Ngayon ko napagtanto at natanggap sa sarili ko na talaga palang ang tamad ko.
*angtamadmotalaga!
Hindi ko alam kung matatawag ng kwarto tong "kwarto" ko. Muka na syang ukay ukay. Nagkalat ang mga damit,libro,sapatos,tsinelas,papel,notebook,pentel pen, boxing gloves, lotion,lipgloss,belt,bags,paperbags,plasticbag, etc. dito sa kwarto ko. Minsan naman naiisip ko ding linisin to kaso minsan ko lang talaga yun maisip. At hanggap isip lang siya. Pag andun na ko, wala na. Tinitingnan ko pa lang talagang tinatamad na ko at ayun, matutulog na lang ako.
Tinatamad din talaga ko mag aprub ng mga comments sa friendster, kaya tanggal muna ang mga koment koment at puro message na lang muna.
Karma freeze muna sa plurk dahil talagang inatake ako ng katamaran.
At ang multiply ko, inaamag na. Matagal tagal ng di nabubuksan.
At ang twitter ko, wala na naglaho na. Tinatamad na ko mag twit twit.
namimiss ko na ang aking mga prends pero tinatamad talaga ko lumabas ng bahay para mgpaload at magtext.
ano bng gamot sa katamaran. ang hirap mging tamad e. ayoko ng gnito.
Buti nagkaron ako ngayon ng konting sipag para mkpgpost man lang ng bagong entry sa bahay kong malapit ng amagin. ano bang nakain ko ngayon. Kapeng may milo ang huli kong nilantakan. Siguro araw arawin ko na lang ang paginom ng kapeng may milo para naman kahit konti, bumalik ang kasipagan ko.
cellphone chronicles
-
andaming beses ko nang sinabi na hindi na ko magpapalit ng phone. isang
malaking goodluck ulit. sa lapad ng mga daliri ko, hindi talaga ako naging
fan ng ...
1 hour ago






