kanya kanyang new year's resolution na naman na hindi matutupad.

pahabol! huling post para sa taong 2009. late yung oras dito sa blogspot ko kaya makakahabol pa ko. hehe. babati ulit ako ng happy new year! kagabi pa ko atat na atat magblog kaso busy ako kagabi, ayos naman yung lasa nung istapegi ko akala ko nabulok yung giniling kase tanghali ko pa nilabas sa ref. ahihi. buti na lang hindi siya nabulok. :D


gusto ko din gumawa ng recap katulad nung kay ate gege kaso nahihirapan na ko isipin kung anong mga nangyari, mabilis talaga ko makalimot. sa totoo lang nakalimutan ko na yung pangalan nung mga classmate ko nung 1st year college. hindi ko na nga din matandaan yung mga pangalan ng mga prof ko,pag may pinakikilala saken, after ilang minutes hindi ko na matandaan yung name! pati gamit ko dito sa bahay di ko lam kung saan ko naiipapatong, one time nga hindi ko matandaan kung saan ko nilagay yung cellphone ko, yun pala nasa ref! shyet! ang lamig na nya! pati susi ng bahay namin nalalagay ko sa freezer namin. :\


ganyan talaga ko ka-ulyanin. :D


teka, dahil makikigaya ako sa inyo, gagawa ako ng new year's resolution. kahit pa iilan lang dyan ang natutpad basta feel kong gumawa ng new year's resolution. kanya kanyang trip! :D

unang una sa listahan ko ang pagiging LATE ko. promise talaga! hinding hindi na ko magiging late ever! nakakahiya man ipangalandakan pero naaalala ako ng mga classmate, teachers at prof ko sa pagiging late. sasabihin nila " ah si "ano" na laging late". nahihiya na talaga ko pero ang hirap talaga iwasan pag nakasanayan na, simula elementary hanggang nagcollege hindi na ko nagbago, akala ko nga pagdating ng college magiging maaga na ko dahil malayo layo din naman ang school ko sa bahay namin kumpara sa school ko nung elementary na walking distance lang at nilalakad ko lang, at nung highschool na 10 minutes lang e makakarating ka na sa iskul. maaga naman ako magising kaso dahil nga kampante ako na malapit lang ang iskul na ayos lang "siguro" kahit saktong 7:15 ako umalis ng bahay e hindi pa din pala ayos. ( hindi ko na nasasama ang sampung minutong papunta doon).

kaya pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ko magiging late. :))

pangalawa, magsisipag na ko. sabagay kung tutuusin matagal na kong masipag! (nagbuhat ng sariling bangko) ako tagaligpit,tagaluto,tagapamalengke, tagalinis ng bahay. (in short chimay.) pero sana tuluyan na kong maging masipag. kadalasan kase inaatake na ko ng katamaran, tong kwarto kong mukang ukay ukay ay lilinisin ko na every other day at hindi every other week. medyo pinapapak na ko ng langgam dito sa kama ko gawa na din ng mga pamangkin kong laging nakatambay sa kwarto ko tapos magiiwan lang ng candy! buset!




pangatlo,iiwasan ko na ang pagastos sa mga bagay na hindi ko naman kailangan,. susubukan ko naman mag ipon. maliban sa pagiging chimay ko manager din ako dito dahil ako ang may hawak ng pera dito. (bongga.hehe.) pero promise magiipon na ko. iwas iwas muna sa mga gastos na walang katuturan, kailangan matuto magbudget.


pang-apat, matutulog na ko ng maaga hindi umaga! dahil kailangan ko na din magpataba, walang epekto ang vitamins ko kung puro puyat. tsk. titigilan ko na ang panonood ng tv at pagbababad dito sa harap ng computer.

so ayun na lang muna, tama na yang apat na yan baka pag masyadong madami mahirapan pa ako kung anong uunahin ko.


happy new year ulit!

salamat sa mga nagpasaya sa akin, nagpaiyak,nagpalungkot,nagpakilig nang asar at naging bahagi ng taong 2009 ko..
kanya kanyang new year's resolution na naman na hindi matutupad haha.

10 sabi nila.:

{ Arvin U. de la Peña } at: January 1, 2010 at 12:31 AM said...

happy new year sa iyo..alam mo badtrip ako kasi pag post ko ng balimbing ay january 1 at almost 2 pm..di ko napansin na ang umappear na petsa ay december 31..di ko naman puwede edelete at post uli bukas kasi nakapag sabi na ako sa ibang bloggers na bumalik na ako pag post..bad trip talaga..baka kasi sabihin ng iba na hindi ko tinupad na ang bugtong ang last post ko sa taong 2009..i am a victim of my own carelessnes..

{ Mga Epal } at: January 1, 2010 at 1:28 PM said...

Happy You Year! Manigong "sana kumpleto pa ang mga daliri nyo" sa inyong lahat!

{ chikletz } at: January 1, 2010 at 2:49 PM said...

happy new year keso!! :D sana matupad ang apat na yan.. hehe.. gudlak satin!

{ gege } at: January 2, 2010 at 3:54 AM said...

yeeeees naman!
nakita ko pangalan ko sa post!
ahaha
ako lang ba?
o nag-iba ka ng kakulyan ng bahay?
hehe.
kesong keso!
nakOooo....
matupad sana yan!
gudlak sa atin...
yan na yan ang mga gusto kong baguhin...
pwera lang yung pagpapataba, pagpapayat naman ako... hehe

HAPPY NEW YEAR sis KESO!
:P

{ fiel-kun } at: January 2, 2010 at 4:26 AM said...

whee! happy new year!

wala akong new years resolution this year eh... di kasi ako naniniwala jan... umm disiplina lang ang kailangan upang maging mabuti ka sa buong taon ^_^

{ Renz } at: January 2, 2010 at 5:38 PM said...

gudlak sa NYR mo :D

{ glentot } at: January 2, 2010 at 9:39 PM said...

Cheese na cheese ang theme hehehe love it... Happy New Year at gud luck sa mga goals mo!

{ Mga Epal } at: January 3, 2010 at 11:13 AM said...

Nagulat kami nung may biglang tumugtog sa site mo! mabubooyset sana kami kaso maganda yung kanta!!! (Don't worry, be happy ang tumutugtog nung nagcomment kami dito. kung kahit anong kanta ng cueshe ang tumugtog 'e ibang usapan na yun!)

patay tayo sa mga fans ng cueshe jan! bring it on! bwahahaha!

Still wishing you a happy new year.

{ Pretsel Maker } at: January 5, 2010 at 12:54 AM said...

HAPPY NEW YEAR KAIBIGAN

{ Dhianz } at: January 5, 2010 at 9:32 PM said...

naaliw naman akoh sau at sa entry moh... teka.. happy new year!.. may u have a blessed new year... oh yeah ba't akh naaliw... medyo nakarelate akoh sau... ulyanin, late, 'lang ipon, at may insomia... ahehhe... kakasundo tayo ah?.. lolz... ei!.. may award den akoh don last time.. baka gusto moh lang.. yung blog love award... para sa lahat... walang pumansin eh.. si aneng lang atah.. ahehe... ingatz... laterz.. Godbless! -di