok pa din naman ako, naiintindihan ko pa rin naman ang side nila. hehe. cge manong. ingat. hahahaahaha

{ Arvin U. de la Peña } at: March 21, 2010 at 7:10 PM said...

ganun ang buhay minsan ng tao..kapag may bagong nakikilala ay hindi na pnapansin at dati lalo na at masaya sa bagong nakilala..hayaan mo na lang kung sino man iyon..ako ganun ginagawa ko..

{ ♥superjaid♥ } at: March 22, 2010 at 1:57 AM said...

aww..basta ako..para sa akin iba pa rin ang high school friends..hehehe uhmm..yung ibang friends ko medyo ganito na sila..nakakalungkot..

{ glentot } at: March 22, 2010 at 2:42 PM said...

Naku kapag nilimot ka na ibaon mo na rin sya sa limot hehehehe jk...

{ darklady } at: March 23, 2010 at 3:34 AM said...

ay naku minsan ganyan ako, suplada! hehehehe..pero kapag need nila ng tulong ko nandyan kaagad ako.

{ KESO } at: March 23, 2010 at 4:20 AM said...

arvin, ouch. hayaan n nga lng kung san sila masaya, at kung masaya sila sa pananakit ng damdamin ko, hayaan na nga. --ang drama ko hahaha. parang hndi ako. thanks sa pgdalaw arvin.


superjaid, oo para saken, iba pa din ang hs friends, kaso nkklungkot kse yung iba ngbabago na. tsk.tsk.


glen, pag napuno na ko mgkalimutan na. leche sila. hahaha. joke.


darklady, naks. suplada ka pala, pero khit ganon, andyan kp din, ang baittt. sana gnyan sila. tsk. --ngdrama na nman ako. haha.