heto daw yung part two

hindi na ko magpapaligoy ligoy pa heto na yung part two. wahahahaha.


habang naglalakad patungo sa dance floor ( nauuna si binchi maglakad, nasa likod si jm)..


binchi: *bakit kaya ako ang naipili niya ..( pabulong )


jm: kase matagal na kitang kras ..

echos lang yun linya ni jm, hindi nya talaga sinabi yun. ahihi.


nag iba ang pakiramdam ni binchi ng mga sandaling yon, parang gusto niya bumalik sa kinauupuan niya dahil parang kinakabahan na siya ng bonggang bongga,at hindi niya mawari kung bakit...



narating nila ang dancefloor pero kung bakit parang ang tagal nila makarating doon samantalang ang lapit lang kung tutuusin,bumagal na ata ang pag ikot ng mundo ng mga sandaling yun...


halata sa dalawa ang pagkailang, mahahalatang hindi makatingin ng bonggang bongga si jm kay binchi, naiilang man, pinilit na lang ni binchi na maalis ang tensyon sa pagitan nila,


binchi: kamusta ba?** sabay patong ng kamay sa mga balikat ni jm

pacool kuno si binchi pero parang pati siya nadidismaya sa pinaggagawa nya. dyahe shit!

sa kabilang banda,halata pa din ang ang pagkailang sa mukha ni jm..


jm: ayos naman ikaw? ** sabay lagay na din ng kamay sa bewang ni binchi

binchi: ayos lang din...



medyo gusto ng matawa ni binchi dahil hindi pa din sila magkatinginan sa isa't isa, ang ewan nung feeling. wahahaha.


after 25 years..

este 3 minutes pala..


wala ng kibuang naganap,ni ho ni ha wala na..

akala naman ni binchi may tapatang magaganap * feelingera talaga si binchi


inaliw na lang ni binchi ang sarili sa panonood sa iba niyang kaklase na nagsasayaw din..hanggang may lumapit sa kanila.itago na lang natin sa pangalan na edsel.


heto ang pangeepal na ginawa ni edsel..


edsel: jm, sayaw kayo ni jessica * sabay turo kay jessica na may kasayaw din ng mga oras na yon.


hindi mawari ni binchi kung bakit umepalogs tong si edsel sa kanila, inisip niya na lang na matahil may gusto si jm kay jesica at alam ito ni edsel, sino banaman ang hindi magkakagusto kay jesica, ito ang muse ng kanilang iskul. medyo ok na din pala ang pangeepal ni edsel kase naman ang patner ni jesica ng mga sandaling iyon ay si jv, sa totoo lang si jv talaga ang bonggang bonggang kras ni binchi, naisip nya lang naman na exchange partner siguro ang mangyayari.o db ang kyut. ahihi.


dahil number one epalogs nga si edsel ng mga oras na iyon,siya na din mismo ang kumausap kay jesica na isasayaw ito ni jm.nagpaunlak naman si jesica dahil kahit ubod ito ng ganda hindi naman ito marunong maginarte.


halata ang pagkayamot sa mukha ni jm ng mga sandaling iyon,narinig pa ni binchi ang salitang badtrip na namutawi sa bibig nito patungkol kay edsel.( aayy ano daw?namutawi?ahihi hayaan nyo na minsan lang ako mgkwento ng bongga.ahihi )


dahil medyo napaisip na naman si binchi, sino ba talaga ang gusto nito?ako o si jesica? manhid manhidan kuno na naman si binchi.

parang gumugulo na kase ang sitwasyon idagdag mo pa ang kasunod na pangyayari...



akala ni binchi may palitang mangyayari pero nagkamali siya, akala niya jesica-jm tapos binchi-jb hindi pala. tae! buti na lang pala hindi masyado nagpakafeelingera itong si binchi at babalakin pa sanang mag 1st move na naman at magpatong na kagad ng kamay sa mga shoulders ni jb.

tae! buti na lang buti na lang!


at ganito pala ang set up na nangyari..


jesica-jm

binchi- edsel


ayy kaya pala sobrang epalogs tong si edsel. kaya pala. kaya pala.


hindi na talaga alam ni binchi kung matatawa ba siya o hindi sa mga nangyayari, kagulo-gulo. parang gusto ng sapakin ni binchi ng mga oras na yun si edsel dahil pakiramdam niya may napurnadang mga sandali.

tae ka talaga edsel!!



ganon pa man, napansin ni binchi na naunang natapos ang pagsasayaw nina jesica at jm kesa sa kanila, wala pa atang 2 minutes naupo na ang dalawa, samantalang nagtagal ang pagsasayaw ni binchi at edsel dahil nagkachikahan pa ng konti,naging magkaklase din kase si binchi at edsel nung pers yir, tulad nila ni jm, nagkahiwalay na din ng section nung 2nd yr.

natapos ang kamustahan at napagpasiyahan na ding maupo nung dalawa..


