pulong ng mga kulto.

noong isang araw, kasalukuyan akong online sa fb ng biglang nag pm yung klasmeyt ko, si tin. minsan tin or ate tin ang tawag ko sa kanya kase matanda siya sa akin ng isang taon, ayun monday yun, nagtataka ako, sabi ko wala ka ka bang pasok , wala daw. holiday daw.sabi ko, ayy holiday ba. tapos tinanong niya ko, gusto mo ng part time job, naexcite ako bigla sabi ko oo naman. game. saan ba.wala naman akong ginagawa kase. sabi niya magkita daw kami sa rob. pala-pala around 1:30 daw. wait niya daw ako. sabi ko ok.


tinawagan ko siya, tinanong ko kung anong job ba, sbi niya 2 to 4 hours lang daw yun, after a week nagkaron na nga daw siya ng 3 k. tapos dami kong tanong, nakakapagtaka kase. puro basta lang ang isinagot niya saken ,basta daw magkita kami then isasama niya ko sa office.

e di go lang ako, tiwala naman kase ako kay ate tin.


syempre na-late ako , 2pm na ko nakarating ng rob. bwahahaha. pero mabait talaga si ate tin ngsmile pa din siya kahit pinaghintay ko siya. sbi niya tara go na tayo. akala ko sa dasma lang din yung office, sa may trece pa pala, e hindi naman ako familiar sa lugar na yun bihira lang ako makarating dun pero tiwala nga ako sa kanya e di ayos lang saken, habang sakay kami ng jeep, tanong pa din ako ng tanong kung ano b yun bakit ang laki ng sweldo, basta daw basta. kwento lang siya ng kwento, puro students lang din daw makikita ko don then yung mga sasakyan daw na makikita ko sa labas ng office sa mga members yun, sabi ko. huh?members? tapos sabi niya, ayy basta.


puro siya basta parang kinakabahan na ko nung time na yun. naisip ko nga baka ipakidnap ako nito pero hindi naman siguro, baka ipaholdap lang ako o iparape.

e di pumara na siya andun na daw kami, pero pagkababa namin ng jeep naglakad pa kami, sabi niya malapit lang daw, ohnga malapit nga lang naka 300 steps pa siguro kami bago nakarating dun sa malapit na office. pagkita ko, wow bongga ang bongga ng mga nakapark na sasakyan, bigla naman binida ni ate tin na sa mga members yung mga sasakyan, sabi ko ano bang members yan. basta daw basta.


basta na naman.

e di umakyat na kami dun sa office, may orientation pala, pagpasok namin parang ano lang, parang may seminar, ang daming tao puro bagets kung tutuusin, tama nga yung sinabi ni ate tin, puro estudyante. puro estudyanteng uto-uto. e di umupo na ko kung saan ako pinaupo ni ate tin, tapos siya tumayo na lang sa likod ko. nagsimula ang orientation kuno........



ampucha. daming eksplanasyon na sinabi yun pala pyramid scam lang yung datingan. gusto kong sungalngalin si ate tin ng mga oras na yun, gustong gusto ko na talagng umalis ng mga oras na yun nakakahiya lang ako kay ate tin at sa mga tao dun, pagtitinginan lang ako, baka akala nagwalk out na ko. gusto kong sabihin, alam ko na ho yan, nakaattend na kami sa ganito parang pyramid lang.alam ko na ding magbabayad kami ng ilang libo at ang daming eklavuuuuu at chuk chak chenes pang gagawin. pero syempre hindi ko sinabi yan baka kuyugin ako s loob at hindi na ko makalabas ng buhay. init na init na yung pakiramdam ko, di ko lam kung matatawa na ko o maiinis. ang feeling ko kase ng mga panahon na yun e parang may pulong ng mga kulto. grabe sila manghikayat. tumingin ako sa cellphone ko. oh shit. alas singko na, baka sarado na yung tindahan na pupuntahan ko sa may kadiwa.sa dasma. lagot ako sa tatay ko,kay nodie. tsaka sabi ko nga pala kay nodie, hindi ako magpapagabi. tsk. buti na lang pala at patapos na yung pulong, akala ko pwede na kong umalis, sabi ko kay ate tin, mauna na ko ha, may pupuntahan pa kase ako, sabi niya, teka vinci, saglit lang may ipapakiusap pa ko sayo. sabi ko, ha. sino ate, sabi niya yung yumaman na daw na member ng kulto este member nung uno, u.n.o yung tawag dun sa company na yun, o syempre mabait ako e, sbi ko kay ate tin, cge ate pkibilisan lang.

