Kapeng may milo.

Ngayon ko napagtanto at natanggap sa sarili ko na talaga palang ang tamad ko.

*angtamadmotalaga!

Hindi ko alam kung matatawag ng kwarto tong "kwarto" ko. Muka na syang ukay ukay. Nagkalat ang mga damit,libro,sapatos,tsinelas,papel,notebook,pentel pen, boxing gloves, lotion,lipgloss,belt,bags,paperbags,plasticbag, etc. dito sa kwarto ko. Minsan naman naiisip ko ding linisin to kaso minsan ko lang talaga yun maisip. At hanggap isip lang siya. Pag andun na ko, wala na. Tinitingnan ko pa lang talagang tinatamad na ko at ayun, matutulog na lang ako.

Tinatamad din talaga ko mag aprub ng mga comments sa friendster, kaya tanggal muna ang mga koment koment at puro message na lang muna.

Karma freeze muna sa plurk dahil talagang inatake ako ng katamaran.

At ang multiply ko, inaamag na. Matagal tagal ng di nabubuksan.

At ang twitter ko, wala na naglaho na. Tinatamad na ko mag twit twit.

namimiss ko na ang aking mga prends pero tinatamad talaga ko lumabas ng bahay para mgpaload at magtext.


ano bng gamot sa katamaran. ang hirap mging tamad e. ayoko ng gnito.

Buti nagkaron ako ngayon ng konting sipag para mkpgpost man lang ng bagong entry sa bahay kong malapit ng amagin. ano bang nakain ko ngayon. Kapeng may milo ang huli kong nilantakan. Siguro araw arawin ko na lang ang paginom ng kapeng may milo para naman kahit konti, bumalik ang kasipagan ko.

15 sabi nila.:

{ Lord CM } at: July 27, 2009 at 12:06 AM said...

Hehehe :D Wala atang gamot jan...maski ako minsan problema ko yan eh lolzz

Pero di ko sya masyado pinag iisip, kasi malamang pag inisip ko mapapagod lang ako..kaya tulog na lang :D

{ RaYe } at: July 27, 2009 at 3:36 AM said...

haha.. atei, same tayo.

sa katamaran ko, pwede nang library/museum/laundryshop/shoe store/bodega ang kwarto ko...

bute na lang, me kapatid at pinsan akong naglilinis nun.. haha

{ Chimmie } at: July 27, 2009 at 10:00 AM said...

masarap ba ang kaping may milo? sana sipagen ka na at daanan mu den blog ku at pumayag ka makipag link ex. tnx.

{ ELAY } at: July 29, 2009 at 7:01 AM said...

ay pareho tayo.. nakakahiya man aminin tamad din ako. Sobrang tamad ko na hindi ako nagenroll nung last october, sobrang tamad ako na pag tinamad akong kumuha ng pagkain, kahit gutom ako hindi na ako kakain. hehehe share ko lang.

{ Camil } at: July 29, 2009 at 7:23 AM said...

ako naman lately tamad na tamad din ako d2 sa bahay.. haaay ewan ko ba.. tumatanda na ata ako.. weeeeee

{ kox } at: July 31, 2009 at 5:05 AM said...

mabuhay tayo! hahaha.. ibandera ang bandila ng mga tamad!!! *kaso tinatamad ako, tska na* hahah :))

{ Joni Rei } at: August 1, 2009 at 6:51 AM said...

LOLs. sakit ng kabataan yan. ay este ng lahat pala. no excemptions.(tama ba spell) haha. don't worry d k ngiisa. karamay mo ako at sila. mabuhay tayo!! hahaha

{ si keko } at: August 1, 2009 at 7:07 PM said...

yan din ang hanap ko eh.. kung gamot pampatangkad e meron eh bkt ang ktmaran wala???


palagay ko ikaw ang nawawalang kakambal ko.. :))

yung kwarto ko din mukha nang bodega :))

{ PinkNote } at: August 1, 2009 at 9:08 PM said...

Aw..fave ko yun, chocoffee tawag namin ng hubby ko sa kapeng may milo..hehe gumawa pa nga ako ng isa pang blog: chocoffeemix.blogspot.com para tribute sa paborito kong drinks!hhahaha

ako in madalas tinatamad, pero pag kailangan talaga, kailangan talaga... wink*

nga pala, effective ang kapeng may milo.=)

{ patola } at: August 3, 2009 at 5:03 AM said...

ahihihihi.. nakakarelate naman ako masyado...isa rin akong gulay na tamad....ano ba ang gamot? ahhhmmm... wala na yatang gamot eh... hihihihi... kakatamad mag isip ng gamot para diyan eh.... hahahaha

{ missGuided } at: August 5, 2009 at 12:17 AM said...

ako din madalas atakihin ng KATAM! ngayon na nga lng ulit ako nkapag post sa nilalangaw ko ng blog.hahah

try ko din uminom ng kape na may milo.haha

{ ACRYLIQUE } at: August 5, 2009 at 3:59 AM said...

Haha. inatake rin ako nito Last week. :)

Masaraop nga ang kape with milo. But too bad parehong bawal sa akin. :)

{ ←KiaN→ } at: August 7, 2009 at 1:01 AM said...

WAHAHAHA!!!!....

U r not alone.....
pare-pareho tayo!!!!.....

{ HARI NG SABLAY } at: August 9, 2009 at 11:13 PM said...

pareho tayo ng kwarto pare,haha tamad din,diko kasi lam san ko itutuon kasipagan ko,lols

{ bea trisha } at: August 20, 2009 at 3:33 AM said...

haha..ok lang yan///
step by step...
pero wala yatang cure yan..
mga accounts ko inamag na rin...

kapeng may milo?
matry nga...
di kasi ako nagkakape..
pero parang mocha ba yun?
hehe..
try ko bukas ng umaga...

dalaw ka din sa blog ko..
thanks!