birthday girl.






yung picture namin e nung highschool pa, bibihira na talaga kase kami magkita ngayong college. may kanya kanya ng circle of friends pero sa puso't kaluluwa alam naman namin na naandyan pa din ang isa't isa. :)



ipapakilala ko ho sa inyo ang aking bestfriend. isa sa aking mga best friend. madami kase akong bestfriend. hihi. malapit na nga pala ang kanyang birthday. eighteen na siya! wee. naalala ko pa, bigla niya kong tinext nung isang buwan, at ganito ang aming pag uusap..


hoyy! (sweet nya noh?) paghandaan mo yung regalo ko!! malapit na birhday ko! sa eighteen gifts ka! ( february niya ko tinext pero ang birthday niya april 26 pa, excited masyado!)



ang kapal ng mukha mo! anong eighteen gifts! sa candles mo ko ilagay!


ayoko! gusto ko gifts ka! paghandaan mo na yan!


maduga ka! regalo lang habol mo, ayaw mo ng madamdaming birthday wish!?


ayoko! di ko na kailangan ng wish mo!



bandang huli wala din akong nagawa, babalutin ko na lang tong mga stuff toy ko at ireregalo ko.


pero kanina, nagtext uli siya, pupunta daw siya sa bahay namin at may ibibigay daw siya.

dyaraaaaaaaan. after four minutes ang thirty-six seconds narinig ko na siya, kumakatok sa gate namin. sa kabilang kanto lang kase siya nakatira pero bibihira lang kami magkita niyan. ayaw niya kase ako bisitahin at ayoko din siya bisitahin. nakakatamad!




pinagbuksan ko siya ng gate pero di ko siya pinapasok sa bahay namin. joke! pinapasok ko pa din syempre hehe. huhubarin niya pa bale ang kanyang tsinelas pero ganito na naman ang naging takbo ng usapan namin!


kapal mo! san ka nakabili ng 'hiya'?!


hoyy mas makapal ang mukha mo, matagal na kong mahiyain!



di ko na lang pinansin ang sinabi niya kase di naman totoo! hahahahahaha.



bakit pumunta ka dito?


heto, invitation mo tapos samahan mo ko,ibibigay ko din tong invitation kay rosel.


ayoko, hindi pa ko naliligo.



kahit naman maligo ka, di naman halatang naligo ka. wag ka ng maligo.


o sige na! mamaya na lang ako maliligo, wala akong pera ha, kaw magbayad ng tricycle!



nagpaalam ako kay papa at sinabing sasamahan ko lang ang bespren kong mukhang baluga. then.. lakad lakad... sa kanto pa kase ang paradahan ng mga tricycle at....


ayan, sakay na tayo, kaw magbabayad ha!


may sinabi ba kong magttricycle tayo, ambisyosa! maglalakad lang tayo!



nauto na naman yata ako ng bespren ko, nakalimutan ko isat kalahating kuripot nga pala yan! e di no choice, naglakad kami hanggang plaza, nagtuturo na ko ng gulaman sa mga tindahan na naadadaanan namin pero wapakels pa din siya. limang pisong palamig ayaw nya ko bilhan! di na siya naawa saken!! ang sweet sweet niya talaga saken!


pagdating namin sa plaza..




nasaan si rosel? tanong ko.


wala, hahahah. alas kwatro pa usapan namin. hahahaha. tara muna sa may simbahan, may praktis kami ng choir!



kapal ng mukha mo talaga! e anong oras lang, magiintay pa pala tayo tapos ikaw may praktis pala!



tumambay ka don hahahahaha!



tuwang tuwa ang bruha, nauto na naman ako. wala talagang choice, kung di tumambay muna at tumunganga sa kanila. hiniram ko ang cellphone ng aking bispren at naglaro na lang habang siya ay ngppraktiz. gusto ko ng umuwi kase naiilang ako sa mga titig ng ibang kagrupo niya ngunit kailangan ko talaga muna mgstay kase may kundisyones pa yang baluga kong bespren, di daw niya ko bibigyan ng pamasahe pauwi pag umalis ako kaagad, so iintayin ko pa ang alas kwatro kase alas kwatro pa ang usapan nila ni rosel...