tapos nakita ko busy masyado yung ipapakausap saken, sabi ko kahit sino na lang te, kelangan ko na kase talaga umalis.

e di pinakausap niya na lang ako dun sa isang lalaki na malapit na daw yumaman, bale heto yung pag uusap namin...


sabi nung lalaki: hi, ako nga pala si ...... nakalimutan ko pangalan ni kuya. o kunyari siya na lang si rey


rey: hi ako nga pala si rey, ikw?
keso: ah, ako si vinci..


shakehands..

ayokong tumingin sa mata ni rey dahil parang nkdrugs na lasing na ewan parang adik lang yung itsura.

rey: paano mo nalaman yung uno?
keso: ah sbi lang sakin ni tin. sabay tingin kay tin na nasa tabi ko
rey: ah san skul mo
keso: stop ako e, pero dati sa l.s dasma, klasmeyt ko dati si tin
rey: ah e di pabigat ka lang ngayon??

biglang nawala ang smile ko nung oras na yun, nanlisik ang mata ko at nagpanting ang tenga ko, may masusungalngal na talaga ako...

matipid akong sumagot..

keso: hndi.
rey: e di pabigat k nga lang wala k nmang gngwa e.

chillax lang keso...

nahalata siguro ni rey na baka mabugbog ko na siya pag pinagdiinan niyang pabigat ako kaya naman iniba na niya ang usapan, sarap sungalngalin. e hndi naman. julalay nga ko sa bahay e. tsss.


rey: alam mo ba kung paano ako nakakuha ng 7,300, e estudyante lang ako db?
keso: tingin mo alam ko?
rey: e may laptop kb?
keso: meron
rey: yung ate ko meron din, eyser !-ganyan kalutong yung pgbigkas niya ng acer

keso: .......
rey: sinangla ko yun, para mkpgpamember ako dito.

keso: wah. grabe?!

nagmalaki pa ang ogag. pero nagulat ako, grabe naman tong batang ire.

rey: oo sinangla ko, kase alam ko naman na maiibabalik ko yun at naibalik ko nga makalipas ang isang buwan. apol pa!

amen.

nagpatuloy siya sa pagyayabang habang ako ay gulat na gulat pa din sa nangyayari

rey: at heto pa, may kinuha siya sa kanyang bag, yan yung cheke ko,
keso: ang laki naman niyan, 12900 yung nakita ko.
rey: pang gastos ko lang yan kumbaga pang trip trip lang, galing yan sa uno, sweldo ko.


naramdaman ko ang paglakas ng hangin.... weeeeeeeeeeeeewwwwwwwwww

rey: ikaw sasali kb sa uno?
keso: hndi ko alam, hindi ko sure dahil di naman ako bibigyan ng 7300 dahil masyadong malaki yun. ittry ko n lng pero di ko sure,

at wala akong balak, alam ko na yang ganyang set up. nahihiya lang talaga ako kay ate tin na mgsbi ng ayoko talaga kase super pinipilit niya ko.

rey: wag mo itry. ako nga nag sangla pa e. gawin mo. wag ka mgtry!
keso: at anong gusto mo, magsangla ako ganon, itutulad mo pa ko sayo.

may biglang umepal ,yung babaeng katabi namin..


rey: yan nga e kanina lang nakapgpamember, ginawa niya ng lahat kase alam niya makakatulong siya sa magulang niya pgdating ng araw,

babae: oo, nagsangla nga ako e, yung alahas ng nanay ko sinangla ko kanina lang.


