ang pers lab ko

ikaw, natatandaan mo pa ba kung sino ang pers lab mo, naniniwala ka din ba na pers lab never dies. natatandaan mo pa din ba ang mga kilig moments nyong dalawa. ayieeeeee. dahil bgla ko syang naalala ngayon- ang aking perslab, nafeel kong ikwento ang aming lab istorii. itago na lang natin siya sa pangalang jm. at ako naman si binchi.
Love Pictures, Images and Photos

unang nagkakilala si jm at binchi nung grade 3, sa totoo lang, naging magkaklase na din pala sila nung grade 2, kaso may sariling mundo si binchi nung mga panahong iyon kaya hindi nya gaano kilala ang ibang kalsmeyts niya. at nung ngrade 3 na nga,nakilala niya bigla si jm dahil naglipatan ng upuan at naging magka-row sila. bale nasa likod niya si jm. medyo tahimik lang na bata si jm, kabaliktaran ni binchi. medyo pansinin si jm nung mga panahong iyon kase madaming nagkakras sa kaniya, walang pakialam si binchi dahil may ibang kras ito.



lumipas ang araw, buwan at mga taon.....


highschool na sina binchi at jm, naging magkaklase ulit sila. at ngayon, parang napansin ni binchi ang malaking pagbabago ni jm, medyo unti unting naging kras ni binchi si jm, secret lang iyon at wala siyang pinagsabihan, napagalaman din niya kase na may gusto din dito ang kanyang kaibigan.

isang araw, bago mag uwian, sinabi ng kanilang guro na magpapalit daw ng seating arrangement,hindi sinasadyang naging magseatmate ang dalawa, kilig na kilig si binchi ngunit di niya pinahalata, kinagabihan hindi makatulog si binchi dahil makakatabi niya na ang kanyang kras , nagsilbing inspirasyon si jm kay binchi at nangakong hindi na siya magpapalate simula bukas.


kinabukasan, na-late pa din si binchi, napuyat masyado kakaisip kay jm. ganon pa man,kinapalan pa din ni binchi ang pagmumuka at pumasok pa din sa room kahit alam niyang mahigit isang oras din siyang late....

akala ni binchi magiging walang kasing saya ang makatabi ni jm ngunit nagkamali siya, ubod pala ito ng yabang at walang ginawa kundi asarin siya. dahil pikon masyado si binchi, hindi din ito nagpapatalo sa pang aasar ni jm. hindi sila magkasundo at napagdesisyunan na lang ng kanilang guro na paghiwalayin sila ng upuan.


hindi na kras ni binchi si jm.

angry Pictures, Images and Photos

kahit pala magkalayo na ng upuan ang dalawang ito, walang tigil pa din ang bangayan, naging magkaaway silang mortal.


2nd year na..


hindi naging magkaklase si jm at binchi dahil nagkahiwalay sila ng section, khit nagkikita sila sa campus, hindi pa din sila nagpapansinan.

3rd year na..


hindi pa din sila nabigyan ng pagkakataon na maging magkaklase ulit, ganon pa man, medyo nalimutan na din siguro nila ang mga nangyari nung 1st year,kaya kapag nagkakasalubong sila sa campus e,nagpapansinan na sila.


heto na ang js prom..


js prom na, hindi naman ganon kaexcited si binchi dahil wala naman siyang kapartner, na-late pa nga siya ng dalawang oras dahil nagintayan pa sila ng mga kaibigan niya. medyo nakakahiya pa nung dumating sila sa venue, medyo nagtitinginan sa kanila ang lahat ng tao dahil sobrang late na pala talaga, napagalitan pa tuloy sila ng ilang teachers lalo na si binchi, pati daw js prom ay hindi pinatawad. late pa din. medyo badtrip na si binchi at gusto nya ng umuwi, buti na lang may mga nakipagsayaw kay binchi at medyo nakalimutan ang pagkabadtrip niya.

napagod na si binchi kakasayaw at napagpasyahang maupo muna.


sa kabilang dako naman, may ilang guro na makukulit at pinipilit ang ilang kalalakihan doon na isayaw naman ang ilang kababaihan, agaw atensyon na ang mga kantyawan sa grupong iyon ng kalalakihan, ang ilan ay binabanggit kung sino ang gusto nila makasayaw, andun sa grupong iyon si jm. mapapansin na tahimik lamang siya kaya napabaling ang atensyon ng guro sa kaniya at siya ang tinanong kung sino ang gusto niya makasayaw, pero imbes na siya ang sumagot biglang nagsigawan at nakiepal ang mga kaibigan niya..

........


habang tulala at nagmumuni muni si binchi sa kanyang upuan (wala na naman sa saril) ay bigla na lamang siyang nilapitan ng kanilang guro, nasa likod ng guro si jm, walang kaalam alam si binchi na siya pala ang gustong maisayaw nito, halatang nagulat si binchi, gayon pa man, hindi na naginarte si binchi at pumayag na din makipagsayaw....



---------------------------------------
ayy bukas ko na lang itutuloy, tinatamad na ko.
waahhahahaha.




5 sabi nila.:

{ Arvin U. de la Peña } at: February 8, 2010 at 7:00 AM said...

ako naaalala ko pa..nagka pimples nga ako,hehe..bad trip..

{ glentot } at: February 8, 2010 at 10:00 AM said...

Ang aga mo palang nainluv, Grade 3 ahaha... aabangan ko yung kasunod.

{ Lord CM } at: February 8, 2010 at 10:14 PM said...

Langya!Bitin! Babalikan ko to, kahit umabot pa ng college lolzz

{ an_indecent_mind } at: February 8, 2010 at 10:21 PM said...

wahahaha! langya ka keso! may pabitin effect ka pa ha??!

{ KESO } at: February 9, 2010 at 12:59 AM said...

arvin- hahahaha, mga senyales ng pgbibinata kuya, wahaha,

glen- kuya, hndee. iba kras ko nung grade 3 hndi sya hehehe.


lord cm- kuya cm, hahahaha. di ko nman ho tlga to binalak ibitin, tinamad na lang tlga ko mgtype heheh. sge po abangan nyo yung susunod. wahahahaha

an-idcnt mind- wahahahaha, para kyut. hahahaha,