dyaraaaaaan. alas kwatro na, tinext ko si rosel.

rosel, san ka na daw?


nagreply kaagad..


oops. nakalimutan ko sabihin, sa sunday na lang pala, may duty pa ko ngayon e. sorry ha.



anak ng tipaklong! ayun o, e di sinabi ko kay bespren. tawa pa ng tawa ang bruha! umuwi na daw ako at mamaya pa daw siya.


akina yung pamasahe ko! ( syempre ayoko na naman mglakad ng ubod ng layo db?!)


inabutan niya ko ng sampung piso.
sampung piso?!



tae ka! kulang pa to.

kasya yan! hahahahaha


salamat ha! salamat sa pagiintay ko at paglalakad tapos sampung piso lang?!



pinagtawanan pa ko ng bruha.. at ngayon alam ko na ang ireregalo ko sa bday niya.


ibabalot ko yung sampung piso niya! hahahahahahahaha.

16 sabi nila.:

{ an_indecent_mind } at: March 31, 2010 at 7:15 AM said...

hahahahaa!! naaalala ko tuloy bigla ang dalawang best buddy ko... halos ganyan din lang kami e.. lol

{ darklady } at: March 31, 2010 at 7:19 AM said...

Natawa naman ako sa usapan nyo at napaka sweet nyo ah..

Naalala ko yung friend ko nung highschool. Pag kasi may lakad sya ako sinasama at ako din ganon. Nung minsang papunta ako sa bahay nila tinawagan ko sya, sabi ko abangan ako sa labas. ( sosyal nagpa abang!) hehehe.. edi ayun inabangan ako. pagdating ko pagkasabi sabi sakin. "kaya hindi ako nag aabang ng tricycle na hihinto kasi alam kong naglalakad ka lang.e yang kakuriputan mo ba naman na yan mag tricycle ka." hahahaha kabisadong kabisado ako..

Namiss ko yung bruha na yun, in fairness!! hehehe

Hala blog ko ba ito? at sinisipag akong mag comment ng sandamukal..hindi pa ako nakuntento sa blog ko na pagkahaba haba ng post ko. ambisyosa talaga si dark lady!.hehehe..^_^

O teka wala pa yung comment ko about sa post mo.hehehe

Ang masasabi ko lang , ang sarap ng ganyang bonding. yun tipong para kayong nag aaway. yung usapang walang matino pero alam nyo sa isa't isa na yun ay pagiging sweet lang.nakaka miss yun..

at isa pa..hala sumosobra ka na dark lady!! hehehe.. Yung "hoy" naman naalala ko sa friend ko na boy..marvin name nya..tinatawag ko lang na "hoy" yun. o diba ang sweet! hehehe.tapos kung magbiruan para bang kumpare nya ako. may sisipain.babatukan factor ba..kumbaga dun mo malalaman kung close ba kayo. kasi hindi kayo yung nagpapa cute lang sa isa't-isa. yung hindi kayo nagbobolahan lang. yung may ganong factor! pero syempre may limitation din lahat.

Haays..ayan lang comment ko..hehehe.^_^ ingatz...thanks sa laging pagdalaw sa bahay ko...^_^

{ kayedee } at: March 31, 2010 at 12:54 PM said...

naaliw aq s kwento u lil sis! hehe.. kkatwa kyong magkaibigan! at pansin q nga na uto uto ka! hahaha.. blang araw mapapakilala q din s inyo ang best fren q na pasaway din! nyahahah..

@darklady- sus mare magcocoment n sana aq s mga cnb u taz naalala q comments u pla un,kala q blog post u e! hehehe..

{ glentot } at: March 31, 2010 at 1:46 PM said...

Magandang ideya! Baka masa mahal pa yung pambalot mo hehehe

{ Kaitee } at: March 31, 2010 at 5:22 PM said...

Haha! Ang sweet niyo talagang magbest-friend!

{ Arvin U. de la Peña } at: March 31, 2010 at 8:06 PM said...

iba ang may pinagsamahan,hehe..