--------------

bukas na lang pala ulit itutuloy basta tatapusin ko to bago magtapos ang pebrero.
ahihi


15 sabi nila.:

{ an_indecent_mind } at: February 9, 2010 at 5:31 AM said...

amfufu ka keso!!

wag mo na nga lang tapusin!!!

hehe!

{ Jepoy } at: February 9, 2010 at 6:46 AM said...

Super cheesy naman talaga alavet!

{ KESO } at: February 9, 2010 at 8:58 AM said...

an indcnt mind- whahaha. ang haba kase hndi ko matapos tapos hahaha,naisip ko nga sna pala di ko na sinimulan tntmad na ko hahahaha,


jepoy- ahihi, mas cheesy ka saken jepoy hahahaha

{ glentot } at: February 9, 2010 at 12:49 PM said...

Asshole si Edsel panira ng moment

{ glentot } at: February 9, 2010 at 12:50 PM said...

At natawa ako sa link na picture hahaha

{ Lord CM } at: February 9, 2010 at 3:43 PM said...

Hehehe :D Tiningnan ko ung pix na kagaya ng pagsasayaw nyo, langya!pawisan ung lalake sa kili-kili at parang magkaaway sila sa sobrang layo,ganun din ba kayo? lolzz

JS nga naman no?Ang daming nangyayari, kaso bitin pa rin! :D

{ DRAKE } at: February 9, 2010 at 10:40 PM said...

Bagay na bagay ang pangalan mo sa isinulat mo!hehe KESO

Pati kulay kesong keso! Hulaan ko gusto mong palaman sa tinapay........ Lily's Peanut butter ba?

{ gege } at: February 10, 2010 at 1:42 AM said...

sabi ko pa naman buti may part two na...
para di nako mabibitn!
ABA!!!!!!!!!!!!!!


may part three pa!!!

AHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!

go sis keso!!!

TAPUSIN NA!

excited na kami ah!


:P

{ ELAY } at: February 10, 2010 at 1:33 PM said...

hahaaha ang cheesy cheesy naman.. winnneeer! pambihira tlga ang mga babae mga assumera at feelingera. no offense :P

{ KESO } at: February 10, 2010 at 9:31 PM said...

glen- hahaha. oo epalogs tlga yang si edsel hahaha. e kuya, yun lng nkita kong picture na ktulad nung pgssyaw nmin e hihihi


kuya cm- hahaha. natawa nman ako dun kuya, di ko napansin na pawis yung kili kili nung lalaki hahaha. at kuya, di nman kmi ganon kalayo,hehehe


drake- hahaha. ang cheesy mo din kuya. hahaha. enk. kuya pano mo nhulaan. tama ka. peanut butter tlga peyborit ko. lols.

{ KESO } at: February 10, 2010 at 9:31 PM said...

glen- hahaha. oo epalogs tlga yang si edsel hahaha. e kuya, yun lng nkita kong picture na ktulad nung pgssyaw nmin e hihihi


kuya cm- hahaha. natawa nman ako dun kuya, di ko napansin na pawis yung kili kili nung lalaki hahaha. at kuya, di nman kmi ganon kalayo,hehehe


drake- hahaha. ang cheesy mo din kuya. hahaha. enk. kuya pano mo nhulaan. tama ka. peanut butter tlga peyborit ko. lols.

{ KESO } at: February 10, 2010 at 9:34 PM said...

gege- hahaha. cge ate pg inatake ulit ako ng kasipagan, natatawa kase ko pg naaalala ko yung mga pngyayring yon. pg tintype ko na siya, ntatawa ako, nttwa ba o kinikilig ah bsta yun. abangan ang part 3. heheheh.


elay- haha. sapakin kta elay hahaha. oo n nga, feelingera tlga ko kung mnsan haha.

{ kikilabotz } at: February 11, 2010 at 3:56 AM said...

wahhh. asan k b? bkit wala k sa eksena keso? wahahaha. pakilala mo nga ak kay binci ska kay jesica n yan. haha. joke joke.

{ KESO } at: February 11, 2010 at 8:37 PM said...

ayy kuya, ako si binchi. di mo bnsa yung part 1 ahihihi.

{ kikilabotz } at: February 12, 2010 at 5:20 AM said...

@ keso hnd ko nga nabasa yung part 1. haha. kaw pala si binchi. nagets ko na po. hehe.