kanya kanyang new year's resolution na naman na hindi matutupad.

pahabol! huling post para sa taong 2009. late yung oras dito sa blogspot ko kaya makakahabol pa ko. hehe. babati ulit ako ng happy new year! kagabi pa ko atat na atat magblog kaso busy ako kagabi, ayos naman yung lasa nung istapegi ko akala ko nabulok yung giniling kase tanghali ko pa nilabas sa ref. ahihi. buti na lang hindi siya nabulok. :D


gusto ko din gumawa ng recap katulad nung kay ate gege kaso nahihirapan na ko isipin kung anong mga nangyari, mabilis talaga ko makalimot. sa totoo lang nakalimutan ko na yung pangalan nung mga classmate ko nung 1st year college. hindi ko na nga din matandaan yung mga pangalan ng mga prof ko,pag may pinakikilala saken, after ilang minutes hindi ko na matandaan yung name! pati gamit ko dito sa bahay di ko lam kung saan ko naiipapatong, one time nga hindi ko matandaan kung saan ko nilagay yung cellphone ko, yun pala nasa ref! shyet! ang lamig na nya! pati susi ng bahay namin nalalagay ko sa freezer namin. :\


ganyan talaga ko ka-ulyanin. :D


teka, dahil makikigaya ako sa inyo, gagawa ako ng new year's resolution. kahit pa iilan lang dyan ang natutpad basta feel kong gumawa ng new year's resolution. kanya kanyang trip! :D

unang una sa listahan ko ang pagiging LATE ko. promise talaga! hinding hindi na ko magiging late ever! nakakahiya man ipangalandakan pero naaalala ako ng mga classmate, teachers at prof ko sa pagiging late. sasabihin nila " ah si "ano" na laging late". nahihiya na talaga ko pero ang hirap talaga iwasan pag nakasanayan na, simula elementary hanggang nagcollege hindi na ko nagbago, akala ko nga pagdating ng college magiging maaga na ko dahil malayo layo din naman ang school ko sa bahay namin kumpara sa school ko nung elementary na walking distance lang at nilalakad ko lang, at nung highschool na 10 minutes lang e makakarating ka na sa iskul. maaga naman ako magising kaso dahil nga kampante ako na malapit lang ang iskul na ayos lang "siguro" kahit saktong 7:15 ako umalis ng bahay e hindi pa din pala ayos. ( hindi ko na nasasama ang sampung minutong papunta doon).

kaya pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ko magiging late. :))

pangalawa, magsisipag na ko. sabagay kung tutuusin matagal na kong masipag! (nagbuhat ng sariling bangko) ako tagaligpit,tagaluto,tagapamalengke, tagalinis ng bahay. (in short chimay.) pero sana tuluyan na kong maging masipag. kadalasan kase inaatake na ko ng katamaran, tong kwarto kong mukang ukay ukay ay lilinisin ko na every other day at hindi every other week. medyo pinapapak na ko ng langgam dito sa kama ko gawa na din ng mga pamangkin kong laging nakatambay sa kwarto ko tapos magiiwan lang ng candy! buset!




pangatlo,iiwasan ko na ang pagastos sa mga bagay na hindi ko naman kailangan,. susubukan ko naman mag ipon. maliban sa pagiging chimay ko manager din ako dito dahil ako ang may hawak ng pera dito. (bongga.hehe.) pero promise magiipon na ko. iwas iwas muna sa mga gastos na walang katuturan, kailangan matuto magbudget.


pang-apat, matutulog na ko ng maaga hindi umaga! dahil kailangan ko na din magpataba, walang epekto ang vitamins ko kung puro puyat. tsk. titigilan ko na ang panonood ng tv at pagbababad dito sa harap ng computer.

so ayun na lang muna, tama na yang apat na yan baka pag masyadong madami mahirapan pa ako kung anong uunahin ko.


happy new year ulit!

salamat sa mga nagpasaya sa akin, nagpaiyak,nagpalungkot,nagpakilig nang asar at naging bahagi ng taong 2009 ko..
kanya kanyang new year's resolution na naman na hindi matutupad haha.

mabilisan lang!

mabilisang pagbati ng ...


happy new year!



busy busyhan si keso ngayon, magmamarunong sa pagluto ng istapegi!

happy birthday jesus!


merry christmas sa lahat! magpakaenjoy! anong handa ninyo sa noche buena?

may kesong pula ba? :)


kami? wala kaming noche buena. hindi talaga kami nagnonoche buena e. ahihi.

ayun. wag kalimutan magsimba, batiin si jesus ng happy birthday!
magbigayan at magmahalan!

makipagbati sa mga kaaway,pero pag ayaw makipagbati nung kaaway mo, hayaan mo na lang siya! wahahaha. (may masabi lang)


PS: anong gamot sa pasma? ang hirap magpaint pag pasmado. :))

merry christmas ulit ng bonggang bongga! mwah! :*




single!

