INTRODUCTION -kuno.

So heto na yung "introduction"-kuno ko.

Bakit ka nagawa ng account dito?

Bakit nga ba, well hindi naman ito yung una kong account sa blogspot. Bale pangalawa na to. Yung una di ko na feel kaya di ko na pinapansin hahaha. Kaya nagawa ako ng bago. O balik tayo sa tanong, bakit nga ba ko nagawa ng account dito? uhm.. wala lang! gusto ko maging writer-writeran. Gusto ko lang magsulat ng magsulat ng kung ano ano, gusto ko ilabas lahat ng nasa isip ko. Gusto ko sabihin lahat ng gusto ko.Sabihin ang mga bagay na hindi ko masabi sabi sa iba. Mga bagay na kahit best friend mo hindi dapat malaman. Mga bagay na dapat talaga ikaw lang may alam. At isa pa, paubos na kase yung page ng notebook ko na .. "journal-diary-kuno". Sakit din naman sa kamay mag sulat ng pagkahaba haba. Namamaga lang yung kalyo ko sa kamay. At saka, baka makita bigla ng aking kapatid yung notebook na yun at mabasa ang aking mga aktibidades at mga sikretong napagkalupet.


sunod na tanong:


Magkwento ka tungkol sa buhay mo?

buhay ko? isa lamang akong estudyante. Kasalukuyang nag aaral sa isang unibersidad na puro berde. Mag-2nd year na ko. Pero first year ulit. Bakit kamo? nag shift ako. Magshishift pala. Bakit magshishift? ayoko kase ng una kong course. Bakit mo pinili kung ayaw mo naman pala? hindi ako ang pumili non. ang pamilya ko ang pumili non.
anyway, buti na lang at pinayagan na nila kong pumili ng gusto ko.

goodluck saken.

Ang problema nga lang. Kung kelan pinyagan na nila ko. Tinamad na ko mag aral. Hindi ko na nga maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ko. Di ko lam kung ano ba talagang gusto kong course. Di ko lam kung ano bang gusto ko sa buhay ko. wahh. *awat na muna dito. hahaba pa yung introduction ko pag nag emowt pa ko.

Hanggang dito na lang.
Tintamad din kase ko ngayon.

0 sabi nila.: