NGAYON ANG FATHER'S DAY.

Kunyari father's day ngayon.

_ _ _

HAPPY FATHER'S DAY PAPA!

Pagising ko pa lang diretso na ko sa kwarto ng papa ko.
Sinigawan ko sya at malamang pati yung kapitbahay namin narinig ang malakas kong pagsigaw.

Alam ko naappreciate ni papa ang pagbati ko.
Natatawa kase siya dahil ang ingay ingay ko daw. (hindi halata na maingay ako)

_ _ _

Wala akong regalo sa tatay ko dahil wala naman akong perang pambili ng regalo.
Nakihati na lang ako sa regalo ng ate ko na alak at sigarilyo.


Hahaha.

natatawa akong nagtanong sa ate ko kung bakit yun ang regalo nya?
(kahit alam ko na naman kung bakit)

Sagot tuloy ng ate ko, " NAGTANONG KA PA!"


bwahaha.


Alcoholic kase ang tatay ko.
Yung tipong di makatulog ng hindi man lang nakakainom.

Adik sa sigarilyo.
Maya't maya makikita mong sigarilyo ang hawak.

_ _ _

Dati naman, hindi mabisyo ang tatay ko.
Bihira lang uminom.
Umiinom lang pag may okasyon.

Naging alcoholic siya ng magkaroon kami ng madamingg problema.
Naglalasing gabi gabi, para daw makalimot sa problema.
Kung tutuusin hindi din nakakatulong ang alak.
Siguro nga nakakalimutan mo yung problema mo pansamantala pero hindi naman nababawasan yung problema.

_ _ _

Minsan pag wala sya, tinatapon ko yung alak nya.
Ayoko na kase syang makitang umiinom.
Natatakot ako dun sa narinig kong kwento tungkol sa tatay ng kaibigan ng ate ko.
Namatay daw dahil sa kakainom.

weww. Pero stainless na ata bituka ng tatay ko.
Lalo pa nga nagkakasakit yun pag hindi nakakainom.

Sinubukan na din kase nya dati na itigil ang bisyo nya.
Dalawang araw lang itinagal ng pagtigil, balik na ulit sa kakainom.
Kami din ang nagpabalik sa kanya.(toinks)

Nakakaawa din naman kase, hindi makatulog.

Wala na din talaga yata kaming magagawa.
Habang buhay na siyang magiinom.

Nakakatuwa pa nga e.
Nagiging kolektor ang tatay ko dahil sa pagiinom nya.

Kolektor ng mga bote ng alak. Dami nun dito sa bahay. :))
Minsan nga nakakakita pa nga ako ng 5pesos free daw dun sa takip ng alak.

Siguro nasa 30 pcs na yung mga takip na may free 5 pesos.
Pera din yun. Pag sinipag ako papapaltan ko yun. :)
(pag sinipag)

_ _ _

Madalas kaming nag aaway ng papa ko.
Kung anu-ano lang pinagaawayan namin.

Pero madalas naming pag awayan e yung panonood nya ng wrestling.(WWE)

No.1 fan kase ang tatay ko. ng wwe.
Araw araw puro yun lang pinapanood.
Umaga.Tanghali.gabi.

SAn ka pa?
paulit ulit lang yun.puro replay.
Pero pinapanood pa din nya.

Magagalit pa yun pag hindi mo sya sinamahan manood sa mga favorite scenes nya.
Ampp.

Minsan wala na din ako magawa, pinapanood ko na lang din ulit.
Kahit nauuta na ko. Wag lang masabihang kj.

_ _ _

Pero kahit naman ganyan tatay ko. Mahal na mahal ko yan.
(bumabanat na po ako)

Kahit lagi ko siyang inaaway, at inaaway nya din ako.
Alam ko naman na yan lang ang lagi kong kakampi.
kaya naman super lab na lab ko yan.

As in superrrr! ;))

Ok lang kahit lasenggo ka,pa.
Ok lang kahit may topak ka pag gabi.
Anong magagawa ko, e ikaw lang ang tatay ko.*toinks. haha.
hehehe.

basta lab na lab ko kayo.
hapi father's day! :)

-bunso.

5 sabi nila.:

{ ACRYLIQUE } at: June 22, 2009 at 2:02 PM said...

"basta lab na lab ko kayo.
hapi father's day! :)"


- SWEET!

{ Jepoy } at: June 22, 2009 at 2:51 PM said...

Ang masasabi ko lang Ang liit ng font mo!

Happi Papi's day sa tatay mo!!!!! Ang suweet naman ni Bunso ;-D

{ rossy13 } at: June 23, 2009 at 7:59 AM said...

wah!.. naantig ang heart coh!
ANG CHEEZY MO TALAGA!..
MABUHAY KA!..
ak ak!.. api fathers day po sa papa coh!..
waah!.. naki-epaL eh noh?!
kamusta nman un!..

{ rossy13 } at: June 23, 2009 at 7:59 AM said...

wah!.. naantig ang heart coh!
ANG CHEEZY MO TALAGA!..
MABUHAY KA!..
ak ak!.. api fathers day po sa papa coh!..
waah!.. naki-epaL eh noh?!
kamusta nman un!..

{ cheezy } at: June 23, 2009 at 8:25 AM said...

@ acrylique - haha. pero di ko masabi yan ng harapan.

@ jepoy, hahahaha.maliit tlga. hirap bshin. lalakihan ko na nga. ampp. hehehe.

@ rossy, thanks sa pgdaan dito. :))