sa may post office, kukuha ng postal id.


ako: heto na po yung form.

babae: (tiningnan yung form ko).... single?

ako: opo.

babae: "??"

ako: single po.

babae: single talaga?

ako: (leche) opo single po talaga.

babae: hindi single parent?

ako:(put*ng ina) single nga ho!




hindi ko na malaman kung muka ba kong matanda o bata. lagi akong napapagkamalang may anak na dahil kasama ko lagi yung pamangkin ko. pero minsan napapagkamalan din naman akong highschool student lang.sa totoo lang,hindi ko na maintindihan! pero madalas napapagkamalan akong dyowa ng kuya ko o nung tatay ko, kanina lang ngyari yan, kasama ko pa tatay ko. leche. nakakainsulto lang, porket di ko sila kahawig lagi na lang ako napapagkamalan. ang masama pa dun, dyowa ng tatay mo. hanep. minsan naiinis na din ako sa kitid ng utak ng ibang tao. basta foreigner na may kasamang pilipina, magdyowa na. waw naman! sabagay sino banaman ang magiisip na anak nga ako ng tatay ko, pilipinong pilipino ang itsura ko. tss. (badtrip)

GAME!

alam mo ba yung twitter? yung plurk pati yung tumblr ? ang dami daming nauusong networking sites ngayon,sa totoo lang di ko magets yung tumblr kaya wala ako nun, pati twitter di ko feel. yung plurk lang talaga yung kinarir ko. Meron nga akong kakilala, di ko lang alam kung paano niya namamamanage lahat ng account nya, meron na ata siyang account sa lahat ng nabanggit ko, idagdag mo pa pala yung multiply at friendster, pati pala yung deviantart,tagged,facebook at perfspot. May wordpress din siya at lahat lahat na. hindi yata papahuli pero hanga din naman ako. inuupdate nya lahat yun.ang tindi ! hanep! anyway, hayaan (na lang natin siya) ko na lang siya. trip nya yun e.wahahahaha. pero eto pala trip ko -->
kung trip mo din. gawa ka din ng ganyan tapos tanungan tayo. o db ang galing? wahahahaha.


PS: alam mo na din ba yung facebook lite? :))

walang title

Iba ang tinititigan sa tinitingnan. Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin. Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri. Iba rin ang iniintindi sa inuunawa. Ang iniintindi, pinipilit sa isipan. Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.


Kung kaya dapat:
Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin.

ALAM NA!


alam mo na ang tunay na dahilan kung bakit nagpalit ng anyo si friendster.

highschool life.

madami ang nagsasabi na the best talaga ang highschool life. agree naman ako dun, ang daming pangyayari ang hindi ko makalimutan. naging masaya ang apat na taon na yun para sa akin, at pati na din sa mga classmates kong tinuring ko ng pangalawang pamilya, naging active ako sa school lalo na sa mga extra curricular activities, sa totoo lng nahawa lang ako sa mga classmates ko dahil halos lahat sila may orgs. apat ang org na sinalihan ko, science club kung saan president yung bestfriend ko, madali ako nakapasok. wahahaha. art club na naging saling pusa ako kahit saglit, president dun yung classmate ko kaya napasali kahit saglit na panahon, nahatak naman ako sa video org dahil kinuha ako ng classmate ko dahil may video cam ako, wahahaha, parang napilitan sila kuhanin ako dahil kailangan daw nila. naalala ko pa yung nagkaroon ng video festival sa school namin, gumawa kami ng short film,music video at PSA (public service announcement), bukod sa video cam ko may naitulong din naman ako, naging production manager ako. Nakakapagod yun, halos tumira na ko sa school minsan 8pm na ko umuuwi dahil naging parte din ako ng performing arts, chorale member ako. yun talaga yung pinaghirapan ko, nag audition ako at naging trainee bago naging official member. apat na taon ako naging chorale member, unang org ko yun kaya mahal na mahal ko, alto ako, yung mababang boses ng babae, alto 2 ata ako nung una pero dahil nagimprove naging alto 1 ako, nung 1st year, nag quit nga pala ako sa choir dahil pinapagalitan ako sa amin dahil gabi na ko umuuwi, wala akong nagawa, hanggang september lang ako. pero pagdating ng 2nd year wala na din nagawa ang mga magulang ko, pinayagan na ulit ako sumali at nag audition ulit, pasok na ulit ako yehey. nagfocus ako sa pagiging chorale member ko, di ko makakalimutan yung mga panahong lumalabas kami ng school at sumasali sa mga choir competition. nakakamiss! miss ko na yung pang ookray ng conductor ko,namimiss ko na yung iyakan pag natatalo, namimiss ko yung hiyawan pag nanalo. namimiss ko yung choirmates ko. ayun.

eh? ewan ko sa'yo.

manliligaw na nagseselos.
manliligaw na bitter.
manliligaw na nagsusuplado.
manliligaw na ayaw tumanggap ng explanation.

