nakakainis.

at dahil naiinis ako sa ngayon,naisipan kong maglista ng mga bagay na kinaiinisan ko.rolling eyes Pictures, Images and Photos

-- nakakainis yung mga taong gm ng gm ( group message). ultimo yung kinakain nila ng oras na yun ig-gm pa, yung paglalakad ig- g.m pa. yung iniisip ng mga oras na yun ig g.m pa. kelangan ba talaga lahat ng ginagawa mo sa buhay mo ig-g.m mo pa. tsk. punong puno na inbox ko sa gm mo.


-- nakakainis pa yung mga taong parang obligado ka na itext mo sila. e sa walang load e, anong magagawa ko. tapos kung minsan pag nalate ka lang ng reply sasabihin pa,

ayw mo na kong itext?


ano ka ba?! tumae lang ako nagdadrama ka na!




--nakakainis din yung mga taong pa fall, alam mo bang krimen na yang pagiging sweet! pinapaasa niyo lang yung mga tao tapos iiwan niyo na lang bigla sa ere pag nainlab na ng tuluyan. papalabasin pa, sinong may kasalanan? ikaw ! kase nainlab ka ! kaya talo ka ! tapos malamang lamang magagalit pa yan sayo tapos lalabas niyan sinira niyo friendship niyo kase nainlab ka, tapos e di syempre emo emohan ka na naman tapos malalaman mo di lang pala ikaw ang nabiktima ng pa fall na yan, pang limang biktima ka na pala. ayy naku. sarap ibalibag ng ganyang tao!


--nakakainis din yung mga taong ang hilig magpalibre, tss. ok lang sana kung minsan nililibre ka din niya, e hinde?! puro na lang ikaw ikaw ikaw. te, ang kapal o. makaramdam ka naman.


--ayoko din pala dun sa mga taong feeling gwapo kala mo lahat na ng babae may gusto sa kanila. lalakas ng loob magsuplado, ayy nako. ewan ko sa inyo! ( galit?! haha) tska yung mga babaeng nagmamaganda, grabe manlait ng kapwa nila. ayy naku mga ate. ewan ko din sa inyo!


-- ayoko din dun sa mga taong maaarte, ayoko ng madaming kaartehan sa katawan kaya kung minsan mas ayos pa kasama mga lalaki, go lang kung go. kahit san mo kaladakarin, go lang! hindi yung mga taong mainitan lang, inis na inis na. basta yung ganon, ayoko non!


--ayoko din sa mga taong ang galing galing lang pag sila yung humihingi ng favor sayo, tapos pag ikaw naman yung humingi ng tulong, wala na. hindi na maalala yung mga kabutihan mo sa kanila. tsk.

-- ayoko din sa mga taong pasosyal, kase kung minsan di naman bagay. wag lang masyadong ipilit. ayun lang. bow. kung natural lang sayo ang pagiging pasosyal e di ok. nahahalata naman kase yan sa galaw. nakakainis lang talaga pag o.a na masyado yung tipong iiwan mo na yung iba mong kaibigan para makipagsabayan sa mga sosyal.



--ayoko na din sa mga taong pinagiintay ako ng matagal, mainipin kase ako. yan ang dahilan kung bakit kung minsan nagpapalate talaga ko. kaya ayan tuloy, nasanay na ko ng laging late.




yan lang naman lahat lahat ng saloobin ko for today. nakakainis. hahahahaha. pero natatawa na din ako, masyadong simangot na simangot ako today. te,galit ka sa mundo?! haha. ayoko na nga sila pakialamanan , kanya kanya ng trip ika nga, gawin ko din kaya para ako naman yung nakakainis. hahahaha. grr. nagmamaktol ako masyado. bakit ganun. nakakainis!! basta, alam mo yung ganung feeling?! nakakairita na nakakainis. hahahahaha.




15 sabi nila.:

{ si pearl,si pearl lagi nalang si pearl } at: March 30, 2010 at 10:49 AM said...

k lng yan te..ganyan talaga ang lyf

{ glentot } at: March 30, 2010 at 11:15 AM said...

Sa dami ng kinainisan mo baka wala nang matirang hindi mo kinaiinisan hehehe joke lang...

{ kikilabotz } at: March 30, 2010 at 7:55 PM said...

kinaiinisan ko yung pusa ng kapitbahay namin na napakagaling magnakaw ng ulam sa mesa. minsan nga kahit saging kinakain na eh. haaaayyy

--nakakainis din yung mga taong ang hilig magpalibre, tss. ok lang sana kung minsan nililibre ka din niya, e hinde?! puro na lang ikaw ikaw ikaw. te, ang kapal o. makaramdam ka naman.


it hurts you know!! ahahah

{ darklady } at: March 30, 2010 at 9:35 PM said...

Tubig gusto mo??hehehe..o hinay hinay lang ma highblood ka. hindi ka masyadong galit nyan te?