---------------------


gulat na gulat pa din ako sa mga nangyayari hindi ko alam na may ganong klase ng mga tao, hindi ko magets kung totoo ba yun o pang uuto o ewan ko ba. parang mga ewan talaga. gusto ko na talagang mgwalk out na lang bigla ng mga oras na yun. nakakawindang yung mga tao.parang kulto. hindi ko lubos maisip kung bakit si ate tin nakikiisa sa kanila. grabe. hinihikayat nila ko na gawin ko ang lahat makapagpamember lang.


-----------------------


nahalata ni ate tin na hindi na ko komportable ng mga panahon na yun kaya hinila niya na ko at inalis sa mga harapan ng dalwang balugang yun.



ate tin: o, heto pala yung form, pwdeng cash or gadget.

parang naninibago ako kay ate tin ng mga panahon na yon, pinipilit niya talaga ko ng bonggang bongga.

keso: huh, ate bakit ganon, pinipilit nila ko mgsangla?!

ate tin: hndi naman ibg sbhin lang nila gawin mo lang ang lahat kase para din sa future mo ito. ang laki ng sweldo dito. o ayan yung form o, ifill up mo.

keso: grbe ate, wala naman akong dalang pera tsaka alangang iwan ko pa cellphone ko dito. tsaka ate tin , hatid mo na ko sa sakayan may pupuntahan pa ko.


------------------

at hinatid na din ako ni tin sa sakayan ng jeep, medyo nawiwindang pa din ako sa mga nangyari. grabe e. di ko kinaya. parang kulto nga. grabe. alam niyo ba yung pyramid scam? ganon yung set up, pero sabi ng speaker hindi daw yun pyramid, leche. ampp. ewan ko sa kanila. basta ganito yung sabi.


magbabayad kami ng 7300, bibigyan kami ng products bilang kapalit worth 3thou plus, tapos discount card na worth 2 thou plus na pwede din namin ipambili ng products nila ulit?! tapos member na daw kami after nun, tapos mgyayakag daw kami ng dalawa, kailangan daw namin makagawa ng pair para sumweldo kami. ganon. parang ganito...

( pagpasenyahan niyo na yung bilog bilog)
sabi nila,di daw yan pyramid scam kase di naman daw pyramid. ampppp.


may website pa nga sila, heto oh.


tingin nyo, dapat ba kong maniwala dyan.
tsaka heto pa pala, tinanong ko si tin kung paano siya nakapagbigay ng 7,300. sabi niya kinuha daw niya sa tuition fee. wala pang 2 weeks na member si tin pero nakakuha na daw siya ng sweldo 3k.. di ko alam kung ngsisinungaling ba siya para mapilit niya lang ako o ewan. tsk.waaaaaaaaaaaah.

tapos yung form na binigay niya saken sbi ko iuuwi ko na lang at pagiisipan ko kunyari, tapos sbi niya tsaka sabi din nung rey at pati nung speaker kanina, wag na wag daw ipapakita sa parents kase hindi daw maniniwala yung mga yun basta daw secret lng at kung magyayaya daw, papuntahin na lang sa office at wag magsasabi ng kung anu-ano. mag basta na lang katulad ng ginawa saken ni tin na puro basta. ampuchaaaaaaaaaaa.

nakakawindang.

15 sabi nila.:

{ darklady } at: February 24, 2010 at 3:56 AM said...

Yung ate ko member din sa ganyan. Pero iba product hindi uno. Vita Plus naman yun. Totoo naman yan basta ba marami ka kilala at masipag ka talaga magbenta magiging malaki kita mo. Pero yung uno na sinasabi mo ewan ko lang din kasi now ko lang yan narinig.

{ ♥superjaid♥ } at: February 24, 2010 at 4:41 AM said...

naku nakapunta na rin ako sa uno uno na yan isinama ako ng friend ko kaso di rin ako sumama..tsk tsk..

{ DRAKE } at: February 24, 2010 at 4:49 AM said...

Katakot naman yan!heheh buti hindi ka nila nauto! ako kasi madalas din mayaya sa ganyan pero di pa rin naman ako napapabilib nila!heheh

Buti naman !