l e c h e !

tinanggal sa facebook si manliligaw.
blocked na si manliligaw.
nagsisisi.
nag-isip.
nagtatanong bakit nagpadala sa damdamin.
nagsorry kay manliligaw.
hindi na pinansin ni manliligaw.
naghahabol.

parang ako na si "manliligaw".

s h i t.

pangarap.

pangarap kong maging isang sikat na singer. bumuo ng banda kung saan ako ang vocalist.isang araw, nilagay ko sa status ko sa facebook na gusto kong maging vocalist.my nag pm saken sa chatbox,tinanong ako kung gusto ko daw ba talaga maging vocalist, naghahanap daw sila,medyo naexcite naman ako, pero nung nalaman kong di naman pala ako kakanta, tutula lang daw pala ako, *s h i t.* e biglang sabi ko"ayoko na pala". kakaiba yung genre nila, hindi ko trip. mala-radio sago project yung tugtugan. pinangarap ko ding maging chef sa isang 5 star hotel.kaya pumasok din sa isipan ko ang mgshift ng course at mag hrm.nagbago ang isip ko.ayoko na pala. madali nga pala ako mabwisit sa mga tumatalamsik na mantika at kung paano ko sinusumpa ang mga sibuyas na laging nagpapaiyak sa akin. pangarap ko ding maging saleslady ng tribal,ang gaganda kase ng mga girls dun(hindi ako tibo ah), pinangarap ko ding maging cashier sa sm,ang galing nila mag make up,pero higit sa lahat, pangarap kong maging photographer.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

isa akong frustrated photographer, kaya tulad ni jepoy, nasa wishlist ko din ang SLR. :)

(pamangkin ko yung nasa pictures, sa ilog yan, napagtripan ko kuhanan using my phone.medyo iiyak na siya kaya 6 shots lang yung nagawa ko, konting edit and dyaraaaaaaaaan! pwede na ba?)

1:33 am


naalimpungatan ako.

"anong oras na ba". sabi ko sa isip ko.

nagiisip ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
natulala ako, ano ba ang natunog.

dalawa ang cellphone ko.

"ah, yung luma kong cellphone ang natunog."
(nokia tune ang ringtone ng bago kong cellphone kaya siguradong yung luma ang natunog)


napabalikwas ako, pilit kong inaabot ang drawer ko kung saan ang nakalagay ang dalawa kong cellphone.

ang tagal bago ko naabot ang pareho kong cellphone,

isa, dalawa tatlo a-paaaaaaaaaaaaat na ring bago ko naabot ang cellphone ko..

tumigil na ang pagtunog, nagtaka ako, sino ba ang tatawag sa akin ng ganoong oras.
teka, anong oras na nga ba, tiningnan ko sa cellphone ko.

1:33 am. "sino ang tatawag sa akin ng ganoong oras". tanong ko ulit.

Bumalik ako sa pagkakahiga,nag iisip, di ako makatulog.
sino ang tatawag sa dati kong numero.

nagpalit ako ng numero. pero hindi ako ngpalit ng network.
globe pa din. nagtataka ako, sino ang tatawag sa akin, alam ng lahat na iba na ang numero na ginagamit ko. pero nanatiling nakainsert sa isa kong cellphone ang simcard na iyon.


nakatulog ulit ako.

ilang minuto lang siguro ang nakalipas ng maramdaman ko ang malamig na hangin na unti unting humahaplos sa balat ko.

sa kaliwang braso patungo sa kanan kong braso. Pilit kong inabot ang sliding window sa bandang itaas ng kama ko.

sarado ang bintana ko. napaisip ako, san nanggagaling ang malamig na hangin.
tiningnan ko ang pinto, bagama't maadilim, naaninag ko na sarado ang pinto ko marahil na din sa tulong ng liwanag na nangagaling sa bintana na kinapa ko kanina lang, nahawi ang kurtina kaya nagkaron ng konting liwanag sapat para maaninag ko ang pintuan.

sarado din ang pinto, wala ng panggagalingan ang malamig na hangin.

nagsimulang maglaro ng aking imahinasyon, tinakpan ko ulit ng kurtina ang bintana na ngbigay ng kaunting liwanag.

nagdilim na ulit.

pinilit kong makatulog,
patuloy kong nararamdaman ang lamig ng hangin sa aking mga braso.
nagtalukbong ako ng kumot upang makaramdam ng init.
nawiwirduhan ako sa kakarampot na lamig ng hangin na iyon.

nakatulog muli ako.


-----

umaga na ng maalala ko, sira nga pala ang cellphone kong tumunog kagabi.
sira at lowbat pa, pano iyon tumunog?



(ang inyong nabasa ay tunay na pangyayari ngunit resulta na din marahil ng mapaglarong imahinasyon, teka, parang ang gulo ah.hehe,.nakalimutan kong magpapasko ngunit pang halloween ata tong post ko) :D