Ay naku totoo nakakainis yung panay ang g.m..yung iba nga hindi naman kayo close feeling close sa pagpapadaan ng g.m, hay naku.. madalas mangyari sa akin yan. ganyan talaga ang mundo, dahil kung walang kang kakainisan, masyado tayong magiging maganda sister!! hahahaha..^_^

{ Kaitee } at: March 30, 2010 at 10:27 PM said...

Handame naman!


Ako, naiinis din ako sa taong suplado. Feeling na sila nalang ang natitirang lalaki sa mundo. Syet!

Nakakainis din ang mga taong mahilig magdrama. Parang ako. Kaya inis din ako sa sarili ko. :)

{ an_indecent_mind } at: March 30, 2010 at 10:27 PM said...

ano ba talgang gusto mo? away o gulo?? ako ba lahat to? hehehe!

relak keso relak... pag lahat na lang kinainisan mo, maiinis ka lang.. lol

{ KESO } at: March 30, 2010 at 11:04 PM said...

pearl, uyy hi pearl, natuwa naman ako at may bago akong bisita. thank u sa pgdalaw te. oo gnyan tlgaang buhay parang life. nyahaha.

glen, hahahah. naku. konti lng naman yan ah. hehe. at wag kng mgsasarado ng blog. nakakainis din un! hehe


kikilabots, uyy kras! haha, mhilig k din b mgpalibre? haha. ok lng naman kung mnsan mnsan lng naman, at gawin mo n lng siopao yung pusa ng kapitbhay niyo. hahaha

{ KESO } at: March 30, 2010 at 11:08 PM said...

darklady, hahahha. ntawa nman ako dun te, tama, msyado tayong mgiging mgnda kung wala tayong kinaiinisan. hahaha.



kaitee, hahaha. naiinis din namn ako mnsan sa sarili ko, ang emo ko mnsan. shyet. hahah. wag n nga lng tayong mainis, papanget lng tayo hehe.


an indcnt mind, hahahaha. oo kw lhat yan. lol. kaya nag di n lng ako maiinis para di nakakainis. hahahaha.

{ kayedee } at: March 30, 2010 at 11:16 PM said...

oohhhww.. bad mood c lil sis! :)

kht aq ayw q ung ssbhn lht ng ggwin! kya nga wla aq twitter e kc mostly gnun nmn mbbsa u dun e. kht atista p d q trip na sundan ang gngw nla tsk!..

swit aq pero hnd aq pa fall.. i jaz lost a fren kc filing nya cguro my motibo ang pgging malambing q wel diz is meh.. malambing sa salita at gawa! nyahhahha

wag n masad lil sis. cheer up! kanta k nlng s pad q pra pampawala ng bad mood hehheh...

{ gege } at: March 31, 2010 at 1:22 AM said...

haha!
ganyan din ako minsan..
inum lang ng softdrinks keso!!!

nagliliwanag at nagbibling bling na nga 'tong page mo eee!!!

haha!!!

infairness!!!
guilty ako sa iba..
lalo na ung OA kapag hindi agad na replayan!
ahaha!
nahiya ako sayo, magbabago nako!
haha!

KAINISAN MO LANG YAN!!!
wala silang pake!

haha!

Godbless KESO!

^ - ^

{ olyabut } at: March 31, 2010 at 1:38 AM said...

haha. gumawa ng listahan. tamang stress-release lang a.
hindi ka ba naiinis na sa sobrang inis mo e gumawa ka ng nakakainis na listahan ng mga bagay na kinaiinisan mo?
=p

{ KESO } at: March 31, 2010 at 4:24 AM said...

kayedee, hi ate haha, naku after ko maisulat lhat ng kinaiinisan ko natawa na lang ako after, masyado ata ako ngmamaktol sa mga bagay bagay. ok na ko te, lilipad n ko sa pad mo. tambayan ko yun e. hehe.


ate ge, haha uyy kw lang pumansin ng header ko, di kase nila msyado pinapansin hahaha. aww, aaminin ko oa din ako mgreak mnsan pg nalalate ng reply ung ktxt ko lalo na e pag yung kras ko hahaha. napaparanoid hahahah. godbless din ate ge.



oly, hahaha. nahilo ako sa snbi mo ah, di naman ako nainis nung sinulat ko lahat ng bagay na kinaiinisan ko, natawa n nga lang ako after ko nailabas lahat. msyado ko ata silang pinoproblema hahaha.

{ choknat } at: March 31, 2010 at 8:31 AM said...

ang masama pa minsan, sobrang iniisip mo sila dahil nakakainis nga tas sila di ka naman iniisip. unfair un! haha

ang kyut ng staaaaaaaaaarrs. nag-iiba iba colors. hehe. enge ng isang star. lol

{ KESO } at: March 31, 2010 at 10:37 PM said...

hahhaaha, uyyy, unti unti na nilang nppnsin ang stars ko, geh te, kuha k lng dyan. hahah.

{ Sendzki } at: April 2, 2010 at 12:26 AM said...

haha..high school high school~!! maganda bespren mo hehe