Ingat

{ an_indecent_mind } at: February 24, 2010 at 5:18 AM said...

hahaha!! imagine ko itsura mo nung niyayabangan ka ni manong.. hehehe!

posible naman yan kung masipag ka manghipnotize ng maiisama sa kulto at mapapagsanla ng kalabaw o pusa nila para may pambayad sa 7300.. hehe!

nakaattend na din ako ng ganyan.. whole day pa kamo ang seminar! hob fair pa ang raket, magtitinda pala ng water purifier! amfufu!

{ Jepoy } at: February 24, 2010 at 6:13 AM said...

Sa susunod liitan mo ang font mo ha, muntik na kong makatulog...

Anyways, wag kang mag papaniwala sa mga froglets na yan Keso. Sakin ka mag pa myempre susweldo ka ng 7,400 madali lang ang gagawin mo. May poste tapos kakapit kalang dun ang sasayaw ahahahha

God Bless!

{ kikilabotz } at: February 24, 2010 at 7:37 AM said...

ang mahirap sa pramiding eh nauubos ang taong pwedeng irecruit. haaayy. kawawa nmn ang huling myembro. swerte lng jan yung mga nauna eh

{ kayedee } at: February 24, 2010 at 1:40 PM said...

haha. sabi na e! alm q n rin yang ah basta word n yan e!

atually s raket n yan kelangan tlga ng kyabangan at pag ka exaggurated attitute pra yumaman ng bongga! haha..

{ Arvin U. de la Peña } at: February 26, 2010 at 7:23 AM said...

mayroon pa palang pyramid scam sa ngayon..akala ko wala na,hehe..

{ KESO } at: February 27, 2010 at 2:39 AM said...

darklady- ah yeah. alam ko din yung vita plus. pero itong uno, kakaiba to. gusto mo maexperience? meron dw silang office sa may ortigas. mgdala ka ng krus pg pmunta ka. hehehe

jaid- nkuu jaid buti di k sumama. nkktrauma. hehehe

drake- nkuu kuya drake, medyo malapit lapit n nga akong mauto , buti n lng!

an indecent mind- ang sarap sungalngalin ni manong tpos mukang kcng tanda ko lng. amfufuu. sing arw? haha, buti tong pulong ng kulto tatlong oras lng kaming nagutuan . hehehehe

{ KESO } at: February 27, 2010 at 2:44 AM said...

jepoy- hhahahaa nku kuy, hndi ako pwde itabi sa poste, mapapagkamalan din akong poste. lol.


tska maliit naman yung font ko ah. hehehehe


kikilabots- ayun nga po, kawawa nga. pano kung sumali ako tpos huli ako. tsk.

kayedee- nkuu. grbe pgkaexag nila. suko ako.hahaha

arvin- nku. uso pa din kaso iba iba na sila ng teknik. kea ingat ingat n lng. hehe

{ chikletz } at: February 27, 2010 at 7:31 PM said...

buti hindi ka nila naISAhan.. haha!

kulet ni manong.

{ KESO } at: March 1, 2010 at 2:15 AM said...

hahahaha. buti n lng tlga te.


sa sobrang kakulitan ni manong gusto ko na syang upakan. hehehe

{ tim } at: March 3, 2010 at 6:06 AM said...

una, ang ganda ng template mo.. whoah!

{ Random Student } at: March 4, 2010 at 8:05 AM said...

hehehe baka naman ganito effective ang approach para magsign up haha. seriously, yan pala yung maraming students na nakikita ko. risky naman talaga magsangla. yung approach nung kausap mo eh medyo ganun nga -- masarap supalpalin.

{ eloiski } at: March 4, 2010 at 9:12 PM said...

wapak! yang salitang basta na yan eh. nakapunta na rin ako sa mga ganyan.
at sa maniwala ka't hindi naging member ako! hahaha!
naibalik naman yung capital ko. at saka medyo tumindi ang self-confidence. which is good lalo na kapag puiblic speaking.
anyways... nasa tao naman yan!

pero ngayon di na ako active eh. busy rin naman ako sa pag-aaral ko kaya ayun!

wala lang napacomment! hakhak!
nakarelate eh!