1:33 am


naalimpungatan ako.

"anong oras na ba". sabi ko sa isip ko.

nagiisip ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
natulala ako, ano ba ang natunog.

dalawa ang cellphone ko.

"ah, yung luma kong cellphone ang natunog."
(nokia tune ang ringtone ng bago kong cellphone kaya siguradong yung luma ang natunog)


napabalikwas ako, pilit kong inaabot ang drawer ko kung saan ang nakalagay ang dalawa kong cellphone.

ang tagal bago ko naabot ang pareho kong cellphone,

isa, dalawa tatlo a-paaaaaaaaaaaaat na ring bago ko naabot ang cellphone ko..

tumigil na ang pagtunog, nagtaka ako, sino ba ang tatawag sa akin ng ganoong oras.
teka, anong oras na nga ba, tiningnan ko sa cellphone ko.

1:33 am. "sino ang tatawag sa akin ng ganoong oras". tanong ko ulit.

Bumalik ako sa pagkakahiga,nag iisip, di ako makatulog.
sino ang tatawag sa dati kong numero.

nagpalit ako ng numero. pero hindi ako ngpalit ng network.
globe pa din. nagtataka ako, sino ang tatawag sa akin, alam ng lahat na iba na ang numero na ginagamit ko. pero nanatiling nakainsert sa isa kong cellphone ang simcard na iyon.


nakatulog ulit ako.

ilang minuto lang siguro ang nakalipas ng maramdaman ko ang malamig na hangin na unti unting humahaplos sa balat ko.

sa kaliwang braso patungo sa kanan kong braso. Pilit kong inabot ang sliding window sa bandang itaas ng kama ko.

sarado ang bintana ko. napaisip ako, san nanggagaling ang malamig na hangin.
tiningnan ko ang pinto, bagama't maadilim, naaninag ko na sarado ang pinto ko marahil na din sa tulong ng liwanag na nangagaling sa bintana na kinapa ko kanina lang, nahawi ang kurtina kaya nagkaron ng konting liwanag sapat para maaninag ko ang pintuan.

sarado din ang pinto, wala ng panggagalingan ang malamig na hangin.

nagsimulang maglaro ng aking imahinasyon, tinakpan ko ulit ng kurtina ang bintana na ngbigay ng kaunting liwanag.

nagdilim na ulit.

pinilit kong makatulog,
patuloy kong nararamdaman ang lamig ng hangin sa aking mga braso.
nagtalukbong ako ng kumot upang makaramdam ng init.
nawiwirduhan ako sa kakarampot na lamig ng hangin na iyon.

nakatulog muli ako.


-----

umaga na ng maalala ko, sira nga pala ang cellphone kong tumunog kagabi.
sira at lowbat pa, pano iyon tumunog?



(ang inyong nabasa ay tunay na pangyayari ngunit resulta na din marahil ng mapaglarong imahinasyon, teka, parang ang gulo ah.hehe,.nakalimutan kong magpapasko ngunit pang halloween ata tong post ko) :D

7 sabi nila.:

{ an_indecent_mind } at: December 3, 2009 at 1:50 AM said...

basssssseeeee!!!

{ an_indecent_mind } at: December 3, 2009 at 1:54 AM said...

post-halloween entry? wehehehe!

hala ka.... mamayang gabi mangyari ulit yan sau...

{ KESO } at: December 3, 2009 at 3:32 AM said...

ayy naku, wag naman sana, natatakot na ko, weird e. :O

{ kikilabotz } at: December 3, 2009 at 3:49 AM said...

awhoooooo. parang paranormal activity lang ha? my kakilala ako ganyan din ng yari matapos ang isang linggo ay...............

sinadya kong bitinin. ahaha

{ DRAKE } at: December 3, 2009 at 3:53 AM said...

Oo nga pasko na pero nakakatakot pa rin yung kwento mo!heheh

Ingat palagi

{ KESO } at: December 3, 2009 at 4:25 AM said...

@ kikilabots- ayy, anong ngyari? hahaha. baliw.teka, di ko pa napapanood yung paranormal activity. ayoko panoorin baka mapraning ako. :D

@drke- hehe, kagabi lng kase ngyri, natakot kase tlga ko, este napapraning na ata. haha.

{ KESO } at: December 3, 2009 at 11:06 PM said...

---

para dun sa ibang mga ngcomment dito sa entry na to.
nareject ko ho lahat ng di sinasadya, nagkamali ako ng napindot. ang tanga ni keso! serry nemen! :))