{ KESO } at: March 31, 2010 at 10:36 PM said...

an indcnt mind, hahahaha. malalaman mo talaga pg close na ang isa't isa pag naglalaitan na at pinapakita na ang kasamaan ng ugali ng bawat isa. apir. nakakamisssssssssss. haha




darklady, nakss. mas nttouch ako pag ang haba ng koment. hehe, at tama ka, pag may laitan at batukan factor na yung tipong kahit magkasakitan na oks pa din, kase kung minsan dun na ntetest kung close na ba kayo,tska khit sabihan mo ng ang tanga tanga mo di pa din ngagalit haha, ayun. nkkmisssssssss. at tingin ko, mgkakasundo tayo te. mukhang pareho tayo ng ugali e. haha. apir.



kayedee, ahhahaha. oo nga te, lately, napapansin kong uto uto nga tlaga ako o masyado lng akong mabait? hahahaa. o cge, ipakilala mo nman samen ang bispren mo. hahaha.



glentot, hahahhaha, ohnga mukang lugi pa ko sa pambalot, sgro tama na ang manila paper na pamabalot. ahhahaha. lol


kaitee, hahaha. ako aminado ako, sweet tlga ko, pero siya. hinde! haha. thank u sa laging pgdalaw. hehe

arvin, oo iba tlga. alam na ang lahat ng baho ng isa't isa, walang ilangan at higit sa lhat pwedeng pwde maglaitan ng walang samaan ng loob na mngyyri. hahahah.

{ olyabut } at: April 1, 2010 at 12:15 AM said...

Haha. natawa ako dito.
Ok yan, at least may explanation ka na kung bakit yan ang ireregalo mo sa bday nya, haha

{ darklady } at: April 1, 2010 at 12:34 AM said...

Kaya ngayon babatukan na din kita!!
hehehehehe..testing!! ^_^

{ RICO DE BUCO } at: April 1, 2010 at 2:42 AM said...

ang swit nu namang magbespren hehehe..kung ako un binatukan ko na siya hehehe..nakakaasar kaya un ayoko pa nman ung piangiintay ako hehehehe..bigyan kita ideya..tutal aprils fools day ngayon gift mo sakanya tae ng baka lagyan mo ng kandila sa gitna..mau instant cake na bespren mo hehhee joke lng

{ KESO } at: April 1, 2010 at 3:55 AM said...

oly, hahahha. korek. wag syang aangal, babatukan ko siya pag pumalag siya. hehe.

darklady, hahaha. mgbatukan tayo pg nagkaron ng eb ng mga blogger, ayieeeee. haha


rico, welcome back haha. bkit k nwala? kmusta kna? haha. naku, patay ako sa bespren ko pg niregaluhan ko sya ng tae. haha.

{ choknat } at: April 1, 2010 at 6:11 AM said...

ok na sana ung una eh, stuffed toy na ang ibabalot. tas magiging sampung piso na lang.

mahilig din kaming magsabihan ng "hoy" pati ng "tanga" ng mga friends ko. sweet! haha

{ gege } at: April 1, 2010 at 6:38 AM said...

go ako dyan sa pagbalot ng
SAMPUNG PISO!

hehe.

ganyan talaga ang mga tunay na magkakaibigan... sobra sa pagmamahal sa isa't isa!
parang magkapatid na...
BUGBUGAN NA!

haha!

namiss ko naman yung mga HALIMAW kong kaibigan...
haaaaaaaaaaaaayst!

enjoy kayu ah!
pagpatuloy nyu yan!

^ - ^

{ KESO } at: April 1, 2010 at 7:44 AM said...

choknat, hahahha, uhmm siguro dhil kung minsan , minsan lng ha, naging mabuti din syang kaibigan, stuffed toy plus sampung piso n lng ung gift ko, hahaha.joke.

ate ge,hahaha, naku. tototohanin ko tlga yang pgbblot ng sampung piso, aasarin ko muna. hehe.

{ darklady } at: April 1, 2010 at 8:42 PM said...

hahahahaha sige ba!!!! batukan ang kita kits...hehehehehe..kelan ba?? ^_^

{ Renz } at: April 3, 2010 at 9:26 PM said...

sampung piso? ayus! haha