posero ka!

unang una, mglalabas lang ako ng sama ng loob dahil konting konti na lang baka sumabog na ko. waaaah!!! at pangalawa, sisimulan ko na tong pagddrama ko at pangatlo pa pala, pasintabi na lang sa mga gagamitin kong lengwahe. tenkyo.




nakakainis na nakakairita na bakit may mga taong ganyan, hilig gumawa ng kwento, kwento ng iba ginagawa nilang sariling kwento, pati litrato ng iba ninanakaw pa. wala k bng mukha ha? nakakainis. hindi kb proud sa sarili mo? ampp. hindi lang ako makapaniwala na may ganyang mga tao, grabe mgkwento, akala mo totoo pero shyet. purong kasinungalingan lang. matagal tagal na din pala akong naloko, buti na lang. buti na lang. buti na lang usisera ako. :p


sige mglalahad ako ng konting pahapyaw lang kung pano ko nakilala yung manlolokong posero na yan. muntikan na ko dun!!!



dahil sa paglalagi ko sa aming bahay at wala naman akong ginagawa, naisipan ko idownload yung sinabi ng classmate ko dati, yung uzzap daw. for smart users lang daw yun at nakakaenjoy naman daw talaga. wala pa kong idea kung ano yun at pano. sinearch ko naman siya kay pareng google, boom. uzzap. puro chat chat eklavuu. e di tnry ko. at ayun, daming rooms, napadpad ako sa sports category, puro nba yung usapan basta puro tungkol sa sports yung pnguusapan ng mga tao dun nung napadpad ako dun. tapos nakita ko naman may university category din pala, lipat ako sa uaap room, at boom. at ang usapan naman about katrina halili, akala ko school stuffs. pero kase naman, sikat na sikat si katrina halili nung panahon na yun kaya yun ang topic dun sa room na yun, nagmasid masid lang ako hanggang may ngtanong, may link b kayo ng video nun, kase wala na sa youtube eh. at heto ako. umepal. sabi ko. ako may alam. natatandaan ko pa kase yung link na sinabi ng friend ko. tapos napako na ang atensyon saken, hinihingi nila yung link daw. ipm ko daw sa kanila, and dyaraaan. yung isa sa pinasahan ko ng link, yun yung manlolokong ogag na yun. ampp. pgkapasa ko ng link, ngtenkyu beri muchh sya at sabi eh di naman daw siya manonood nun, para sa kapatid daw niya iyon. sabi ko ''ah ahmmmkayy''. tapos add daw niya ko sa ym, sabi ko ''okkkk.'' at dun na ho nagsimula ang lahat ng kasinungalingang kay sarap sungangalin.



lintek na iyan. nung mayo pa kami naglolokohan. shyet. grabe talaga. grabe ho talaga kung alam niyo lang. hindi talaga maiisip na posero kase ..

.. magaling mgsalita. parang totoo tapos makukumbinsi ka na lang na. oo nga naman.
.. yung fs niya, madaming friends. kung sa comments pa lang, parang kilala nya talaga personally yung mga nagkokoment.
.. isa pa, yung picture na ginagamit niya di naman ganon kgwapuhan para isipin na posero talaga, syempre kung ikaw yung posero,kung pipili ka din lang ng nanakawan mo ng litrato, sa mas gwapo na lang db.
..tiningnan ko din kung anong taon pa yung fs account niya, matagal tagal na din.
.. may nakakausap akong mga kapatid niya, yung dalawang kapatid niya na babae at lalaki. nakakachat ko din sa ym. take note: may sariling ym pa ha.
.. may sariling account din sa fs at fb yung mga kapatid niya, nakakapagtaka lang, bagong gawa yung account at konti lang ang friends. nagsimula akong mgduda.

