alas dos ng madaling araw kahapon.

2 am na.

Hindi pa din ako makatulog. Pagod na ang katawan ko pero gising pa din ang diwa ko.
Ang ingay ingay kasi ng utak ko at kung anu ano na naman ang naiisip.

Hindi ako makatulog.

Wala akong nagawa. Bumangon ako at naghanap ng ballpen at papel.

Kanina pa sila nagtatalunan at naghihiyawan,
nagsisipaan na nga at nagsasabunutan.

Isulat ko na daw sila.

Sadyang makukulit. di talaga ako patutulugin hangga't di ko sila sinusulat.
Wala talaga akong nagawa.


Naghanap ako ng ballpen at papel ngunit wala akong mahanap.


Hindi ito maari.
Lumabas ako ng kwarto at naghalungkat sa aming kabinet.

Nakakita ako ng colored pens.
"pwede na to."

No choice e.
Talagang nagtatago ang mga ballpen sa bahay namin.
Lumalabas lang pag hindi hinahanap.

Ayos na to.
orange.yellow at blue.
*pahiram muna gian.
Sa pamangkin ko kase tong colored pens na to at hihiramin ko muna.


"para kang tanga."

malamang, yan ang sasabihin saken ng ate ko kung nakita nya kong nghahanap ng ballpen sa kalagitnaan ng gabi kung saan ang lahat ay nasa kasarapan ng kanilang pagtulog. *enkk.umaga na pala . alas dos na nga pala ng madaling araw.


ang weird.

Gabi gabi na akong ganito.
Nagmumuni-muni.
Walang ginawa kundi mag isip ng mag isip ng kung anu ano hanggang sa makatulog na lang.

nag iisip ng mga bagay na hindi naman dapat iniisip pa.
nag iisip ng kung anu ano na tingin ko naman hindi naman pagtutuunang isipin ng ibang tao.


Epekto na siguro to ng mga walang magawa sa buhay.
Nakakabaliw pala ang walang ginagawa.
Kung anu ano na ang naiisip.

tsk.tsk.


* pipilitin ko na lang ang sarili ko na makatulog ngayong gabi, dahil kung pagbibigyan ko ang ang kapritso ng isip ko na isulat ang nilalaman ng naiisip ko ngayon. Malamang hindi na ako makakatulog.

11 sabi nila.:

{ HARI NG SABLAY } at: July 7, 2009 at 11:35 AM said...

naku hindi ka nagiisa,ako din eto nga gising pako nagcocoment sayo,2:30am.

{ Jepoy } at: July 7, 2009 at 11:42 AM said...

ako din gising pa 2:41 AM

{ ACRYLIQUE } at: July 7, 2009 at 12:51 PM said...

Baka may something sa ilalaim ng bed mo.

Kagigising ko lang 1:30am

{ Lord CM } at: July 7, 2009 at 4:09 PM said...

Try mo maggatas o kaya honey :D

Minsan ganyan din ako, pero di ko sya pinapalagpas...hablot agad ng laptop sabay type ng kung anong lumabas sa utak ko :)

{ ELAY } at: July 7, 2009 at 6:03 PM said...

ako rin pag mga ganyang hindi ako makatulog nag o on ako ng pc tapos type agad ng kung anung pumasok sa isip ko. In fact, mas active ako pag gabi, sa gabi ako nagrereview, gumagawa ng kung anu anu ayun share ko lang. n_n

{ Kablogie } at: July 7, 2009 at 9:17 PM said...

nagda-drugs ka ba hahaha..well baka may insomnia ka, patingin ka na.

{ RICO DE BUCO } at: July 8, 2009 at 4:12 AM said...

aus lang iyan ako nga 4am nung nasa probinxA ako...tulad ng sbi nla d k ngiisa...sulat lng ng sulat...

{ kox } at: July 8, 2009 at 4:20 AM said...

grabe ang mga taong to! hahaha.. pinaka matagal ko ng puyat eh 9pm! hahaha.. di ka nag iisa..

dahil madami kau :)

{ cheezy } at: July 9, 2009 at 7:45 AM said...

@ hari ng sablay - nyahaha, sa madaling araw ata kayo gising e. LOL

@ jepoy - antibay mo ah. hehe

@ Acry - something? hala.

@ lord- ako nman,bhira lng ako sipagin isulat lhat ng nsa utak ko. mas nangingibabaw tlga ang katamaran. LOL.

{ cheezy } at: July 9, 2009 at 7:49 AM said...

@ elay- ako din e. sa gabi ako mas active. mas gumagana ang utak. :)

@ kblogie - haha. muka lng akong nkdrugs pero hndi ako ngddrugs. oo. insomnia na to.

@ rico - wah. hanep. 4 am. di ko ata kaya yun,nkakapanlambot yun.

@ kox- haha, pansin ko din, madami pala kmi. wah. di ka pala msyado ngpupuyat. :)

{ JETTRO } at: July 27, 2009 at 6:27 PM said...

subukan mong uminom ng milo uli magaling magpa antok yan madalas ako umiinom niyan kaya madali akong antukin.