tinanong ko yung isang kapatid niya. bakit ang unti lang ng friends niyo dito. sabi niya. may personal account pa po kami. sabi ko na lang, ah okayy. may ganon?! artista ba? :))

madami pa kong nalamang kaduda duda. kaya naman ngsimula akong mghalungkat. hinalungkat ko lahat fb,fs at kung anu anong eklvuu. nagsimula akong mgresearch ng bonggang bongga. parang stalker lang. napilitan ako gumawa ng panibagong account sa fb para maiadd ko yung mga hinihinala kong may koneksyon dun sa posero na yon.kung saan saang profile ako napunta. nagsilbing clue na din yung mga pinagkekwento niya saken na kung anu anong kwento na hindi ko naman tinatanong, kwento lang siya ng kwento.basta trip niya mgkwento. gusto kong sabihin,kuya, mamatay na nagtanong?

siguro nahuli din siya sa sarili niyang bibig. parang isda lang. sobrang daldal mo kase. yan tuloy nahuli kita!

napagtanto ko na lahat ng kwento niya ay mga kwento lang ng mga tropa niya, i mean, kinanya nya yung kwento na parang sa kanya talaga. ang hirap iexplain kung pano ko nalaman lahat e basta ganon. ang problema lang, nalaman ko na lahat ng kasinungalingan pero di ko mahanap kung kanino siya nandekwat ng picture. at hindi ko pa din mapagtanto kung sino yung posero na yun, may mga suspetya na ko kung sino pero naguguluhan na ko. kaya naman bago pa ko tuluyan maloka nito tinigilan ko na ang pgiimbestiga hanggang isang araw......



napansin ko tong isang lalaking ito na kapangalan din mismo nung kapatid nung posero kaso iba yung surname. nakita ko lang sa fb updates. friend pala ng classmate ko. ncurious ako at tiningnan ko yung profile. boom!! ang liit ng mundo. nakita ko yung tunay na account. ampp. kung kelan tinigilan ko n yung pgiimbestiga kusang lumalabas. natawa naman ako, tawang bwahahahaaha talaga! leche. at ayun nga, nakita ko yung tunay na account .oh e di syempre para makasiguro, inadd ko yung mga yun, at tinanong ng mga kung anu ano, inadd ko pa sa ym at nkipgwebcam naman din para siguro patunayan na sila ang tunay. sinabi ko din kase sa kanila na may mga nanggagaya sa kanila. bwahahaahaha. hindi ko din talaga aakalain na aabot sa ganito, na malalaman ko kung sinong tunay. tsk.



medyo nahirapan din ako sa pagiimbestiga. actually, nung january pa ko ngiimbestiga. grabe. nagpakaeffort ako kase nccurious ako. grabe ako mcurious noh. ayoko kase sa lahat yung niloloko ako. hindi nakakatuwa yun. shiiiiit! lahat ng anggulo ng istorya hinimay himay ko, effort pa talaga. worth it naman. nalaman ko din. haaay.


hindi ko lang talaga magets hanggang ngayon. anong sense nyang panloloko ng kapwa. ang paggagawa ng mga pekeng fs account , oo nagkalat talaga yang mga posero lalo na sa fs, pati banaman sa fb!? walang mga patawad. oo nga't nakakaloko sila ng ibang tao pero bandang huli naman, sarili nila ang mas niloloko nila. nakakainit ng ulo bakit kailangan nilang maging ganyan, hooo. ewan ko sa kanilaaaa. wla din naman kakahinatnan yan bandang huli. bhala na kayo sa buhay niyo!!

15 sabi nila.:

Anonymous at: March 5, 2010 at 3:29 AM said...

frenggg chill. :| ampangit nya :))

{ ♥superjaid♥ } at: March 5, 2010 at 5:49 AM said...

chill ka lang..baka di siya satisfied sa pagmumukha nya kaya sya nandedekwat ng picture ng may picture..

{ kayedee } at: March 5, 2010 at 11:13 AM said...

hmmm.. jaz wonderin anu mppdla nya s pag iiba ng identity???
en y u nmn naicp n fake xa at inimbistgighan u xa?
so kakilala u xa or stranger lng?

dming tanung! aahah..
anyweiz ung song is redi! :)

{ Renz } at: March 5, 2010 at 8:00 PM said...

ano bang ginawa sayo't sobrang galit mo

{ kikilabotz } at: March 5, 2010 at 8:59 PM said...

relax lang. cguro walang nakikipagkaibagn sa knila kung pangit sila db? kaya sa net nagpanggap silang gwapo o gnda para maranasan ang buhay ng ganun. hnd nila alam nakaksakit din sila ng mga taong naloloko nila. db db? kakaparanoid noh? ahee. dati nabiktima din ako ng gnyan eh. hehe

{ an_indecent_mind } at: March 5, 2010 at 9:10 PM said...

nabiktima na din ako ng ganyan, not just once but twice!!

ewan ko ba kung ano napapala nila!

amfufu sa kanilang lahat!!

{ KESO } at: March 5, 2010 at 10:44 PM said...

frengg nakakaubos ng pasensya. haha.


jaid, ayun n nga lng yung naiisip kong dhilan, pero grbe sila mgpkaeffort. waaah. bhala sila. bhla na si bro sa knila.

kayedee. hndi ko din lam kung anong mapapala nila, nanloloko lang din sila ng tao, bandang huli wla din naman ngyayaring may katuturan. pleasure lang tlga. yun nga e, di ko din sya tlga kilala. tpos hbng tumatagal nkkpgduda na, ako lang ata nkahuli sa kanya, sobrang galing kase talaga..waah. umiinit ulo ko pg naaalala ko.

{ KESO } at: March 5, 2010 at 10:48 PM said...

renz, hahaha. binasa mo ba. hehe. peace. nanloko lang naman siya. anfufuuu.

kikilabotss, aww. nkakapikon noh. kala mo mga totoo e tpos mga sinungaling pala. waah. grabe. ang lupet e. hirap n tlga mgtiwala sa panahon ngayon.

an indcent mind. amfufu tlga. grabe. wooh. bket ganon. ang sarap nilang katayin. wahahaha. nbiktima k din pala. anong gnwa mo sknila after. hehe

{ DRAKE } at: March 5, 2010 at 11:34 PM said...

Paano kung yung poser, nagpose ng panget na piktur pero yun pala gwapo o maganda sya?Sa tingin mo maiinis ka pa rin kaya sa kanya?Hehhe

Ingat

{ KESO } at: March 6, 2010 at 1:32 AM said...

hahaha. kuya,depende yan. bakit kamo. naisip ko kase sa exmple mo e ikaw. hahaha. pero di nman mttwg na posero ka, i mean, ibang scenario kase.
pero kung yun nga,kung panget yung ginamit nyang pic pero gwpo pla sya or mgnda pero kung anu anong kasinungalingan lang nman yung pngssbi niya at pinaniwalaan mo naman, sino bnman ang di magiinit ang ulo non, o eno ngayon kung mgnda pla sya, manloloko at sinungaling pa din naman. hehe

{ Arvin U. de la Peña } at: March 8, 2010 at 12:25 AM said...

huwag ka masyadong magalit..natural lang sa buhay ng tao na may makaenkuwentro tayong di natin gusto,hehe..

{ darklady } at: March 8, 2010 at 2:06 AM said...

Ramdam ko yung galit mo ah! to the highest level. Pero kung sabagay ako man yan magwawala ako sa sobrang galit lalo na at lolokohin ako.Grrrr...

Honeyz at: March 9, 2010 at 3:29 AM said...

Ako ulit keso ang sama naman ng ugali niyan kung sa bagay kadalasan ng walang mukha gumagamit ng ibang mukha mayron lang yan galit sa sarili? sige po sa uulitin

{ saul krisna } at: March 9, 2010 at 4:17 AM said...

easy ka lang sis... ang dugo mo baka matuyo....

{ KESO } at: March 9, 2010 at 4:31 AM said...

arvin- hahaha. aww. nkkbdtrip lng tlga kung mnsan db, pero dhil dyan may ntutunan nman akong leksyon. hehe. salamat sa dalaw.

darklady --nkuuu. nkkgalit tlga. muntik n kong mg super sayan. haha. pero bhla na si bro. sa kanila. hehe


honeyz -- hi honeyzz. thank u sa pgdalaw ha. sa uulitin hehe

saul-- hahaha. ok n ko ngayon. thank u sa pgdalaw. hehe